Chapter 4: Kiss

21 0 0
                                    

Oh eto na maemae! Haha.

----

"Faith!"

"Ate!"

Tawag sa'kin ni J at ni Feigh. Kakarating ko lang sa parking, medyo may hangover pa ko sa pag-uusap namin ni Zeus kanina.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong sa'kin ni Feigh. Hindi naman ako makahagilap ng isasagot ko.

"Ah may tiningnan lang ako saglit. Sorry." Sige Feigh! Isip pa palusot. Gumagaling ka na diyan eh.

"Did you saw Zeus? Nawala din kasi siya n'ong nag CR ka eh." Si J naman ngayon ang pagsisinungalingan ko?! Mukhang dumadami ng tao ang nadadamay.

"A-ah hindi eh. Baka naman dinumog ng fans alam niyo naman 'yong banda niyo sikat." 'Yan na lang ang nasabi ko. At talagang namlastik ka pa Faith. Sobrang galing mo na!

Nakita ko naman si Feigh na hindi mapakali. Mukhang inaalala si Zeus.

"Zeus.." Narinig kong sabi ni Feigh. Tumingin naman ako sa tinitingnan niya. Si Zeus nga.

Para siyang binabalot ng madilim na aura ngayon dahil sa mga matatalim niyang mga mata. But still, drop dead gorgeous.

"Zeus pare! San ka ba galing?" Biglang tanong ni Zeus. Nakita ko siyang sumulyap sa'kin bago sagutin ito. Fuck. Bigla akong kinabahan.

"Diyan lang. May kinausap na importanteng tao." Malamig niyang tugon. Napaiwas na lang ako ng tingin pero alam kong tinapunan niya ko ng isang sulyap. Tangina. Sana hindi naman mang-usisa sila Feigh. Pleaseee.

"Oh okay." Nakatitig lang sa kanya si Feigh. Pakiramdam ko nag-iisip 'to kung sino 'yong importanteng tao na kinausap ni Zeus. Hays.

"So, let's go now?" Aya ni Ty. Medyo gumaan na 'yong pakiramdam ko ng sinabi niya 'yan. Buti pa nga para makauwi na din kami.

"Faith, sa'kin ka na lang sumabay." Masiglang alok sakin ni J. Napatingin ang ibang kabanda nila sa amin, lalo na si Zeus na parang makakapatay ng tao kung tumitig.

"Ahm no thanks. May sasakyan din kasi kaming dala eh. Diba Feigh?" Pinandilatan ko siya pero hindi tumalab sa kanya 'yon. Nagpumilit pa din siyang sa kay J na lang ako sumakay.

"Ate, sumabay ka na kay J para din makapagpahinga ka na sa pagdadrive." Tumingin siya kay J at nakita kong kinindatan niya ito. Ugh. Pinagkakanulo niya na ba ko?

"Tama ang kapatid mo Faith. Iwan niyo na lang ang sasakyan niyo muna dito tapos balikan na lang natin mamaya o kaya bukas? Sasamahan kita,wag ka mag-alala. Tsaka Zeus diba ikaw ang sasama kay Feigh?" Tumingin kaming lahat sa kanya.

Sumulyap muna siya sa'kin bago sagutin ang tanong. Bakit ganun? Hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayari. Hindi ako masaya. Bakit nung simula ng nakilala ko si Zeus puro 'bakit' na lang ang lagi kong tinatanong sa sarili ko. Linsyak na buhay!

"Well, yes. If it's alright with her," Putangina. Ewan ko pero hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa paglalandi ni Zeus sa kapatid ko. Gulung-gulo na ko.

"S-sure." Namumula pang sagot ni Feigh. Napailing na lang ako ng medyo madalang ng narinig ko ang nanginginig na sagot niya. Ayaw mo lang sa ngayon dahil gusto mo lang protektahan ang kapatid mo kay Zeus, Faith. Alam mo namang rakista 'yan, pag rakista, madaming babae. At sikat din sila kaya pinoprotektahan ko sa pupwedeng gawin sa kanya ng mga fans niya. Ganon 'yon Faith. 'Yon lang ang tanging dahilan. Pilitin mong mapaniwala ang sarili mo please.

Sweetest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon