Chapter 5: Intertwined

47 0 0
                                    


"Thank you for the hop J!" sabi ko nang nakababa na kami sa kotse niya. I'm dead tired. Medyo mahilo hilo na din dahil sa nainom.

"You're always welcome. Medyo masanay ka na din from now on." He winked. Umiling lang ako at ngumiti. Nakita ko na din ang papalapit na kotse ni Zeus dito. He's with Feigh. Siya ang naghatid dito.

Napatingin naman kami ni J sa padating na sasakyan nila.

"Hanga na talaga ko kay Zeus. Buti pa siya gusto talaga ni Feigh." sabay tingin sa'kin.

"Kelan mo kaya ko magugustuhan?" Medyo uminit ang pisngi ko sa tanong niya. Nakatitig lang siya sa'kin habang iniwas ko naman ang tingin ko at tumingin na lang ulit sa sasakyan ni Zeus na nakaparada na ngayon sa harap ng kotse ni J.

"S-s-salamat Zeus." Narinig kong medyo nabubulol pang sabi ni Feigh. I can feel her awkwardness towards Zeus. Why? Because of the.. kiss?

"No worries." Sabi naman ni Zeus sabay ngiti kay Feigh at tingin din sa'min. Nagtama ang mata naming dalawa. His expressive eyes bored unto mine. Hindi ko kinaya ang intensity kaya napaiwas na lang ako.

"Zeus? Ano balik sa bar?" tanong ni J kay Zeus. Bahagya itong naglakad papunta sa kinatatayuan namin, kasabay si Feigh.

"Yeah. Since tayo ang hindi natamaan, tayo ang maghahatid sa dalawa." Sagot niya sa tanong ni J referring to Vic and Ty. Even it's darker here, nakikita ko pa din ang nakakahanga niyang mukha, lalo na ang mga mata niya na parang laging inaantok at laging nangungusap.

Tumingin naman ako kay Feigh. She's looking at Zeus. I can see in her eyes her adoration towards Zeus.

"Ah Faith, we'll go now. Thank you for your time. It means so much to me." J smiled at me na agad ko naman ding ginantihan ng isang ngiti.

"Thank you din. Ingat kayo."

"Z-Zeus, thank you ulit sa paghatid. Sorry sa abala." narinig kong sabi ni Feigh kay Zeus.

"Kahit ano basta ikaw." His answer gives Feigh the hopes. Naalala ko na naman ang nakita ko kanina. Zeus' lips into Feigh's.

"Faith, Feigh una na kami. Goodnight!" paalam ni J sa'min. Humarap naman kaming dalawa sa kanya at nagbabye na din.

"You should get in the house before we leave." sabi ni Zeus sa'min, o dapat ko bang sabihin na kay Feigh lang?

"O-oh s-sure. Ate, let's get in na?" anyaya sa'kin ni Feigh. Tumango naman ako sa kanya.

"J, Z-Zeus. Ingat kayo." Tumingin naman ako sa kay J, at kay Zeus. He's also looking. Tumango lang siya sa'kin at ngumisi. Devilish smirk?

"Sige Faith. Goodnight! Dream of us!" pahabol pa ni J. Tinawanan ko lang siya at narinig ko pang tumikhim si Zeus.

Papasok na ko sa gate nang narinig ko pa silang dalawang nagbulungan.

"Hanga na ko sa'yo Zeus! Nakascore ka agad!" tuwang tuwang bulong ni J kay Zeus. Mukha namang sinaktan siya ni Zeus ng pabiro dahil umaray ito.

"Fuck you J!" Narinig kong tumawa si J pagkatapos siyang murahin ni Zeus.

Hindi ko na narinig pa ang iba nilang asaran dahil pumasok na ko ng tuluyan sa bahay. Narinig ko na lang na nagstart na ang makina kaya napatingin ako sa kalsada. Mas naunang umalis ang sasakyan ni J. But Zeus, nagkatitigan pa kami bago siya tuluyang umalis. Fuck Faith! Nagrigudon naman agad ang puso mo Faith, ganyan na ba talaga ang epekto sa'yo ni Zeus? Titigan pa lang, halos magkaatake ka na sa puso, that much huh?

Sweetest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon