[70 years after the Great Awakening: Year 2146 in Terra]
"Mary, lumabas ka dyan! Alam kong nandyan kayo ng anak ko sa loob!" Sigaw ng galit na galit na lalaki habang marahas na kinakatok ang lumang pintuan na gawa sa kahoy.
Sa loob ay makikita ang isang babae na punit-punit ang kasuotan, mababakas mo rito ang matinding pagod gawa nang ilang oras na pagtakbo. Humahangos ito habang mariin na tinatakpan ang bibig ng kanyang anak. Alam ni Mary na sa oras na mahuli sila ng kanyang asawa ay hindi na magkakaroon ng pagkakataon ang kanyang sampung taong gulang na anak na si Sierra na mamuhay ng payapa. Ngunit sa pagkakataong ito ay wala na silang matatakbuhan sapagkat ay anumang oras ay maaaring makapasok sa loob ang ngayo'y galit na galit nyang asawa na si Trev. Wala na syang ibang maaaring gawin kundi harapin ang kanyang asawa habang hindi pa nakakarating ang kanyang kapatid
"Sierra, anak, promise ni mama na hinding-hindi mo mararanasan yung mga napapanood natin sa balita. Gagawin ni mama ang lahat para protektahan ka", bulong ni Mary sa kanyang anak habang mariin pa rin na tinatakpan ang bibig nito. Inabot ni Mary ang basag na piraso ng plato na nakasiksik sa bulsa ng kanyang sira-sirang lumang maong. "Dito ka lang, 'wag kang gagawa ng kahit anong ingay", dagdag pa niya.
Tumango lamang si Sierra bilang sagot dito kahit na naguguluhan sya sa mga nangyayari. Hindi nya lubos maunawaan kung bakit galit na galit ang kanyang ama at kung bakit sila humahabol nito. Hindi nya rin maintindihan kung bakit umiiyak at takot na takot ang kanyang ina na parating nakangiti at masaya. Hindi nya lubos na maunawaan kung bakit kaylangan nilang magtago at kung bakit nagkakaganito ang sitwasyon nilang mag-ina.
Marahas na tinulak ni Mary ang kanyang anak at dali-daling lumabas ng pinto upang harapin ang kanyang asawa. Inatake nya ang kanyang asawa gamit ang piraso ng basag na pinggan, ngunit nahawakan sya ni Trev sa kamay bago tumama ang talim sa kanya sabay tulak kay Mary, dahilan para sumalampak ito mabatong. "Hindi mo pa rin ba ako maintindihan, Mary? Si Sierra ang mag-aangat sa buhay natin! Pwede pa naman tayong gumawa ulit ng bagong anak pagkabigay natin sa kanya sa EVO!" Sigaw nito kay Mary. Makikita sa mukha ng asawa nya na para na itong nasisiraan ng bait.
Ang mga salitang iyon ay lalong nagpabaga sa galit ni Mary sa kanyang asawa. Tumayo ulit si Mary at sinubukan nya ulit itong saksakin, at sa pagkakataong ito ay nagawa nyang tamaan si Trev. Bumaon ito sa balikat ni Trev na siya namang dahilan para mapasigaw ito sa sakit. "Anong klaseng demonyo ka, Trev? Anak natin si Sierra! Nasisiraan ka na ba ng ulo at nasasabi mo 'yan sa kaisa-isang anak natin?" Sigaw ni Mary habang patuloy na sinasaksak ang braso ng asawa. Bago mapuruhan ni Mary si Trev ay nagawa nitong mahawakan ang kamay ni Mary. Nguniti ito nang bahagya sabay suntok sa sikmura ni Mary. Bahagyang napaatras si Mary dahil sa pagkakasuntok sa kanya ng kanyang asawa.
"Oo, nasisiraan na nga siguro ako ng ulo pero pagod na pagod na ako sa ganitong buhay! Kaya gagawin ko ang lahat para makaalis lang sa letcheng buhay na 'to kahit buhay pa ng anak ko ang kapalit!" Sigaw ni Trev at akmang susuntukin ulit si Mary pero bigla itong natigilan dahil biglang lumabas ang kanilang anak.
"Dada! Mama! Bakit kayo nagaaway!" Sigaw ni Sierra habang umiiyak. Hawak nito ang regalong lumang manika ng kanyang ama habang nanginginig sa takot sa kanyang nasasaksihan. "It's too much..." Yan ang paulit-ulit nyang sambit sa kanyang isipan.
"Sierra! No!" Sigaw ni Mary. Sinubukan nyang itulak ang kanyang asawa para puntahan ang kanyang anak pero marahas syang sinuntok ni Trev sa mukha dahilan para dahan-dahang syang mawalan ng malay. "Sierra... run..." Nanghihina nyang sinabi bago nya ipikit ang kanyang mga mata. Binitawan ni Trev ang ngayo'y walang malay na si Mary at dahan-dahang lumapit sa anak nyang si Sierra.
Nakita ni Sierra ang kanyang walang malay na ina na nakahiga at puno ng dugo sa ilong. Dahil sa hindi makontrol na emosyon ng bata ay sumigaw ito ng malakas, samantalang napatigil naman ang kanyang ama sa paglalakad at biglang napahawak sa dibdib nito. Nagsisigaw ito sa sobrang sakit na para bang sinasaksak ng ilang libong kutsilyo ang kanyang dibdib. "Why you hurt Mama! You're bad, Dada!" Sabi ni Sierra habang patuloy na sumisigaw. Sumuka ng dugo ang kanyang ama pero patuloy pa rin sa pagsigaw si Sierra habang walang humpay sa pagtulo ang kanyang mga luha.
![](https://img.wattpad.com/cover/372816269-288-k941508.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unfortunate People
Science FictionA tale of different people struggling to fit into a society where they are being hunted because of their powers. Little Sierra -Isang batang babae na maagang namulat sa kalupitan ng mundo... The Void -Isang lalaki na itinakwil ng kanyang magulang sa...