Ika nga nila kung may magsasarang pinto, may panibago namang magbubukas at 'to na nga, Hunyo na nga ng taong 2010 kaya't maingay na naman ang CAS Park na siyang napapalibutan ng tatlong buildings - College of Arts and Sciences o CAS, College of Nursing o CN, at College of Engineering and Computing o CENCOM. Bagong school year na naman at sa awa ng aming mga butihing professors ay nakaabot rin kami ng third year namin. Isang taon na lang at gagraduate narin kami! Kami. Kami? Kami?! Talaga? Sure ka na ba diyan, Lessandra? May evil sa mind ko na humaharang sa aking mga pangarap sa buhay. LOL!
Nag move on na ako mula sa magulong pangalawang taon ko sa kolehiyo. Medyo mahirap-hirap na nga raw ang mga subjects namin this year kasi mas marami ng major subjects kaya kailangan ng mag focus sa pag-aaral. Aral. Aral. Aral tayo para makapag love life ako, sabi kasi ni Mama eh pag naka graduate na daw ako ay magkaka-boyfriend na daw ako. >:D
"Grrrrr," pukaw ng aking tiyan. Kanina pa pala ako nakatitig sa aking napaka-kapal na Physical Chemistry III book. Napa-aga ako kasi may quiz pala kami ngayong araw na'to eh di ako nakapag review kagabi dahil sa kakachismis namin nina Rachel at Ingrid na parehong ka-boardmates ko.
*Titit* *Titit* (Tunog ng Nokia keypad phone ko, wahehehe)
💌 From: Alien JM
Hi Less! Sa'n ka ngayon?
Himala! Anong nakain ng alien na'to at nag text, o wait kumakain ba ang alien? Hahahaha.
💬 To: Alien JM
School, why?
💌 From: Alien JM
Sa'n banda?
💬 To: Alien JM
Ba't ko naman sasabihin sayo? Hmm..
Ano bang kailangan ng alien na'to? -____- Di kami close! Teka, unli ba ako? Kakareply ko baka biglang ma check op at maubos load ko eh.
💌 From: Alien JM
Hmm.. Hulaan ko? Pag nahulaan ko, magiging mabait ka na sa'kin okay?
Aba! Aba! High level ang demanding ah!
💬 To: Alien JM
Hmmp! Ayoko nga.
💌 From: Alien JM
CAS Park!
What the, panong? Wait.. wait.. May na'sesense ako. Malakas sixth sense ko eh!
Lingon, hanap. Lingon, hanap.
Nang may napansin akong nakangiti na alam kong nakatitig sa'kin kahit pa may eyeglasses siyang suot.
Si JM?
Kumakaway pa siya. Nakatayo sya sa may CAS canteen.
Aba? Close ba tayo?
💌 From: Alien JM
Ang sipag mo palang mag-aral. :D
💬 To: Alien JM
Tse! Tantanan mo 'ko, gutom ako ngayon!
💌 From: Alien JM
HAHAHAHA! Nakakatuwa ka talaga. :')
Clown ba ako at nakakatuwa ako? At tska feeling close talaga ha.
Di ko na siya nireplyan at nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa 'daw' kahit wala naman ng pumapasok sa isipan ko dahil kanina pa nga kumakalam ang tyan ko.
'Langya lang oh, gusto ko ng kumain. Ang hanep rin ng timing niyang pumunta ng CAS canteen eh.
Hindi talaga magawang bumait ng aking katawang lupa kay JM. Ewan ko ba! Kaya iniiwasan kong magkaroon kami ng communication dahil narin siguro ay ex siya ng dating boardmate ko na si Dimple. Si Dimple kasi, parang open book lahat na lang ng patungkol sa lovelife nila JM noon kinwento sa'kin. -____-
Sa kakaisip ko ng plano kung pa'no makabili ng pagkain ay di ko na namalayang may lumapit na pala sa'kin. Wala itong imik at inilapag niya lang ang isang tinapay sa mesa, ngumiti sa'kin at umalis na'rin pagkatapos.
Si JM.
BINABASA MO ANG
College Love Story: 2010-2011
Short StoryHer List To Move On Sequel. A new school year has come and Lessandra, now finally moved on from her painful breakup, will have to deal with JM's unusual treatment towards her.