Pagkadating namin sa Ospital patakbo akong pumunta sa kinaruruunan ni Terrence. Ni re-revive pa ito. Agad akong niyakap ni Lolay ng makita niya ko.
" Wag po kayong mag-alala Malakas po siya , Lalaban siya " Sabi ko at tumango lang ito
Nagulat naman ako ng biglang sumulpot yung pinsan ni Terrence at matalim ang mga tingin niya sakin.
" Ikaw Cj .. Bigla kang nawala at ngayon nandito ka ? San ka galing ha ? " Tanong niya at kinabahan ako bigla . Alam ba niya ?Alam ba niya kung anong ginawa ko kay Terrence bago sumalpok ang kotse nito ?
" Anong kinalaman mo sa nangyari sa pinsan ko ? " Sunod na tanong nito at nasa akin na ang attensyon ng mga tao
" Iha ano bang pinagsasabi mo ? Hinaynay ka sa mga sinasabi mo ..Wag mong pag bibintangan ang anak ko " Tanggol ng mommy ko at agad din na lumapit sakin yung daddy ko , Si Ralph , Ann, Lee at Alford napayuko lang ako di ko alam kung ipagtatangol ko ba sarili ko pakiramdam ko kasi tama siya may kinalaman ako, Kasalanan ko.
" Nakakaduda lang kasi bigla siyang nawala sa party "Diin nya
" Thats enough Katrina Wag mong pagsabihan ng ganyan si Cj" Galit na sabi ng lola niya
" Pero Lol---- " Hindi niya na natapos yung sasabihin niya ng biglang dumating yung doctor
" Kumusta si Terrence ? " Agad na tanong ko lahat kami nag hihintay sa sagot nito.
" You have nothing to worry Terrence is now safe. Stable nayung condition niya . Hindi nga lang natin alam kong kailan siya magigising but hes responsive so maybe tomorrow magigising na siya " Sabi niya at agad akong nakahinga, Niyakap agad ako ng lola niya.
Lahat nakahinga na at masaya . Sana tuloy tuloy na .
" We really need to know kung ano talaga ang nangyari kay Terrence before the accident " Biglang sabi ni Katrina sabay tingin sakin sa mata
" We need to check the CCTV " Sabi nito at kumalabog agad yung puso ko. Agad akong napatingin sa mga Kaibigan ko.
" That a good idea Katrina " Sagot ng lola niya . At dumeritso ulit sakin yung tingin niya para bang sinasabi ng mga mata niya " Humanda ka ngayon Cj "
Naunang pumasok si Lolay at Katrina sa room ni Terrence sinabi kong susunod nalang ako, Di ko kayang tignan si Terrence . sinisisi ko sarili ko
" Relax Cj hindi mo kasalanan yung nangyari sa kanya " sabi ni Lee habang hinihimas ang balikat ko.
" You dont know Lee kung anong ginawa ko kay Terrence bago siya maaksidente " Sabi ko
" Hindi ko alam kung pano mo siya sinaktan bago mo siya iniwan . Pero alam ko may malalim kang dahilan. Alam kong may malaki siyang kasalanan . Hindi ko alam kong ano pero alam kong malaki kasalanan niya sayo kaya naghiwalay kayo" Napabuntong hininga nalang ako.
Bat kasi tinago ko pa kung ano talaga ang ginawa ni Terrence bat di ko nalang sinabi ang totoo . Kung sinabi ko lang sana sa kanila hindi siguro magiging ganito ka kumplikado.
Ano ng gagawin ko ?
Tuluyan na ngang cheneck ang CCTV para malaman kung ano talagang nangyari kay Terrence , kung bakit siya naaksidente.
Ngayon ay nasa loob kami ng isang kwarto . Kasama ko ang lola at pinsan ni Terrence, mga ilalang kaibigan nito , Mga kaibigan ko at ang mga magulang ko.
Kasabay ng paghahanap nila ng video ang pagkalabog ng puso ko. Sa sobrang lakas nadidinig na to ng magkabilang tenga ko.
Parang bumabagal ang paghinga ko sa twing papalapit na kami dun sa nakuhang video kung saan kami huling nag usap ni Terrence
YOU ARE READING
Love Is Easy ( Completed )
RomanceLove Is Easy is a big LIE !! Wanna know why ? Let's find out why .. Heres my Love Rivalry with the man I love. This is Love is Easy by Chocolenay 🤍