Chapter 26: Missing you

40 1 0
                                    


Samantha Lopez

Sa mga susunod na araw ay sisimulan na ang hearing sa kaso. Kinakabahan ako pero lagi lang sinasabi sa'kin ni Alyssa na wag akong mangamba at maipapanalo nya ito. Ilang linggo na din pala ang nakakalipas pero pakiramdam ko ay nariyan lang si Patrice sa tabi ko. I'm starting to miss her.

"Did you eat na?" sabi ni Alyssa. Kakarating niya lang, narito kami sa TGI Firdays, may meeting kami ngayon par paghandaan yung hearing.

"Hindi pa ako umorder" sabi ko habang inaayos ang papeles na hawak ko.

"Bakit? You should order my treat" nakangiting sabi nito.

Si Alyssa, pakiramdam ko ay may gusto sa'kin. Okay naman siya, napaka thoughtful at mabait. Pero, aaminin ko hindi pa ako totally healed sa past relationship ko kay Patrice.

"Waiter" tawag niya doon sa nag iikot na nakauniform.

Bigla namang lumalim ang iniisip ko, kung sakaling kami pa rin kaya ni Patrice ay magiging masaya pa rin kaya kami?

Kung sakali ba na kami pa rin ay mananatili pa rin kaya siya sa tabi ko kahit alam niya na ang Daddy niya ang pumatay sa mga magulang ko?

Bakit sa tuwing iniisip ko siya ay ramdam ko ang sakit? Ang sakit na we end up like this. Mahal ko si Patrice kaya kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang kalimutan na lang lahat ng pinagsamahan namin. Nag sama pa kami sa iisang bubong at ganoon na lang kami nag tapos.

"Hey, are you okay?" alalang tanong ni Alyssa. Nagbalik naman ako agad sa ulirat.

"A-ah, oo naman" sabi ko habang binubuklat na ang mga dokumento na hawak ko.

"You seemed occupied kasi, did you think about her?" sabi ni Alyssa. Hindi siya nakatingin sa'kin dahil inaayos niya din yung mga gagamitin namin sa meeting.

"H-hindi a. May iniisip lang ako at hindi siya 'yon" sabi ko. Pero deep inside. Oo, naiisip ko siya.

"I just hope na maging okay ka, nandito naman ako for you wag ka mag alala" sabay hawak sa kamay ko. Tinignan ko siya ng mataim. Mas lalo kong naramdaman na gusto ako ni Alyssa.

Agad ko naman itong tinanggal, "Kailangan na siguro natin umpisahan ang meeting" nataranta pa ako bigla at nailang. Hindi pa talaga ako handa for another relationship.

"Sam, I know that you're still thinking about your ex, but I'm willing to help you to move on from her" Tinignan ko naman siya at nakikita ko sa kanya na seryoso at sincere siya sa sinasabi niya.

"Alyssa, alam ko naman na willing ka, but not now. I have my priorities, alam mo yan"

"I'm sorry" sabi ni Alyssa. "So can we start the meeting?"

Sabay buklat ng mga dokumento na hawak niya.

"Sigurado ako na sa hearing na iyon, mapaghahandaan din ni Alfred"

"Madaming connection si Alfred kaya matagal siyang nakapag tago dito sa Pinas" sabi ni Alyssa habang hawak ang dokumento na gagamitin namin sa kaso.

__________________________________________________________________________

Patrice Flores Villafuerte

Nandito ako ngayon sa Fashion institute of Technology sa New York. Napag isip isip ko na kailangan ko muna mapag isa. I told Tita na dito muna ako maninirahan sa New york since malayo ang bahay niya dito. I also decided na mag aral about fashion. Noong una, alam niyo naman na ayaw ko talaga pero unti unti ko ng naappreciate ang Fashion designing. Tama si Mommy, I'm born for this.

Ilang weeks na din simula nung umalis ako sa Pinas. Nakaka home sick sa umpisa pero kinakaya ko naman. I feel much better kesa nung nakaraan na sobrang down na down ako.

"Hey Pat, wanna go with us?" sabi ng isang friend ko. Lunch break na din kasi namin.

"Nah, I've got lot of work to do" sabi ko, nasa library kasi ako. Madaming home work na pinapagawa at deadline na sa friday.

"Are you sure? Just call me if you wanna go then we'll wait for you. So, see you!" pag papaalam niya saka sila umalis ng classmate niya.

Nakasuot na ako ng round glasses ngayon dahil babad na sa laptop at lagi din akong puyat kakagawa ng mga home work at projects. Tambak talaga ngayon.

Ilang linggo pa lang ako dito sa US pero parang feeling ko ang tagal tagal ko ng nandito.

I decided to pick up my phone. Pagbukas ko ay pumunta ako sa gallery dahil may mga pictures din ako ng mga models namin sa company.

Kaka scroll ko, bigla kong nakita ang pictures namin ni Sam. Naalala ko nanaman siya.

Natandaan ko 'tong picture na ito. Nasa isang beach kami nito at nag picture kami sa tabing dagat. Napaka kulit niya at ayaw pa nung una pero napilit ko din. Kaya ang mukha nya dito ay halatang napipilitang ngumiti.

Kamusta na kaya siya ngayon? Kamusta na kaya ang kaso? Nag cut ties ako kahit kila Mommy ay hindi ko sila kinocontact.

Even Rizz and my other friends kahit tinatadtad na nila ako ng emails ay ni isa dito ay wala akong sinagot.

I just hope na makamit na niya ang hustisya for her Parents.

Sam, if I ever have a chance to talk with you, I will grab it and say to you kung gaano kita kamahal. Hindi ko alam kung anong gagawin noong malaman ko na totoo pala lahat ng paratang kay Dad. It was never easy on my part too dahil ang pumatay sa mga magulang ng pinakamamahal ko ay isa din sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. si Daddy.

Do you know how much I miss you? Sobrang miss na miss na kita, lagi pa rin kitang iniisip at never ka naman nawala sa puso at isip ko. Sana alam mo 'yon.

I decided to go to my facebook account. Oo nga pala, Sam unfriended me sa FB kaya kahit anong balita about sa kanya ay wala akong alam.

But then I was surprised, nakita ko na may nag message request. Pag open ko ay not other than Sam.

"Kamusta?" yan ang message niya sa'kin.

Nakaramdam nanaman ako ng biglang kaba at kirot sa dibdib. Hindi ko alam if magrereply ba ako.

Malalim na naman ang iniisip ko, pero... hindi pa ito ang tamang panahon para mag reconnect kaming dalawa. We need to fix our own problems.

I decided to close the facebook app and bumalik na lang sa ginagawa.

What I love about HER (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon