An Old Love Encounter
Written by: Callilia"Saglit!"
Natataranta akong pinindot ang open button ng elevator para makahabol iyong sumigaw...
"Ikaw pala..." Si Jerrick. Kasamahan kong Waiter dito sa pinapasukan kong Hotel.
"Kapoy!!!" Humihingal niyang sabi noong sumara na ang elevator. "Pero tanggal na pagod ko, nasolo na kita dito eh..." Pilyo niyang sabi at may pagkindat pa.
Napairap ako. "Sumbong pa kita sa jowa mo eh!"
Nawala ang pilyo niyang ngiti at umiwas ng tingin "Edi salamat nalang sa lahat." Ngumuso pa nga.
Natawa nalang ako habang nakatingin sa kanya. Nababakas talaga ang pagod sa kanya. Paano ba naman kasi ay walang tigil ang paghahatid niya ng orders sa kakatapos lang naming duty.
Halos tumigil ang paghinga ko dahil bigla niyang kinalas ang kawit ng black kimono na uniform namin at tumambad tuloy ang puting polo na panloob niya. Pinid iyong nakatucked-in sa fitted black slacks niyang suot. Nalipat ang tingin ko sa mukha niya. Bahagya ng magulo ang palagi niyang nakaayos na buhok, pawisan na rin ang noo niya pati ang leeg niya pababa sa kanyang dibdib...
Pero bakit ang linis at ang bango niya pa ring tignan?
Umiwas na ako ng tingin. Bakit ba ang tagal naman atang umakyat nitong elevator na ito?
"Kumakain ka ba ng pares?" Bigla ay tanong niya.
"Huh?" Ang random naman nito.
"PagodTom eh, hindi ako nakakain buong duty at pares ang makakapatid ng gutom ko..." Nakangiti niyang sabi at tinampal tampal pa ang tiyan niya.
"Lapit lang naman dorm mo eh, kain muna tayo! Ikaw naman may kasalanan bakit di tayo nakakain eh..." Ngumuso nanaman siya.
"Edi pareho tayong napagalitan dahil mababa ang sales..."
Kailangan ko kasing mag-upsell para ma-meet ang quota per shift and we did kanina.
"Biro lang! Ang seryoso mo naman... Halika na kasi samahan mo na ako sure akong gutom ka na din..." Sabi niya at lumapit pa talaga sa mukha ko't doon pa nag twinkle eyes. "Kain tayo ah? Kumakain ka naman non diba?"
Hindi.
"Oo Naman..." Sinungaling ka gaga!