Prologue

58 0 0
                                    

*toot toot toot*

"Fuckshit! Feigh please pick up the phone.."paulit-ulit lang niyang sinasabi 'yan sa kanyang sarili habang pabalik-balik na nagmamartsa sa kwarto niya. Alas diyes na ng gabi at wala pa din ang kanyang kapatid. Paulit-ulit niya itong tinatawagan pero walang sumasagot.

"Tangina!"hindi na niya mapigilan ang mapamura dahil sa sobrang pag-aalala sa kanyang kapatid. Tinawagan niya ang mga kaibigan nito pero ang sagot nilang lahat ay ang nakakaimbyernang pangungusap na "HINDI KO PO ALAM." Hindi niya nga alam kung mga totoong kaibigan ba talaga yun ng kapatid niya.

Lumabas siya sa bahay nila. Kung hindi sasagot ang kapatid niya, siya na mismo ang maghahanap dito. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Pag-aalala, kaba, galit. Galit sa sarili niya, iniisip niya na siya ang may kasalanan kung bakit hindi na naman mahagilap si Feigh.

Hindi na niya mapigilan ang pag-iyak. Pamilyar ang nangyayaring ito sa kanya. She's so frustrated. Mukha siyang tangang umiiyak habang naglalakad sa malawak na kalsada ng kanilang subdivision.

Pinunasan niya ang mga luhang pumapatak sa kanyang pisngi. Hinimas niya ang kanyang braso sa pag-aakalang makakatulong ito na maibsan ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat.

To: Feigh

Feigh where are you?! Please text me back!

Niresend niya ng niresend ang text na ito sa kanyang kapatid pero wala pa rin siyang natanggap na reply.

Kaninang pagkauwi niya galing trabaho wala sa bahay ang kapatid niya. Inakala niyang lumabas lang ito sandali at bumili ng pagkain o ano. Pero nang magdadalwang oras na itong hindi bumabalik hindi na siya mapakali.

*kring kring kring*

Agad agad niyang kinuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa at sinagot agad ang tawag (expecting that it came from her sister).

"Hello anak.."

"M-ma?"namumuo na naman ang luha sa kanyang mga mata.

"Anak, pauwi na ako. Nakakain na ba kayo ng kapatid mo?"pinigilan niyang mapahikbi habang kausap niya ang kanyang Ina. Iniiwasan niya na wag itong mag-alala dahil alam niyang pagod ito galing trabaho.

"A-ah opo Ma. Wag po kayong mag-alala. A-ayos lang po kami dito."napapikit siya ng mariin dahil sa konsensyang kanyang nadama sa pagsisinungaling sa kanyang ina.

"Ah sige. Ang kapatid mo nasaan?"tanong ng Mama niya sa kanya. Hindi agad s'ya nakasagot at hindi niya alam kung anong isasagot sa nakakakabang tanong ng kanyang Ina.

"N-nasa kwarto po niya. Tulog na po."on the second time, napapikit na naman siya dahil sa kasinungalingang sinabi nya sa kanyang Ina.

"Okay. Pauwi na din ako maya-maya. Goodnight baby, love you."

"Goodnight Ma, Ingat po kayo. Loveyoutoo."napabuntung hininga na lamang siya pagkatapos ng tawag na 'yon. Hindi niya alam mismo kung saan hahanapin ang kapatid niya. Hindi niya alam kung ayos lang ba ang kalagayan nito o ano.

*kring kring kring*

Feigh Calling...

"HELLO FEIGH?! WHERE THE HELL ARE YOU?"hysterical niyang sinabi 'yon habang pabalik balik na naglalakad sa gitna ng kalsada.

"I'm not your sister."isang malalim na boses ng lalaki ang kanyang narinig. Agad niyang narinig ang maingay na tunog na nanggagaling sa kabilang linya Kinabahan na agad siya. Kung anu-anong mga bagay ang pumasok agad sa utak niya.

"Who the hell are you?! Where's my sister?! Anong ginawa mo sa kanya?!"sunud-sunod ang tanong niya sa lalaking sumagot ng cellphone ng kapatid niya.

Sweetest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon