"Have you lost your mind? Paano na lang kung hindi kita naabutan kanina?" Sigaw ni Lena sa kanyang pamangkin na ngayon ay nakayuko at hindi makatingin sa kanya. "Ngayon, nahuli na nila si Kairo! Damn it!" Dagdag pa nito.
"Sorry...", ito na lamang ang nasabi ni Sierra, hanggang ngayon ay hiyang-hiya pa rin sya sa nangyari at hindi nya kayang harapin ang kanyang tita Lena.
"Sorry? Maibabalik ba ng sorry mo yung mga nangyari?" Sabi ni Lena na ngayon ay nagpipigil ng galit. Alam nya na naging padalos-dalos lamang ito sa kanyang desisyon dahil sa kagustuhang makatulong.
"Sierra!" Sigaw ng ina ni Sierra. Bawat yabag ng paa ni Mary habang ito ay papalapit kay Sierra ay tila ba nakakabingi sa pandinig ng dalagita. Kukunin na sana ni Sierra ang kanyang jacket na hinubad nya kanina para bumaba sa basement nang bigla syang nakaramdam ng isang malakas na sampal mula sa kanyang ina, dahilan para ito mapaupo.
"Antigas ng ulo mo! Bakit ba ipinagpipilitan mo ang gusto mo? Kaligtasan mo lang ang iniisip namin pero sinuway mo pa rin kami!" Mangiyak-ngiyak na sinabi ng kanyang ina. Kaagad na pinuntahan ng kanyang Tita Lena ang kanyang ina at pinatahan. Sinenyasan din nito si Renia na puntahan si Sierra na agad namang sinunod ni Renia.
"Tara, samahan na kita sa loob ng tent nyo." Sabi ni Renia na ngayon ay nasa likuran na ni Sierra. Nilingon ito ni Sierra at ngumiti nang mapait. Kinuha ni Renia ang dalang bag ni Sierra at jacket nito sa pamamagitan ng kanyang buntot samantalang nakahawak naman ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang balikat ng dalaga.
"Walang may gusto ng nangyari kaya 'wag kang magalit sa sarili mo", sabi ni Renia habang sila ay naglalakad pababa sa basement. "Pero sana nagsilbing aral sa'yo ang mga nangyari ngayon. Tsaka 'wag kang mag-alala, alam naman natin na magiging okay lang si Kairo, makakahanap 'yon ng paraan para makatakas sa EVO", dagdag pa nito.
Alam ni Sierra na nagsisinungaling lamang si Renia para pagaanin lang ang loob nya. Alam rin ni Sierra na sa oras na mahuli sila ng EVO ay karumaldumal na eksperimento ang gagawin ng mga scientists sa kanila, mas lalo na at isang Hiden-class Exoform si Kairo. Panigurado ay gugustuhin na lamang nitong mamatay kaysa danasin ng matagal ang mga gagawin sa kanya ng nga scientists ng EVO.
Noong makarating na sila sa basement ay agad na pumasok si Sierra sa kanilang tent. Agad itong humiga at nagtakip ng kumot.
"Antanga mo Sierra!" Bulong nya sa kanyang sarili habang umiiyak.
Hinayaan na lamang ni Renia si Sierra at marahang ibinaba ang takip ng tent nila Sierra. Gustuhin man nitong mainis kay Sierra pero pinapangunahan pa rin sya ng awa sa dalagita. Alam nyang gusto lamang makatulong ni Sierra dahil sa sitwasyon nila ngayon. Alam din ni Renia na kung sya ang nasa katayuan ni Sierra at alam nyang malaki ang maitutulong ng kanyang kakayahan ay marahil matagal na nya itong ginamit, pero naiintindihan rin ni Renia ang pag-iingat at pag-aalala nila Lena sa dalagita dahil masyado pa itong bata para sumabak at makipagsapalaran sa malupit na mundo.
Kung meron mang dapat na sisihin, iyon ay ang EVO at ang tatlong makapangyarihang kontinente na may hawak dito...
~•~•~•~•~
Nagising si Sierra sa marahas na pagyugyog sa kanya ng kanyang ina. Noong minulat nya ang kanyang mata ay tumambad sa kanya ang takot na takot na mukha ng kanyang ina.
"Ano pong nangyaya--" hindi na natuloy ni Sierra ang kanyang sasabihin nang marahas nitong tinakpan ang kanyang bibig at sumenyas na 'wag syang maingay.
Lumakas ang tibok ng puso ni Sierra noong magkaroon sya ng ideya sa mga nangyayari. Kinuha ni Sierra ang kanyang jacket at pagkatapos ay tumango sa kanyang ina. Dahan-dahan silang lumabas sa tent at pumunta sa nagkukumpulan nilang mga kasama sa sulok ng basement. Nakita rin ni Sierra si Nana Amara na ginagamit ang kakayahan nito.
BINABASA MO ANG
The Unfortunate People
Bilim KurguA tale of different people struggling to fit into a society where they are being hunted because of their powers. Little Sierra -Isang batang babae na maagang namulat sa kalupitan ng mundo... The Void -Isang lalaki na itinakwil ng kanyang magulang sa...