Chapter 5

2 0 0
                                    

CHAPTER 5

Maaga akong nagising kahit mamayang hapon pa naman ang flight ko dahil mabagal talaga akong kumilos lalo na kapag aalis talaga. Naglinis muna ako ng kwarto ko dahil isang linggo rin ako mawawala at ayoko namang uuwi akong madumi ang kwarto ko at amoy ipis. Pagkatapos non ay kumain na rin ako at naligo para makapag ayos na rin.

Tank top at wide leg pants lang ang suot ko para komportable ako at hindi masyadong mainit, nagdala nalang din ako ng jacket na medyo manipis at isang jacket na pang winter dahil sa pagkakaalam ko ay winter na ngayon sa japan.

Hindi naman na ako mamomroblema sa sasakyan papuntang airport dahil napag usapan na namin ni Gab na siya ang maghahatid sa akin sa airport, pero bigla siyang nagchat sa akin.

MESSENGER

Gabriella:
Hi darling, Something urgent came up, hindi kita maihahatid sa airport. I'm sorry🥲🥲

Gabriella:
Nasa hospital ako ngayon

Estrid:
Heyy, It's okayy!

Estrid:
Why? what happened? are u ok?

Gabriella:
Yes, I'm okay, inaapoy ng lagnat si Elle eh. Sorry, bawi ako pag uwi mo🤗

Estrid:
No, okay lang. Pagaling kamo siya ;))

Gabriella:
Yess, love you! Be safe ha?

Hindi ako mahahatid ni Gab dahil nasa ospital pala si Elle, kapatid niya. Malelate na ako sa flight ko kaya chinat ko si Seb

Estrid:
Heyy, Seb

Estrid:
u busy?

Sebastian:
Uhm, di naman super. Nasa Bulacan ako kasama fam ko, why?

Estrid:
ayy, papahatid sana me sa airport. Busy kasi si Gab

Sebastian:
Ooohh ganon? chat mo Geo, di naman siya busy ngayon😁

Estrid:
okay okay, Thanks!

Busy rin pala siya. Okay last, si Geo naman please sana naman hindi siya busy.

Estrid:
Geo!!

Estrid:
GEO

Estrid:
GEO PLEASE SAGUTIN MO KO

Geo Riveroz:
Oh? sorry bata pa ako, hindi muna kita sasagutin.

Estrid:
SERYOSO!! can you please please please drop me off sa airpor?? malelate ako sa flight kohuhu T-T

Geo Riveroz:
Why? I thought si Gab ang maghahatid sayo?

Estrid:
siya nga dapat but something urgent came up kaya hindi niya ako mahahatid

Estrid:
PLEASE💗💗💗💗💗

Geo Riveroz:
OTW NA

Napangiti ako dahil sa chat niya, finally!! baka kasi malate pa ako kung magtataxi ako. Naghintay ako siguro 10mins bago siya makarating dito.

"THANK YOU!! life saver ka talaga" bungad ko agad sakanya pagkatapos niya ilagay yung mga gamit ko sa likod ng kotse niya "May bayad 'to, pasalubong" sagot niya "MALAMANG! mag eemote pa kayo pag di ko kayo binilhan ng pasalubong eh!" sagot ko naman sakaniya pero ngumisi lang siya at nagdrive na papuntang airport. Mabilis naman kaming nakarating dahil malelate na talaga ako "Thank you!!" sabi ko nang ibaba niya ang mga gamit ko sabay yakap sakaniya dahil muntik na talaga akong malate. Napaubo siya "U-uhm.. baka malate, pasok kana sa loob" sabi niya at napansin kong namumula ang tenga niya "Bakit namumula tenga mo? akala mo tocino kung mamula eh" pagbibiro ko pa "Bilisan mo na, pumasok kana sa loob" sabi niya at tinapik pa ang ulo ko "bye bye!! wag nyo akong ma miss masyado okay??" sigaw ko sakaniya sabay tumawa.

Our Untold FeelingsWhere stories live. Discover now