THIS NIGHT IS OURS: CHAPTER 1
"Ate, wag kana umalis..."
Lumuhod ako at hinawakan ang mukha ng nakababata kong kapatid.
"Cora, kailangan ni Ate mag-aral sa malayo e'. Promise uuwi naman ako pag Sabado,"
Mas lalo siyang umiyak kaya niyakap ko nalang. Nagsilapitan din ang iba ko pang kapatid at yumakap sa'kin.
"Pasalubong, Ate ha," sabi naman ni Daniel.
"Chocolates sa'kin!" si Benice.
"Barbie! Barbie, Atchi!" sabi naman ni Emma.
"Okay! Okay! Dadalhin ko 'yan pagbalik ni Ate," I laughed.
"Adrian, ikaw na muna bahala sa kanila ha." sabi ko sa sumunod sa'kin na kapatid ko. Tinanguan lang ako ni gago dahil busy sa paglalaro sa cellphone.
Nagbilin pa ako ng kapakarami kay Adrian at Benice kasi sila 'yung maasahan ko na sa mga kapatid ko. Anim kaming magkakapatid. Ako ang panganay, sumunod sa'kin si Adrian, then si Benice, tapos ang kambal na sina Cora at Daniel, at ang pinakabata na si Emma.
Ang sipag ng mga magulang namin 'noh?
"Dalian mo na at baka maiwan ka ng ferry, Isobel!" medyo nagpapanic na sabi ni Tita Faith. Niyakap ko ulit ang mga kapatid ko bago ako lumabas ng bahay dala-dala ang maleta at bitbit ang isang duffle bag.
Sa Legazpi City na ako mag-aaral ngayong senior high school. I passed the entrance exam in LEGASCI, one of the most respected school in Legazpi. Wala kasing magandang senior high dito sa isla kaya dapat sa city na talaga ako. Alam ko mas magastos doon pero si Tita Faith naman magpapaaral sa'kin. Siya rin ang nag-insist para maganda na raw ang eskwelahan ko.
Walang asawa at anak si Tita Faith kahit 32 years old na siya. Gurang na si Tita! Well, choice niya naman kasi na wag mag-asawa. She told me before that she's free right now. Ang ganda lang kasi kung saan-saang lugar na siya nakakapag-travel. Gusto ko rin 'yun! Travel travel lang! Walang anak at asawa!
"Tita, sina Mama?" tanong ko para sana magkapagpaalam ako sa mga magulang ko bago umalis.
"Ewan ko kung nasaan nanay mo. Si Papa mo naman ay lasing na lasing kagabi. Jusko!"
Tss. As expected.
Nakaramdam pa rin ako ng lungkot kahit inaasahan ko naman na 'yun.
Tangina, talaga? Hanggang sa pag-alis ko ba naman?
I let out a disappointed sigh. Why am I even surprised? Wala naman talaga silang pakialam sa'kin.
Sumakay na ako ng tricycle at bumahye na kami ni Tita papuntang pier.
"Mag-iingat ka doon at mag-aaral ng mabuti ha. Wag muna magbo-boyfriend, Isobel," sabi ni Tita sa'kin.
Inirapan ko siya ng pabiro. "Leyna nga kasi Tita! Tunog gurang 'yung Isobel e,"
Niyakap ako ni Tita nang sobrang higpit. "Hayaan mo na ako at alam mo naman,"
Nakaramdaman ako ng lungkot para sa kanya.
Tita Faith had a baby. Isobel ang pangalan niya pero kinuha rin kaagad siya ni Papa Jesus two months pagkatapos niyang maisilang. She died because of an illness. Sobrang nalugmok noon si Tita. Ikaw ba naman mawalan ng anak? Hindi ko ma-imagine kung gaano kasakit ang pakiramdam.
Leyna ang tawag sa'kin ng lahat. Si Tita lang talaga ang tumatawag sa'kin ng "Isobel". Okay lang. Part pa naman siya ng pangalan ko.
Binilhan ako ng tita ng bottled water, sandwich, at mga chichirya na pwede kong kainin habang nasa ferry. Four hours din kasi ang byahe.