An Old Love Encounter
Written by: CalliLia
"Hello..." Inaantok ko pang sagot sa cellphone ko...
"Ayy!!! Disney Princess pre ah! Nu oras na po kamahalan!"
Biglang nadilat ang naniningkit ko pang mga mata ng marinig ko ang nasa kabilang linya. tinignan ko ang pangalang nakarehistro sa aking messenger at tama nga ako na si Jaycell ang nasa kabilang linya.
"Uyyy pre~ kamusta? napatawag ka?" Napabangon na nga ako dahil naexcite akong kausapin siya.
Ang tagal na rin kasi noong huli ko siyang makausap dahil nabusy talaga na ako sa buhay ko.
"Okay naman pre... still inlove with my green eyes baybeh! hihi"
"Hindi na talaga kayo nagkabalikan ni Ryzell?"
"What the fuck ka pre! Kadiri! Di ko na babalikan yung buto buto na 'yon!"
Natawa ako, naimagine ko tuloy ang mukha niyang halos maduwal na. huling balita ko nga ay may karelasyong AFAM itong kaibigan ko matapos nilang magkahiwalay ni Ryzell- ang tatay ng inaanak ko...
"Oh eh bakit ka nga napatawag aber?"
"Ito na nga! Huyy malapit na birthday namin ng inaanak mo! Eh ngayon nagpabooked ako sa resort sa Elyu! Iimbitihan kitang muli at bawal ka na tumanggi ilang taon mo na akong tinatanggihan eh!"
Natigilan ako..
"Huy! Huy! shutacaaa subukan mo nanaman akong tanggihan! Ay aba naman hindi ko na tatanggapin mga pinadadala mo kay Aikee at friendship over na talaga tayo!"
"Hmm let me see my sched-"
"Hay nako tigilan mo ako sa fucking schedule mo na 'yan cause I dont give a shit! mag leave ka! puro ka trabaho, pagbigyan mo naman kami ng inaanak mo~"
"Ah eh-"
"Pre tigilan mo ako di ka na uubrang tumanggi!" Iritang irita na talaga siya sa kabilang linya. "Tsaka teka nga... Wag mong sabihing tatanggi ka nanaman kasi iniisip mong baka pupunta si Jerrick?"
Halos tumalon ang puso ko ng marinig ang pangalang iyon.
"H-hoy! bakit naman nasama sa usapan iyon?" Sinubukan ko talagang hindi magtunog apektado.
"Asus! sabi na eh! wahahahaha nako Crissel! tsk! tsk!" Rinig ko na ang mapangasar niyang halakhak.
"Huyyy hindi naman! its just that-"
"Enough with your fucking excuses! kung yun yung inaalala mo. I'm assuring you na walang Jerrick kang makikita! Balita ko kay buto-buto pasampa na ulit ng barko 'yon next week, final na kasi may paabot na siya kay Aikee na pa-birthday sakin eh kaya sure akong di na siya makakapunta sa birthday namin ng inaanak niya..."
"So nagchichikahan pa pala kayo ni Ryzell? Ayieeee marupokpok!" Asar ko naman sakanya nang makakita ako ng tyempo.
"Inang yan! tupiin ko pa sa walo yung buto-butong 'yon!"
Ang sarap naman ng tawa ko. nakakakitaan ko pa rin kasi ng potensiyal na pagbabalikan itong dalawa kahit pa may karelasyon itong kaibigan ko na AFAM.
"Hoy! 'wag mo nga akong nililigaw! Pupunta ka sa party namin ni Aikee ah! 'Wag mo talaga akong ma-indian at baka sabihin ko kay Jerrick na ayaw mo na siyang pasampahin ng barko-"
"Oo na! Ang dami dami mo naman talk pre!" Putol ko na sakanya at nakukulitan na talaga ako.
"Goods! Mainam nang nagkakaintindihan tayo Sels! O Siya sige na't tatawag pa ako sa afam ko! Bye-rs!"
"Sa afam o kay Ryzell?" Habol ko pang pang asar.
"Pakyu Sels! Muah!" Sabay baba na niya ng linya.
Bumangon na ako. 11 am sabi sa aking wall clock. Pinatay ko na rin ang aircon at hinawi ang magara kong kurtina.
"Goodmorning. Thanks for waking me up lord..." Sambit ko habang nakatanaw sa napakagandang langit.
Ito yung usual kong ginagawa dito sa condo ko first thing in the morning. Yung magpasalamat sa panginoon para sa panibagong araw.
Huminga ako ng malalim at pumikit.
It's been 6 years simula noong muling tumira akong magisa sa bahay...
Anim na taon na noong unang beses Kong maranasan ang mamuhay independently...
Don ko rin naranasan kung paanong mabuhay kasama siya...
Mangarap na sana araw-araw palagi siyang uuwi sa bahay na yon pagkatapos ng nakakapagod naming trabaho noon...
Mangarap na sana siya na ang makasama ko habang buhay...
Saksi ang bahay na yon sa halos lahat ng pinagsamahan namin...
Yung saya, yung maliliit na away, yung stress sa work at sa kanya kanya naming problema, yung asaran, at pati na rin sa lungkot dahil kailangan na namin magpaalam sa isa't isa...
Pati na rin yung lungkot na ako nalang naiwan magisa...
Yung mga luhang halos araw-araw kong pinatak hanggang sa mapagdesisyonan ko nang iwan ang bahay na 'yon...
6 years na rin pala ang nakalipas pagkatapos non...
Can't believe that after that downfall...
I was able to make it...
I got a job that is suitable for me, we already have our own house at Bulacan, and I got this condo for myself...
And he was too...
Parang kailan lang ay napagusapan namin ang plano niyang pagbabarko...
Sa anim na taon matapos kong tumigil sa kakabalita sa kanya. Tanging yun palang ang nalalaman ko na natupad sa kanyang pangarap...
And by thinking of it...
Siguro malayo layo na rin ang nararating niya...
Mukhang maganda ang naging takbo ng buhay niya noong maghiwalay kami...
At talaga namang masaya ako para sa kanya...
"I'm glad you made it too Jerrick..." I smiled.
To be Continued...