Chapter 9

416 6 0
                                    

PAGKABALIK SA WHITE PLAINS ay kaagad nang nag-­‐‑impake si Chona at hinintay na lamang na mag-­‐‑umaga.

Alas seis pa lamang kinabukasan ay tinawagan na niya si Rod Castro upang hingin ang natitirang kabayaran ng ginawa niyang painting sa bahay ni Paul. Namutla siya nang ibalita ng kasera sa bahay ni Rod na nagtungo raw ang lalaki sa Hongkong nang nakaraang linggo at hindi pa bumabalik.

"Balita ko nga'y marami siyang tinakasang utang," anang kasera. "Ako nga ay limang buwan na niyang hindi binabayaran.. ."

Nanghihinang ibinaba na lamang ni Chona ang telepono. Paano na ngayon ito? Alangan namang singilin ko si Paul. Ayaw kong humarap sa kanya.

At saka alam niyang tuso si Rod. Malamang ay nakuha na nito ang buong kabayaran sa binata at hindi lang ibinigay sa kanya.

Alas siete ng umaga nang dumating ang matatandang Felizardo. Kaagad nang nagpaalam si Chona sa mga ito. Labis na nalungkot ang mag-­‐‑ asawa.

"Marami ho akong dapat asikasuhin sa Baguio," rason niya. "Kailangan na hong i-­‐‑enrol si PJ."

"Sa Brent mo na lang siya ipasok," suhestyon ni Mr. Felizardo. "Para sa Setyembre pa ang pasok niya."

"Masyado hong mahal doon," tugon niya. "Hindi ko ho kaya ang matrikula."

"Kami na'ng bahala sa kanyang pag-­‐‑aaral," pakli ni Mr. Felizardo na nakikiusap. "Please, hayaan mo naman kaming magbigay ng kontribusyon."

Umiling siya.

"Ano ba'ng naging problema at biglaan yata ang pag-­‐‑alis n'yo?" tanong ni Mrs. Felizardo.

"Marami ho akong kailangang i-­‐‑settle sa Baguio at—"

Hindi pa man natatapos ang kanyang sinasabi ay sinenyasan na ni Mr. Felizardo ang asawa nito. Kaagad namang nakaintindi ang matandang babae. Tumalikod na ito.

"Sa den na lang tayo mag-­‐‑usap, Hija," pakiusap ni Mr. Felizardo. "Pinapunta ko na lamang sa silid ng bata ang lola niya para kung sakali mang matuloy kayo sa pag-­‐‑alis ay makapagpaalam sila nang maayos sa isa't isa."

Pagpasok sa den ay prangkahan siyang tinanong ng matanda. "Ano ang naging problema, Hija?"

Dahil sa dalawa na lamang sila ay nagkalakas ng loob ang dalaga na sabihin dito ang suliranin niya. "May bayarin ho ako sa bangko at may isang deal ako na hindi umubra," sagot niya.

"Kailangan ko hong gumawa ng paraan habang may nalalabi pang panahon. Mas marami ho akong connections sa Baguio kaya kailangang bumalik na ako doon para humanap ng pera."

"Narito naman kami para tulungan ka," sabi nito. "Hindi mo na kailangang magmadaling bumalik ng Baguio."

Hindi siya umimik.

"Magkano ang kailangan mo?" tanong nito na inilabas mula sa drawer ng mesa ang checkbook nito at humanda nang sumulat.

"N-­‐‑nakakahiya po sa inyo," kimi niyang sagot.

Hindi siya mapilit ng matanda kung magkano ang halagang kailangan niya kaya mabilis itong nagpasya. Pinirmahan nito ang cheque at saka iyon ibinigay sa kanya.

Nanlaki ang mga ni Chona mata nang ibigay nito sa kanya ang blank cheque. "H-­‐‑hindi ko ho matatanggap ito."

Ngunit mapilit si Mr. Felizardo kaya wala siyang nagawa kundi ang yakapin ang matanda sa labis na pasasalamat.

"Napakabait n'yo," aniya na nakayakap nang mahigpit sa leeg nito. "Hayaan n'yo ho't hahanap agad ako ng kapalit nito!"

Sa labis na tuwa ay hahalikan din sana niya ito sa pisngi nang biglang bumukas ang pinto.

Pumasok sa silid si Paul. Madilim ang mukha nito. "Pati ba naman ang papa ko?" Hindi maitatwa ang poot sa tinig nito. "Ang kapal talaga ng mukha mo. . " mariin nitong sabi.

"Paul!" gulat na sabi ni Mr. Felizardo. "Kailangan niya ng pera—"

"Palagi naman siyang nangangailangan ng pera," mabilis na singit ng binata. "Ganoon din ang sabi niya kay Alex noon sa Osaka kaya't kung sinu-­‐‑sinong Hapon ang naging kabit niya! Mapamatanda o mapabatang Hapon, wala siyang pinipili! Nagtataka nga ako kung bakit nagustuhan siya ni Alex. . " At nakakapagtaka rin kung bakit umiibig ako sa kanya, tahimik nitong dugtong.

Tumakbo palabas ng silid si Chona sa sama ng loob. Binitawan na rin niya ang cheque na ibinigay ng matandang Felizardo.

Sa kabila ng ginawang pang-­‐‑iinsulto sa dalaga ay parang nalungkot din si Paul. Paano kung kailangan talaga nito ng pera? Magkano?

Sumagi na naman ang doubt sa kanyang isipan na si Chona ay hindi katulad ng kanyang iniisip. Bakit marunong itong mag-­‐‑saxophone? Bakit magaling itong painter?

Walang nakapigil kay Chona na umalis. Kahit lumuluha na si Mrs. Felizardo ay walang lingon-­‐‑likod itong lumabas ng tarangkahan na bitbit ang maleta nila ng pamangkin. Ang bata ay nakakapit sa kaliwang kamay ng dalaga.

"Kailan tayo babalik dito, Mommy?" inosenteng tanong ni PJ.

"I don't know, Baby," tugon ni Chona.

Ang Lihim Kong Pag-ibig - Audrey TorresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon