Chapter 6: Let Me

2 0 0
                                    


"Faith di ka pa uuwi?" Tanong ni Mia, officemate ko. I think mag stay pa ko dito sa office because I have lots of paper works to finish. Deadline na nito ng Wednesday and I need to finish this as soon as possible dahil ipapacheck ko pa sya kay Mr. Avila, ang head ng department namin, para if ever na may errors, magagawa ko pa.

"Una ka na Mia. Ang dami ko pang tatapusin eh. Ingat ka pag-uwi."

"Sige, ingat ka din Faith. Babush!" Nginitian ko siya and bid goodbye.

Ugh! Gusto ko na umuwi and humilata sa kama ko but I have no choice but to work over time para sa mga financial reports na kelangan kong gawin.

After ko matapos ang isang document, nagtake muna ko ng short break. Sabi sa isang lifestyle article na nabasa ko, pag may ginagawa kang trabaho you should have a short break of 10-15 minutes para marelax ang utak mo. And that's what I am doing right now.

10 pm na, siguro matatapos ko naman yon by 10:30. Para mga 11 pm nasa bahay na ko and andon na din sila Mommy. I'm a bit sad dahil di ko sya masusundo and buti na lang maaga uwi ni Feigh galing school, may time sya para sunduin si Mom.

Nagtimpla ko ng kape and kumuha ng biscuits sa loob ng canteen dito sa office namin. I'm the only one left here in the office, dahil wala kong kadepartment na nag-overtime ngayon. Buti pa sila tapos na sa mga documents na kelangan nilang ipasa.

Hays. Napatulala ko sa kape na hawak hawak ko ngayon.

He held my hand.

Nagfaflashback na naman sa utak ko 'yong nangyari kanina sa elevator. He kept me calm but made my heart racing dahil sa ginawa nya.

Damn Zeus! Ginugulo mo na naman ang utak ko.

Actually, habang gumagawa ako ng mga reports kanina, paulit ulit syang sumasagi sa isip ko. I can't keep myself focus because of him. It continuously popping up on my mind and I can't do a single thing about it.

Ang lakas talaga ng epekto nya sakin.

Lumabas na ko ng canteen para tapusin yung last report na dapat kong gawin. Hindi na dapat ako patula-tulala dahil gusto ko ng umuwi. I need rest.

Umupo na ako at humarap sa computer na nasa desk ko. Then, I started analyzing all the transactions for the October's financial report.

While typing, nakakarinig ako ng yabag ng sapatos na nagmumula sa labas ng department and I'm also seeing a shadow na parang palapit ng palapit. Kita kasi mula dito sa pwesto ko sa office kung may papasok ba dito sa loob ng department kasi malapit ako sa entrance.

So who might this be? Si Manong Lito kaya, yung guard dito? Pero alam ko nakabreak sya ng ganitong oras kasi pumupunta sya sa karinderia na malapit dito sa company.

Medyo kinabahan ako dahil alam ko pag ganitong oras, wala na ding pumupunta dito sa office, and I'm alone here.

Kinuha ko 'yong gunting na nasa drawer nitong desk ko, baka mamaya kung sino na 'yon.

Pumunta ko malapit sa entrance door habang hawak hawak ang gunting na kinuha ko, it's for my safety na din.

Nakita kong papalapit ng papalapit yung anino, so nagtago ko sa may pader na malapit sa entrance. When I heard, the door opened...

"HULI KA!!"

"Holy sh*t!"

Shock is written all over J's face. Nakatutok pa yung gunting ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweetest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon