Kabanata 2

0 0 0
                                    

Tahimik akong kumakain sa tabi ni Kado. Sa kabila ko ay si Basya na nakikipagkwentuhan kay Mara. Sa harap ko naman si Aquil na maganang kumakain habang may sinasabing kung ano kay Kado. Ako lang yata ang tahimik sa lamesang ito dahil kahit sa ibang lamesa, masayang nagkukwentuhan ang mga tao.

"Okay ka lang, Yumi?" nag-angat ako ng tingin kay Mara na hawak ang kanyang kutsara at nakatingin sa akin. May halong pag-alala at kalituhan sa mata nito. Napatingin sila sa akin at naghihingay ng sagot.

Tumango naman ako sa kanila para sabihing ayos lang ako. "Oo naman. May iniisip lang.." pagrarason ko na lang.

"Baka gutom lang 'yan, Yumi. Ikuha ba kita ng pagkain?" napairap na lang ako kay Aquil. Siya itong baka gutom sa dami ng pagkaun na nasa plato niya.

"Baka ikaw, Aquil, gutom pa?" balik ko habang sinisipat ang kanyang plato. Ngumisi siya sa akin.

"Woah, lumalaban! Ayos lang talaga siya, guys!" aniya.

Napailing nalang ako at tumingin kay Kado na nag-aabang ang tingin sa akin. Nang nagtama ang mata namin ay ngumiti siya saglit. Bumaba ang mata niya sa aking plato na halos wala ng laman.

"Gusto mo ng dessert? May buko pandan akong nakita do'n. Kuha na kita." sabi nito sakin.

Wala akong pag-aalinlangang tumango sa kanya. Napahalakhak ito dahil sa agaran kung pagsagot. Alam niya kasing paborito ko ang buko pandan. Hindi ko iyon nakita kanina noong kumukuha ng pagkain kaya masaya akong sinabi niya sakin 'yon.

Tumango siya sa akin at binalingan ang nasa lamesa. Nagpaalam siya sa mga ito at nagpakuha na rin silang tatlo. Tumayo siya sa kanyang upuan. "Kuha lang ako.." at umalis.

Habang naghihintay sa kanya ay inuubos ko ang ang kaunting pagkain na natira sa pinggan ko. Nginunguya ko ang pagkain sa bibig nang nag-angat ng tingin sa paligid. Marami pa rin ang tao lalo na at alas dose na yata. May iba namang umaalis na kasi tapos ng kumain pero may ibang nanatili para sa tuba. Namumula na rin ang mukha ng ilan sa narito.

"Nakita ko kanina! Grabe ang gwapo nga talaga ni Rafael, Basya!" narinig kong wika ni Mara. Nilipat ko ang tingin sa kanya na malaki ang ngiti sa labi at parang kinikilig.

"Para namang ngayon mo pa lang siya nakita sa personal, Mara, kung mag-react ka diyan!" si Basya.

Umirap si Mara. "Tseh! Syempre ilang beses pa nating nakikita si Rafael. Tsaka kahit naman matagal o lagi natin siyang nakikita, gwapo pa rin siya!"

"Sinabi mo pa. Siya iyong lalaki na hindi nakakasawa 'yong kagwapuhan e. Hindi kumukupas gaya ni Sir Vincent!" nilingon ako ni Basya. "Tsaka ang bait din. Naalala ko pa na tinulungan niya si Yumi sa pagbubuhat noong gamit nila Nanay Lus noong nakaraang uwi."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at binaba ang tingin sa pinggan. Mahinang humiyaw si Mara at excited ako nitong binalingan. "Talaga, Yumi?! Ang swerte mo, girl! May gwapo kang tagabuhat!"

"'Yon lang naman. Tinulungan niya lang kami ni nanay na magbuhat ng gamit pauwi ng bahay." sabi ko.

"Shit! Kahit na ano! Si Rafael na 'yon.."

Nanliit ang mata ni Basya. "Type mo na? May manliligaw ka ah?" Napatingin ako kay Basya na ang mata ay naka'y Mara, naghihintay ng sagot.

"OA mo, Basya! Ina-appreciate lang naman, type agad? Kumbaga paghanga lang ba. Parang tanga naman 'to."

"Akala ko type mo na, e. Ang hirap kayang magkagusto kay Rafael at sa mga katulad niyang mayayaman. Hays.." sumandal si Basya sa kanyang upuuan habang tinatanaw si Kado na pabalik na sa pwesto namin. May dala itong limang plastic cup ng buko pandan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beyond Her Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon