An Old Love Encounter
Written by: CalliLia
"Kamusta?"
After 6 years simula noong hindi na tayo magkita...
Hindi kita tinignan, kahit ilang pulgada lang ang layo mo sa aking tabi...
Pinapakiramdaman ko kasi kung ano ang pakiramdam ng muli nating pagkikita at muli mong pangangamusta matapos ang anim na taon...
"Kamusta ka?" Tanong mong muli.
Huminga muna ako ng malalim, ngumiti at naglakas loob na tignan ka...
"Ayos naman..."
Ayos naman katulad ng nakikita kong maayos ka ngayon...
"Ikaw?" Tanong ko naman sayo...
"Ayos lang din..." Tipid ngunit may pait...
Katahimikan...
Ibinalik ko ang tingin sa mapayapang dagat...
Napangiti at saglit na nagpadala sa payapang dala ng mahinahong hampas ng tubig...
"Crissel..." basag mo sa katahimikan...
Muli kitang tinignan ng may ngiti "Hmm?"
"Sorry..." Sinsero at malamlam ang iyong tingin sa akin.
Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi napigil din ng konti ang aking paghinga...
"Para saan?" Mahina kong tanong kahit may ideya na ako kung para saan iyon.
"I failed you..."
"Because I failed you first." Sagot ko.
"No... your love for me is pure and genuine yet I chose to hurt you... Sorry for hurting you... Sorry for bringing you so much pain... Sorry for everything Crissel..." Pain... I see pain in his eyes...
Biglang sumipa ang kirot sa aking dibdib ngunit pinili kong huwag iyon ipahalata...
"That was a long time ago Jerrick, I already forgave you-"
"Pero ako di ko pa rin mapatawad ang sarili ko..." Natigilan ako saka unti- unting iniwas ang tingin sa kanya...
Akala ko ba ayos na siya?
Kaya ko nga piniling maging maayos na dahil nakikita ko siyang maayos na siya kasama ang babaeng pinili niya...
"Crissel-"
"Kalimutan mo na 'yon... Ang tagal na non ayos naman na tayo pareho eh, so you should forgive yourself... maging masaya nalang tayo sa kanya kanya nating narating..." Hinarap ko siya at nginitian. "Masaya ako para sayo Jerrick... Sa mga narating at mararating mo pa... Masaya rin ako para sa inyo..."
"Oh paano? Mauna na muna ako, nilalamig na kasi ako..." Palusot ko at tumalikod na...
Mabilis ang aking mga hakbang upang di na muli siyang makausap...
Naninikip ang dibdib...
Akala ko ba tapos na?
Akala ko ba limot ko na?
Ang tagal na non...
Bakit ang sakit pa rin?
Talaga bang ayos na ako?
Talaga bang masaya na ako sa narating ko?
Talaga bang...
Masaya ako para sa kanya at para... sa kanila?
Ano man ang alalahanin sana'y di na kami muling magtagpo...
Hindi na dapat...
Hindi na maari...
To be Continued...