Lumipas ang mga araw at paminsan-minsan ay nagte-text si JM sa'kin o minsan naman ay kasali ako sa mga emo niyang mga GMs. Di ko nga maintindihan eh, parang di pa ata siya nakakamove-on kasi laging patungkol sa brokenhearted yung mga quotes niya pinapasa niya. Geez.
💌 From: Alien JM
Balita ko CAS Acquaintance Party nyo raw sa June 22, saan?
💬 To: Alien JM
Ang lakas talaga ng radar mo pagdating sa chismisan. Opo, sa ULS Convention Center raw eh.
💌 From: Alien JM
Oh? Magsusuot ka ba ng gown?
💬 To: Alien JM
Eew! Di no.
💌 From: Alien JM
Haha! Ba't naman? Bagay naman sayo.
'Yan yung huling text niya sa'kin. Di ko nga alam sa'n niya nasasagap ang mga balitang 'to eh di naman siya parte ng CAS. Yung building nila ay nasa likod lang ng CAS- ang Engineering building kaya nga minsan ay nagagawi siya sa CAS canteen.
Bagay? Yayks, nakakadiri! Di ako mahilig mag-ayos o magpa-girly. Kaya siguro ako hiniwalayan ni Jim. >_<
Dumating na nga ang araw ng acquaintance party ng CAS. Bawat colleges sa buong unibersidad ay may kanya-kanyang acquaintance parties, at saka narin ang bawat departments or organizations/clubs. Kaya nakaka-dalawang parties kami, ang gastos nga eh. Tss!
"WOWW!"
"Pre, ikaw ba 'yan?"
"Babae ka na, Lessandra!"
Kakapasok ko pa lang ng convention center nang sinalubong ako ng mga komento ng aking mga butihing kaklase. Langya talaga!
"Lalo kang gumanda, Lessandra." Nilapitan ako ni Nash. Oo nga pala, tinigilan na namin ang kaka-hugot, nag bagong buhay na nga pala kami. Eh, may girlfriend na rin sya eh. Ayee!
"Naks naman! Ganyan ba talaga pag nagkaka lovelife na? Bumabait ng slight? Haha," tinukso ko si Nash. Napailing na lang siya sa panunudyo kong pabalik sa kanya.
May lumapit na isang LSG officer sa grupo namin at kinuhanan kami ng pictures. Salamat sa libreng pictures!
"Ms. Tizon, kunan kita ng solo," hirit nung officer.
"Ahh? Ehh wag na po, di ako marunong mag pose eh. Kaka-asiwa! Baka masira ko pa yang mamahalin mong camera wala akong pambayad." Tanggi ko pero pinilit ako ng mga kaklase ko lalo na sina Jhelyn at Lara kaya kahit awkward man ay ngumiti na lang ako at pilit mag pose sa harap ng camera. RIP camera ni LSG officer. >:D
*Titit* *Titit*
💌 From Alien JM:
Enjoy ka sa party niyo at ingat ka sa pag-uwi mamaya. :)
"Uy, uy, teka, si JM ba yan?" Naki-usisa ang pinaka tahimik kong kaklaseng si Jhelyn dahil ng mapansin niyang may binabasa akong mensahe. Queen of Chismis talaga 'tong babae na ito.
"Oo nga!" Nagulat pa ako dahil nasa likuran ko pala si Lara at palihim na binabasa ang text ni JM. -___- Ang babait talaga ng mga kaibigan ko. Huehue!
"Nanliligaw na ba yang JM na yan sa'yo Lessandra?" Diretsahang tanong ni Emory sa'kin.
"Ha?! Anong.. hindi noh!" Pagtanggi ko tsaka tinago ko na ang phone. May mga stage mothers ata ako eh. -__-
Masaya ang naging acquaintance party namin. May mga pakulo pa ang mga LSG officers namin lalo na yung Match of the Night nila, napili lang naman ang maganda kong kaibigan na si Inna at ang ka-partner niya ay yung taga Psychology Department na si Terrenze na gwapo rin. Hehe. Bagay nga sila eh. Lahat kinilig nuong nag sweet dance na silang dalawa. (A/N: The Post-it Stranger, Post-it 5).
BINABASA MO ANG
College Love Story: 2010-2011
KurzgeschichtenHer List To Move On Sequel. A new school year has come and Lessandra, now finally moved on from her painful breakup, will have to deal with JM's unusual treatment towards her.