CHAPTER 3"Raya!" bungad sa akin ni Richard "oh ano? papagawa ka assignment mo saken?" pagbibiro ko sakaniya "baliw hindi!" "ikaw nalang ilalaban namin muse sa intrams" nakangisi niyang sagot sa akin "Ano?! anong ako? ayoko!" malakas na sabi ko "wala na, nasabi na namin kay ma'am!" tawa niya sabay takbo palabas ng room namin. Ano ba 'yan? alam kong maganda ako pero bakit ako naman gagawin nilang muse? baka umiyak pa 'yong ibang team dahil maging hakot award pa ako!
Wala na kaming gagawin ngayon araw kaya kaagad na akong umuwi para sabihan si Isabelle dahil gusto ko sakaniya ako magpapaayos. "Belle! tulungan mo 'ko" sigaw ko sakaniya para bumaba siya "Bakit 'te?" bungad niya kaagad sakin pagkababa niya "tulungan mo 'ko bukas, make-Upan mo 'ko!" paglalambing ko pa sakaniya "para saan naman?" napakamot siya sa ulo "Eh kasi ako raw ang ilalaban nila bilang muse para sa intrams namin bukas!" inis na sagot ko kaya natawa siya buti nalang talaga pumayag siya, life saver ka talaga!
_____________________________Maaga kami nakarating kaya naman inayusan na ako ni Isabelle. Tapos na kami mag ayos kaya naman nilagyan ako ni Gab ng kulay pula na ribbon sa buhok para raw mas "cute" tignan.
Ako na ang susunod na maglalakad kaya medyo kinakabahan ako pero buti nalang natapos ko nang maayos at nakakuha pa talaga ng award!
Nakatayo lang ako sa gilid dahil hindi ko mahanap sila Gab nang biglang may lumapit sakin "Miss pwede mahingi number mo?" tanong sakin ng isang taga ABM strand pero nginitian ko lang siya, mangungulit pa sana siya nang biglang tumabi sa akin si Geo "Kanina kapa namin hinahanap" at biglang hinawakan ang kamay ko para hindi ako mawala.
Habang naglalakad kami ay hindi maiiwasang mapatingin ang mga tao kay Geo dahil sikat siya at isa siya sa pinaka magaling na basketball player sa campus namin. Ang iba ay nakikipag picture pa sakaniya pero may iba rin na tinitignan lang siya dahil siguro nahihiya sila.
Nagpapahinga muna kami dahil may laban din mamaya sila Geo kasama si Seb at kalaban pa nila ang iba pang strands. Habang nag aantay kami ay bumili muna si Geo ng tubig para sa amin, napansin niya sigurong pinagpapawisan ako kaya kaagad siyang kumuha ng panyo sa bulsa niya at pinunas ito sa akin. Hindi mo talaga maitatanggi na minsan ay may kasweetan din siya kahit masama ang ugali.
Magsisimula na ang laban kaya naman ay bumaba na
kaagad siya at nagpaalam na rin. Muntikan pa malate si Seb dahil magkasama pala sila ni Gab! "wow, magkasama pala kayo hindi manlang nag aaya ah" sabi ko pa habang tinataas baba ang aking mga kilay bilang pang aasar sakaniya "ang oa ha! bumili lang kami ng pagkain 'no!" pabiro niya pa akong tinarayan. Lagi ko kasi talaga silang inaasar dahil halos lagi rin silang magkasama.STEM won against ABM kaya naman tuwang tuwa sila pero hindi pa naman tapos ang laban dahil round 1 pa lang naman.
Makalipas ang isang oras na pag aantay ay tinawag na rin sila kaya naman nagpaalam na ulit siya sa amin at pumunta na sa baba. Kalaban naman nila ngayon ang HUMSS kaya medyo kinakabahan na rin talaga kami dahil magagaling din ang mga naglalaro rito.
Fortunately, nanalo nanaman sila kaya nakatanggap sila ng trophy. Mabilis naman natapos ang program at nagsi uwian na rin ang mga estudyante pero biglang nag aya si Gab "Tara kain tayo, libre ko kayo since makakapal naman ang mga mukha nyo" sabi niya pa "sus, baka nga funds yan ng school nyo!" sabi pa ni Seb, si Geo kasi ang treasurer ng campus kaya inaasar siya nina Seb "Baliw! gaya mo pa ako sayo, malinis kaya ako!" sagot pa ni Geo kay Seb kaya natawa nalang kami dahil dito.
Nang makarating kami sa kakainan namin ay naghanap na kami ng upuan. Tatabihan sana ako ni Seb sa upuan kaso bigla siyang tinulak ni Geo gamit ang pwet niya kaya naman natawa kami "Aray! gustong gusto talaga laging magkatabi ah?" sabi pa ni Seb "Diba gusto nyo lagi kayo magkatabi ni Gab?" pang aasar pa ni Geo sakanila kaya naman namula tuloy ang pisngi nitong si Gab.
YOU ARE READING
Our Untold Feelings
Romance(Ongoing) Start: 07/12/24 This is a work of fiction. Names, characters, places, businesses, events is the product of the author's imagination. This is purely my imagination, so if it's similar to the book you've read, it is purely coincidental.