Chapter 18 : Promise

63 3 0
                                    

Nagising ako ng wala si Terrence sa tabi ko. Iginala ko mata ko di ko siya mahagilap sa loob ng kwarto .

" babe ? " Tawag ko baka sakaling nasa loob lang siya ng banyo pero wala ito. Kinabahan agad ako nakadama agad ako ng takot na baka umalis ito at iwan ako .

May biglang pumasok sa kwarto. Akala ko ay si Terrence na yung nurse pala ito

" Nurse , nakita mo ba yung kasama ko ? " Agad na tanong ko

" Hindi po " Sagot nito

Kinuha ko agad yung telepono kong nasa mesa at agad na tinawagan siya pero di ko ma contact number niya

" Criza , Are you okay ? " Nagulat ako ng makita ko si Maria hindi ko man lang napansing nasa harap ko na siya .

" Im not .. Kanina ko pa hinahanap si Terrence kanina pa siya wala dito " Natatarantang sabi ko

" Criza Relax " Agad na sabi nito sabay hawak sa kamay ko " Baka may pinuntahan lang si Terrence " sabi pa nito

Pilit kong kinakalma sarili ko. Natatakot talaga akong mawala na naman ulit sakin si Terrence.

Isang oras na ang lumipas at wala parin ito. Gusto ko ng tanggalin tung dextrose na naka kabit sa kamay ko para makaalis dito at hanapin sa labas ito. Pero natigilan ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto

" Breakfast in bed babe " Nakangiting sabi nito " Akala ko pa naman tulog ka pa e susurprise pa sana kita nag luto ako baka kasi nauumay ka na sa mga pagkain dito " Masayang sabi nito " Goodmorning beautiful " Bati nito hahalik sana siya sa labi ko pero umiwas ako at tinignan ko lang masama ito

Biglang kumunot noo nito , nagtataka ito " Anong problema mahal ko ? " Paglalambing nito ngumiwi lang ako . Bigla niyang tinignan si Maria nag hahanap ng kasagutan sa kanya pero ngumiwi lang din siya at agad ma lumabas na para maiwan kaming dalawa.

" May ginawa ba kong mali ? " Tanong nito habang hinahawi ang buhok ko

Bigla kung sinuntok braso ni Terrence at napa iling ito halatang nasaktan siya sa malakas na suntok ko. " What was that for ? " Nagtatakang tanong ni nito

" Pag gising ko wala ka sa tabi ko ..Tinakot mo ko !Akala ko iniwan mo na ako " Mangiyak ngiyak na sabi ko " Hindi ko kakayanin pag nawala ka ulit " Agad akong napayakap dito.

" I promise hinding hindi nako mawawala sayo " Pangako nito at agad niyang hinalikan noo ko agad namang napangiti ako.

pinagsaluhan namin ang niluto niyang Sinigang at adobo nakasabay nadin sa pag kain sa amin si Maria.

Pagkatapos naming kumain nagpasiya namang umuwi si Maria para puntahan ang kapatid niyang si Tasha . Pareho silang hindi na nagtratrabaho sa resort ni Sofia binigyan sila ng bagong trabaho ni Terrence.

Masaya kaming naglalambingan ni Terrence ng biglang tumunog phone ko . At agad na lumitaw ang pangalan ni Lee , Nakita kong napangiwi si Terrence.

" Jealous again ? " Kantiyaw ko sa kanya habang nakatawa , Ang asim ng naging ekspreyon ng mukha niya.

Bigla kong naalala akala pala niya na pinagpalit ko siya sa bestfriend niya . Imbis na sagutin ang tawag ni Lee isinantabi ko muna ito at hinarap ulit siya.

" Babe " Tawag ko sabay hawak ko sa kamay nito " Believe me babe Lee and I are just real friends wala kaming relasyon dalawa magkaibigan lang talaga . Hindi kita pinagpalit sa iba kahit kailan hindi kita ipagpapalit sa iba " sinsero kong sabi ko kay Terrence.

" Naniniwala ako sayo ! " Sabi nito bahagyang napangiti ako

Pero biglang natulala si Terrence na para bang may iniisip ito. " Anong iniisip mo ? " Agad na tanong ko

Love Is Easy ( Completed )Where stories live. Discover now