Chapter 10 : Unremembered

55 3 0
                                    

" My girlfriend sofia is really excited to see you "Nakangiting Sabi niya ng makasakay na kami sa kotse niya may kung anong tumusok sa puso ko ng marinig ko yung " My girlfriend Sofia " Sa bibig niya

" Me too " Tipid na sagot ko

" Ahm Iza , Youre free to speak tagalog . Kung di mo alam I stayed in the Philippines for so long " Sabi nito gusto ko tuloy sabihin sa kanya " Oo Terrence alam ko ! mga bata palang tayo eh magkasama na tayo "

" Thanks anyway for teaching my girlfriend to speak tagalog . Gusto niyang mag business and one of her reason is kapag dinala ko na siya sa pilipinas di na siya mahihirapang magtagalog pa " Kwento Niya ,So may ganong plano na pala siya dadalhin niya sa Pilipinas si Sofia at magsasama sila at kasunod na ba nun eh mag aasawa na sila at ako tatandang mag-isa ?

" For sure magugustohan mo luto ni Sofia , Ang sarap niyang mag luto sobra " Pagmamalaki niya.

Puro nalang ba sofia ibibigkas ng bibig niya di ba niya alam na yung puso ko wasak na wasak na . Bigla akong napahawak sa puso ko bigla

" Are you - okay ? " Tanong niya siguro nakita niya akong napahawak ako sa dibdib ko

" Yes -- Im okay -- Napagod lang siguro ako " Sagot ko

" Pag natikman mo luto ni Sofia for sure mawawala yang pagod mo " Sabi nito

Nagulat ako ng bigla niyang hininto kotse niya sa harap ng isang Flower shop " Nandito na ba tayo kanila sofia ? " Nagtatakang tanong ko sa kanya

" Nope ! Monthsary namin ngayon ni Sofia bibilhan ko siya ng bulaklak gusto kong e surprisa siya " Nakangiting kwento niya kitang kita sa mukha niya na inlove na inlove siya kay Sofia agad ko namang binaba ulit yung shades ko para di niya makita luha sa mata ko.

" Pwede mo ba akong tulongan pumili ng bulaklak para kay sofia ? " Pakiusap niya , Naloko na ako pa talaga pipili ha ! Wala akong nagawa kundi ang napa-OO sa kanya

Pumasok na agad kami sa Flower shop . Gumaan gaan naman agad yung pakiramdam ko ng makita ko yung sandamakmak na magagandang bulaklak . Napangiti naman ako ng makita ko yung naglalakihan at nag gagandahan white roses naalala ko bigla nung okay pa kami ni Terrence, alam niyang paborito ko yung roses kaya lage din niya kong binibigyan ng ganito.

" Sa tingin mo magugustuhan niya to ? " Parang tinusok ng karayom puso ko ng makita kong bitbit niya na yung white roses na gusto ko " Ito yung bibilhin ko para kay sofia , maganda ba ? " Tanong niya " Kasing ganda ni Sofia " dagdag pa niya

Sige Terrence saktan mo pa puso ko !

" What do you think Iza? " Tanong niya " Bibilhin ko na ba ? " dagdag na tanong niya

" Yes maganda , Sigurado ako magugustohan yan ni Sofia " Sabi ko sa kanya at agad na napangiti siya dali dali agad siyang binayaran yung bulaklak sa tindira

Nasa loob na ulit kami ng kotse ni Terrence , Tahimik lang kaming pareho mas okay na yun kaysa naman magsasalita siya puro naman tungkol kay Sofia . Pasimple akong tumitig sa kanya , Walang nag bago Ang gwapo padin niya at mukhang masayang masaya na siya. ibinaling ko naman agad yung tingin ko sa ibang bagay ng bigla siyang tumingin sakin

" Gusto mo bang makinig ng music ? " Tanong niya at tinanguan ko lang siya

" I dont know kung magugustohan mo to but me and Sofia loved this song " Sabi niya at agad na pinatugtug yung kanta sa kotse niya

" Theme song namin to ni Sofia " Yung puso ko parang tinapak-tapakan ng nag simulang ng umalingawngaw yung kanta sa kotse niya

" Oh my heart hurt so good I love you babe so bad so bad " Nakisabay pa siya sa kanta . Di niya na nga naaalalang theme song namin yang dalawa at ngayong theme song na nilang dalawa ni Sofia ang sakit talaga

Love Is Easy ( Completed )Where stories live. Discover now