Disclaimer:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Warning: Cursing
***
Pag-ibig. Isang salita, nguni't maraming sumasaya, na-eexcite, nalulungkot, umiiyak, at nabibiyak.
Ang pag-ibig ay parang isang loop, alam mo kung saan ka nagsimula, nguni't hindi mo alam kung may kasiguraduhan ba na ito'y hihinto. Isang salita na kung saan tayo paulit-ulit na sasaya at masisira. Mga memorya na nasayang at hindi na pwede pa ipagpatuloy. Hindi mo na alam kung paano bumangon at magsimula. Masarap magmahal at mahalin, pero dapat handa ka masaktan at bumitaw. Hindi ka maaari pumasok sa isang relasyon kung hindi ka handa masaktan.
***
"Audio rolling?"
"Rolling!"
"Camera rolling?"
"Rolling!"
"Shot 3-A... Scene 2... Take 4..."
*clap the sticks from clapping board*
"ACTION!"
*10 hours later*
"Anika, want mo? Water?" Alok ng isang production crew sa'kin habang naka pa-mewang ako sa ilalim ng puno dahil sa init ng panahon.
"Salamat naman at may tubig na," Tinungga ko agad yung bottled of water na ibinigay sa'kin dahil sa uhaw. From 6am to 3pm na kaming nag-shooting para sa exam nila. Sampid lang ako sa production na 'to. I volunteered to be part of them dahil sa mga kaibigan ko na part ng production na 'to at na-eenjoy ko rin na nasa set ako ng film.
Ang pagmamahal ko sa film ay love and hate. Huwag na magtanong kung bakit dahil you'll know once you enter multimedia arts or any film related course.
"Anika! Hanap ka na ni Direk (Director)! Magshoot na tayo ulit!" Agad akong kumaripas nang takbo papunta sa tabi ng Camera Operator, malapit kay Direk. Inilabas ko ang whiteboard marker ko sa aking bulsa at nagsimula na isulat ang next scene na aming kukuhanan. Sa totoo lang, hindi ko alam bakit clapper ako rito sa production na 'to. Eh bago ako sumali sa production na 'to ang sabi ko sa kaibigan ko ay "huwag niyo ako gawing clapper. Pagod na ako." Look at me now.
Sa buong experience ko siguro sa film ay laging clapper. Don't get me wrong, importante ang clapper dahil jan nalalaman yung pagkakasunod-sunod ng pelikula at ang good takes ng audio at shot. Sadyang gusto ko lang talaga ma-experience yung ibang roles katulad ng pagiging DOP (Director of Photography), Director, or hindi kaya Makeup Artist. Though may experience na ako sa pagiging Producer, Assistant Producer, Production Coordinator, at Assistant Director. Gusto ko pa mag-explore.
After how many hours of shooting sa ilalim ng tirik na araw, natapos na kami ngayong first day. Nakadating na kami sa bahay ng kaibigan namin kung saan kami pansamantalang tumutuloy habang nasa production phase kami. Ala una na ng madaling araw kami natapos. Dumiretso ako sa banyo para tanggalin ang kolorete na nilagay ko sa aking mukha. Paglabas ko sa banyo ay nakita ko si Direk na nakaupo sa sofa, nag-iisip. Kinuha ko ang skincare ko sa aking bag at naupo sa may kitchen area kung saan kita rin ang living room. Habang naglalagay ako ng moisturizer ko ay hindi ko maiwasan na hindi pagmasdan si Direk. Halos magkasama at magkatabi kami sa set pero ngayon ko lang siya natignan nang ganito. Ngayon ko nga lang napansin na singkit pala siya at maputi.
Ibinaling mo na ulit ang tingin ko sa salamin. Habang naglalagay ako ng lipbalm ay biglang may lumipad na ipis sa braso ko kaya napatayo ako at tumakbo papunta sa sala habang tumatalon-talon pa dahil sa takot. "Potangina!"
Ramdam ko na nasa likod pa rin yung ipis kaya hindi ako tumigil sa pagtalon-talon at pagpapag-pag ng likod ko. Sa sobrang busy ko paalisin yung ipis hindi ko namalayan na nasa tabi ko na si Direk at siya ang nagtaboy sa ipis na nasa likod ko. "Ayan, wala na yung ipis." Sabi niya habang nakatingin sa ipis na palabas na ng pinto. Ang lalim naman ng boses nito.
"Salamat, Direk," sabi ko sakaniya. Hindi ko na siya ulit tinignan pa dahil alam ko na nagba-blush ako. Aaminin ko na kinilig ako konti. Mabilis pa naman ako mahulog sa ganon.
Paglabas ko ng banyo ay nakaalis na pala si Direk. Nagpahinga lang daw pala siya saglit sabi ni Joey kaya dumiretso na ako sa kwarto at natulog.
"Niki, ikaw nga muna magclapper, ang sakit na ng paa ko," reklamo ko kay Niki na isang makeup artist.
"Ah! Ano ka? Kaya nga hindi ko kinuha yan kasi masakit sa paa, tapos uutusan mo ako?" Sabi ni Niki na naka salubong ang kilay.
"Parang others naman 'to! Maawa ka naman sa maliit mong kaibigan oh... parang 5 minutes lang," pagmamakaawa ko sakaniya. Hindi niya rin ako natiis at siya muna pumalit sa'kin. Masakit na talaga yung talampakan ko. Lesson learned na dapat pala malambot na sapatos ang sinuot ko, hindi yung kinulang ng foam sa ilalim kaya damang-dama ko yung sahig.
Kanina pa ako 6am nakatayo at 4pm na. Habang kumakain ako ng biscuit sa ilalim ng tent ay pinapanood ko sila Direk. Sa tangkad ni Direk ay kuhang-kuha niya talaga ang atensyon ko. Yung pagiging seryoso niya habang shooting at alam na alam niya talaga mga ginagawa niya. "Bakit ka nakangiti?" Napalingon ako sa kanan ko at bumungad sa'kin ang nakakalokong ngiti ni Flor.
"Anong nakangiti? Kung ano-ano nakikita mo na hindi totoo ah?" sabi ko sakaniya kahit alam ko sa sarili ko na nakangiti ako. Bakit sa lahat ng tao na makakakita sa'kin, si Flor pa? Mapangasar pa naman 'to.
"Deny ka pa ah! Kita ko 'yon. Crush mo si Direk no?" Pangangasar niya.
"Huh? Anong crush? Hindi ko nga yan kilala," sabi ko sakaniya habang naiinis na. Hindi ko naman siya gusto. Nakatingin lang at nakangiti crush na agad? Hindi ba pwedeng nagdaydreaming lang?
"Sige, sabi mo eh," sabi niya sabay tumayo at naglakad patungo sa direksyon nila Direk na nagchecheck ng shot. Nilapitan niya si Direk at tila may sinasabi at nagulat ako na parehas sila tumingin sa'kin at tinuro pa ako.
"Ano naman kaya sinabi ni Flor?"
BINABASA MO ANG
ANG PAG-IBIG AY WALANG KALAYAAN (On-going)
RomanceAnika Abad, a woman who is a Roman Catholic, falls in love with Ian Aquino, a member of another religion that is strictly not allowed to have a relationship with someone who is not a member. How are they going to fight for their love? Are they going...