Chapter 27: Alyssa's Confession

66 2 1
                                    

Samantha Lopez

Ilang buwan na ba ang lumipas? 3 months? Halos araw araw ay kalbaryo para sa'kin dahil nagumpisa na din ang hearing para sa kaso. Sa isip isip ko ay nagpapasalamat pa din ako dahil ito na ang pinakahihintay ko, ang makamit ang hustisya para sa pagkamatay ng aking mga magulang.

Pag nakikita ko si Alfred sa court room ay parang gusto ko siyang sugurin at saksakin sa sobrang galit na nararamdaman ko. Bakit niya 'yon nagawa? Bakit kaya niyang pumatay ng wala namang ginagawang masama sa kanya? Wala ba siyang konsensya? Sobrang sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Pag tumitingin siya bumalik sa'kin ay may halong takot at kaba ang nararamdaman ko pero minemaintain ko ang postura ko. Sabi sa'kin ni Alyssa ay wag na wag akong magpapakita ng kahinaan sa kanya dahil lalo lamang siyang magiging confident na mananalo siya sa kaso.

Narito kami ngayon sa condo unit ni Alyssa. Ininvite niya kasi ako for dinner at para mapagusapan na din ang next step sa susunod na hearing. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kasiyahan kapag nandyan si Alyssa. Pero may mga oras na naiisip ko pa rin si Patrice. Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako ready para mag mahal at mag invest ulit pero susubukan ko pa rin.

Bigla ko na lamang naramdaman na nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko.

Agad ko naman itong sinagot.

"Hello?"

"Dito na ako sa tapat ng apartment mo? Are you ready?" halata sa tono ni Alyssa na excited sya.

"A-ah, oo nakabihis na ako teka kukunin ko lang ang bag ko" sabi ko naman sa kanya habang inaayos ang bag ko.

Nag madali akong kunin ang bag ko saka umalis at lumabas na ng pinto.

Pag labas ko ay nakita ko agad ang sasakyan ni Alyssa sa tapat.

Binaba niya ang windshield sa may driver seat saka sinabing "Ang ganda mo tonight" nakangiting sabi nito sa'kin.

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa sinasabi niya.

Bumaba siya ng sasakyan saka pinagbuksan ako ng pinto. Mabait naman si Alyssa pero, bakit pakiramdam ko hindi pa ako ready?

Pag sakay ko ng sasakyan ay agad naman kaming umalis.

Habang nasa byahe kami, bigla naman siyang nagtanong, "kamusta ang araw mo?"

"Okay naman" sagot ko sa kanya. Medyo hindi kasi ako comfortable sa ganitong state.

"Okay ka lang ba? May iniisip ka pa rin ba? Iniisip mo pa rin ba si Patrice?"

"H-ha? Hindi no" sabi ko. Napatawa naman siya ng bahagya.

"I'm just joking, don't get too defensive, okay?"

"Medyo hindi kasi ako natuwa kung joke 'yon" seryosong sabi ko sa kanya.

Pero oo nga no? Bakit ang defensive ng tono ko sa kanya? Bakit grabe 'yong pagdedeny ko?

Sa pag iisip ko, hindi ko na namalayan na narito na pala kami sa Building kung saan ang Condo unit niya.

"Let's go?" pag aaya nito.

Pag bukas namin ng pinto ng Condo unit niya, nakapatay pa ang ilaw.

Pero may mga kandila ito, makikita mo agad ang dining table na nakaayos na.

"Do you like it?" Alalang tanong niya sa'kin.

"Oo naman. Ang ganda kaya" sa totoo lang ay naamaze ako sa ginawa niya.

Pero ang iniisip ko, si Pat. Nako Sam, wag kang ganyan, si Alyssa ang kasama mo ngayon.

"Are you okay Sam?" Alalang tanong ni Alyssa sa'kin.

"A-ah, oo naman" sabi ko sa kanya saka umupo sa upuan.

Nang makaupo na kami parehas, bigla siyang nag tanong. "O-okay naman ba yung set up?" Halatang kabado siya sa tanong niyang iyon.

"Ano ka ba, ang ganda kaya" sabi ko habang iniikot ko ang pasta sa tinidor ko.

"Sure ka ha?" Sabi niya, alam ko na nakahinga na siya ng maluwag sa sinabi kong iyon.

"Oo naman, wag kang masyadong mag alala"

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko sabay sabing "gusto kong makalimutan mo si Patrice. Alam ko, this is too much to ask from you pero sana, hayaan mo kong maiparamdam sa'yo na sincere ako sa sinasabi ko at nararamdaman ko para sa'yo"

Natameme ako, sa totoo lang ay ayaw ko naman masaktan si Alyssa dahil magpapakatotoo na ako. Hindi pa ako handa na magmahal ulit. Hindi pa ako handa mag risk ulit lalo na't ilang buwan pa lamang ang nakalilipas. Nasa kalagitnaan pa ako na kailangan ko muna maghilom sa mga sugat na iniwan ng nakaraan.

"Hey Sam, it's okay. Hindi kita minamadali. I know you're still on your healing process" mas hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "I'm willing to wait for you"

"Alyssa---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalitang muli.

"I know na siya pa rin ang iniisip mo up to this moment. Sa dami at biglaan ng mga nangyari sa inyo, alam ko na hindi ganoon kadali para sa'yo na makalimutan ang pain na yan. But still, I want to pursue you even though alam ko na masaktan ako. You are worthy Sam. Kaya nga I'm willing to wait until you are fully healed from your past"

"Alyssa, I don't wanna give you high hopes. Mahirap makasakit ng tao, ayokong manaig ang konsensya ko at tuluyan kang saktan sa gagawin mo. I will not give you an assurance na makakalimutan ko si Patrice" sabi ko sa kanya.

Napuno ng katahimikan ang buong paligid. Hindi na rin siya nakapagsalita alam kong nag isip din siya sa mga sinabi ko.

"Alyssa, I don't want to hurt anyone specially this tough time sa buhay ko, masyado na akong maraming iniisip para dumagdag pa ang heart ache at stress na maidudulot nito sa'kin. I really appreciate your effort for me but I will not give you any word okay? Let's just enjoy the night, don't let negative emotions lead this moment"

"I'm sorry, siguro it is too much to ask from you lalo na sa mga nangyayari ngayon sa buhay mo"

"I can really feel your sincerity towards me, but I need to prioritize things and you know what I mean"

"Y-yes. I know, I just want to tell you what I really feel towards you, I just can't help it. I can't hide this forever, nasasaktan din ako kapag alam kong si Patrice pa din"

"Alyssa, hindi naman ganoon kadali na makalimutan ko 'yong past ko e. Isang buwan pa lang halos ang nakalilipas. Minahal ko si Patrice, and you're aware of that diba? Pero bakit you're forcing something na hindi naman dapat?" Medyo naiinis na 'yong tono ko sa ginagawa niya.

Paiyak na siya pero alam kong pinipigilan niya lang, "I'm sorry, I didn't intend to force you or anything"

"I think, I need to go. Walang magandang idudulot 'tong paguusap natin. Nakakasuffocate"

Tumayo ako saka umalis ng walang sabi sabi.

Alam kong nasaktan siya sa ginawa ko, but I need to be honest with her. Ayoko na magkaroon siya ng expectations at high hopes dahil hindi rin magiging maayos ang relasyon namin. She's my lawyer, ang hirap kung ganito siya lalo na't alam niyang may pinagdadaanan ako. Hindi naman niya pwedeng gamitin 'yong sitwasyon ko to manipulate my emotions e.

Nakokonsensya man ako sa ginawa ko pero kailangan kong magpaka totoo. Ayokong manloko ng tao, at lalong lalo na ayoko lokohin ang sarili ko.

Alyssa, you don't deserve me. Wrong timing pa lahat. I just hope you understand someday. 

What I love about HER (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon