Chapter 6

10 0 2
                                    

My plan of leaving this school and moving on from him was ruined. I guess I can never escape these feelings because destiny has been playing with us all along. Paulit-ulit na nga nagrereplay sa utak ko 'yong kanta ni Calein na Umaasa, tapos gawin ba naman kaming magkapartner sa subejct ni Ma'am Zaphora?! Muntik pa niya akong mahalikan, aahhh! 

I thought it was okay to at least keep in touch with him, but I was wrong; it only made me more concerned about him. Concern lang ba talaga? Pagkatapos ko siyang samahan ay umaakto siya ngayon na para akong hangin. Kung kailan maayos na siyang nakakapagsalita nang hindi nanginginig, tsaka naman siya hindi natutong magpasalamat. And now things begin to be slightly awkward, especially whenever her mother sees me around the campus. 

"Hi Cosette, kumain ka na ba ng lunch? " Nagluto ako ng chicken soup, why not eat with us?" she asked, genuinely smiling. How can I ever refuse such a question?

Magmula nang malaman ni Mrs. Ecuador na ako at si Lumiere ang nagdala kay Dawn papunta sa clinic ay kung ano-ano ang itinanong nito sa akin. Para bang nakuha ko ang interes niya, akala ko pa nung una ay magagalit ito dahil nilalagnat ang anak niya. Pinagsabihan niya na raw ito na huwag pumasok pero mapilit ang lalaki kaya wala siyang nagawa kundi ang payagan ito dahil na rin sa request nito. Binilhan niya rin daw ito ng gamot habang nasa daan patungo sa school ngunit hindi ito uminom hanggang makarating sa klase kaya naman nadagdagan ang inis ko dahil kung saan-saan nagpunta 'yong nurse tsaka 'yong kaibigan niya para maghanap ng gamot tapos mayroon naman palang binili sa kaniya ang nanay niya!

Mahinhin akong umiling. "Next time nalang po siguro Ma'am, kasabay ko po kasi ang mga kaibigan ko."

"Naku, ayos lang naman Cosette. Sabay nalang kaming kakain ni Cashew pati kaya na namin 'to, malaki na kami. 'Di ba, Cashew?" nakangiting usal ni Plum. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala siya.

Naestatwa naman si Cashew sa kinatatayuan niya. "Ha? Uhm..."

Habang hinihintay siyang sumagot ay dumating naman si Lumiere. "Good afternoon po Ma'am, hinihintay na po kayo ni Dawn sa canteen."

Dati ba itong bodyguard noong past life niya? Mukha siyang bantay ng Ecuador family, nagmamano tapos nag-uupdate na tila ba amo niya iyong kaibigan niya tsaka ang nanay nito. What if? Nope, that's too impossible, Lumiere's family are known as one of the richest gamblers. Mas mayaman pa ata sila sa pamilya ng mga Ecuador.

"Tara na?" tanong nito kay Cashew.

"HUH?" sabay-sabay kaming tatlo na napatingin sa isa't isa pero hindi nagtagal ay nahihiyang ngumiti si Cashew sa amin at nag-peace sign.

"Hindi ko pala nasabi, kasabay ko si Lumiere," sabi nito tsaka tumakas sa pagitan naming dalawa ni Plum.

Bakit parang ang bilis naman? 

"Ah, gano'n. Sabi ko nga kaya ko naman mag-isang kumain," tila nagtatampong sabi ni Plum tsaka lumingon sa akin. "Kanina ka pa hinihintay nung mag-ina, alam kong pangarap mo 'yan. Huwag kang mag-alala, hindi nakakamatay ang inggit."

Siniko ko siya nang bahagya pagkatapos niya iyong sabihin, ibuking ba naman ako na pangarap ko 'yon! Kung nakakamatay talaga ang inggit, baka pinaglalamayan na kaming dalawa ni Plum. Parang kailan lang kasi nung nalaman namin na may gusto si Lumiere kay Cashew, wala pa ngang alam noon ang gaga tapos ngayon ay makikita na lang namin na sabay kumakain. Ama, nasaan ang para sa amin? 

Pumayag ako sa paanyaya ni Ma'am Ecuador na kumain kasama siya. Naunang umalis si Plum kaya sumunod na lamang ako patungo sa canteen kung saan kumakain ang karamihan sa mga estudyante at guro. Hindi naman nakalagpas sa pandinig ko ang mga bulongan ng ibang kumakain dahil may kasama akong guro.

Petals of PassionWhere stories live. Discover now