Chapter 2

14 0 0
                                    

THIS NIGHT IS OURS: Chapter 2

"Shit, ang ganda mo!" Tinuro ko ang sarili sa salamin. 

Kakatapos ko lang mag-ayos at pinapatuyo ko nalang ang buhok ko. First day of classes na ngayon. Nakasuot lang ako ng baby pink na polo shirt na naka-tucked in sa denim pants. Bino-blower ko ang straight at hanggang bewang ko na buhok. Nang matuyo ay pinuyos ko lang ito sa ponytail. Nilagay ko na sa bag ang school supplies tapos ang lunch box ko. I cooked tocino and scrambled egg. Binitbit ko na ang pink na tumbler ko at in-unplug ko lahat ng saksak bago ni-lock ang unit ko. 

Sumakay na ako ng elevator. Pumipikit-pikit pa ang mata ko sa sobrang pagka-antok. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi sa kaiisip ng katangahan ko. I feel so guilty! What if gutom na gutom din pala 'yun si poging anemic? What if magkita kami at ang impression niya na agad sa'kin ay magnanakaw ng pagkain? 

Wait, tangina! Dito ba siya nakatira? Anong unit kaya siya? Shuta! Sana hindi ko na siya makita ulit! Nakakahiya talaga!

Pero kung gusto niya talaga ng salad niya, ibibigay ko nalang tutal nasa ref ko lang naman 'yun. 

Lumabas na ako ng elevator at naglakad palabas para mag-antay ng jeep. 

"Ay putangina," Inis na sabi ko nang mahulog ko 'yung tumbler. Luluhod na sana ako para kuhain 'yun nang maunahan na ako nang lalaking lumuhod at pinulot 'yun. Palihim pa akong napangisi dahil sa maugat niyang kamay. Ano ba 'yan! Kahit kamay ang pogi!

Iniabot niya sa'kin ang tumbler ko.

"Thank you--" Literal na napanganga at nanlaki ang mga mata ko nang mamukaan ang lalaki. 

Gago! Si poging anemic!  

Nakasuot siya ng while polo shirt at khaki pants. Ang buhok niya ganun pa rin pero mukhang nasuklay na ngayon. Amoy fresh from the shower siya kaya pasimple akong napasinghot. He's also wearing a round-shaped glasses na mas lalong nagpa-pogi sa kanya.

His brows furrowed while looking at me. Parang inaalala niya kung sino ba ako. Tapos ayun na nga-

"It was you! Ikaw ang nagnakaw ng food--" 

Saktong may dumaan na na jeep. Mabilis ko siyang tinalikuran at tumakbo na ako at sumakay.

 Shit! Tangina! Kilala niya ako! Wah, nakilala niya ako! Nakakahiya!

Buong byahe ay minumura ko lang ang sarili ko sa isip dahil sa mga katangahan ko sa buhay. After 20 minutes ay nasa school na ako. Huminga ako nang malalim bago pumasok sa gate. Heh! Kakalimutan ko na muna 'yun! Focus na muna ako sa pag-aaral!

I am in owe dahil sa decorations ng school. May mga makuulay banderitas, malaking tarpaulin na may nakasulat na "Welcome, Citinistas!", at mga foodstalls sa hallway. Marami na rin ang estudyante at karamihan sa kanila ay nakasuot na uniform ng LEGASCI. Mga old students na ata. Madami rin naman ang naka-civillian na katulad ko. 

Tiningnan ko 'yung school board at hinanap ang pangalan ko. 

'Maria Lallaina Franchezka Isobel H. Torrecampo... STEM-11 GOSSET'

Oo na. Alam kong sobrang haba ng pangalan ko pero hindi ko rin naman 'yan ginusto! 

Tangina kasi nag-away pa sina Mama at mga tita ko kung ano 'yung ipapangalan sa'kin since ako ang pinakaunang anak sa pamilya. Kaya ayan ay naging apat pa nga ang pangalan ko. Nakakaiyak!

"The fuck? Who's this kaya na super haba ng name? Is she trying to be part of the Guinness World Record ba?" 

Napataas ang kilay ko nang sabihin 'yun ng babaeng tumitinggin din sa board. I scanned her from head, shoulders, knees, and toes. Nakasuot siya ng Ralph Lauren Polo Dress na color dark blue. Mahaba ang buhok niya na wavy at color brown. Nakasuot din siya ng white na headband at mamahaling relo. Hula ko na agad na rich kid 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Night Is OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon