One

3 0 0
                                    

" Ma, susunod nalang ako dun sayo madami pa akong gagawin ngayon " pinipilit  niya saakin na sumama ako sa trabaho niya pero tambak ako nang gawain sa school. 

" Malapit lang naman, gusto ka ding makita ni Boss " tinignan ko ito at " Ma, bukas nalang ako pupunta I'm sure papasok naman iyon " hindi na ako pinilit ni mama dahil alam niya namang hindi niya ako mapipilit.

" Sige bukas " at naghahanda na siyang pumasok at ako naman ay aligaga sa pag rereview lahat dahil hindi ko matatapos ito nang isahang upuan lang. 

" Anong oras bukas? " tanong niya saakin 

" Hindi ko alam, baka hapon na " at nagkibit-balikat pa ako sa sagot ko. 

" Sige, kita nalang tayo bukas " at hinalikan na ako pisngi at nagpaalam na siya saakin. 

Biglang bumukas yung phone ko kaya napatingin ako habang nag-aaral ako, nakita ko chat ng nobyo.

CHAT:

Chio: babe, pera mo naman oh 

Me: Hindi ako makakapag padala sayo ngayon

Chio: napaka kuripot mo talaga

Me: hindi ka lang napagustuhan yan ka nanaman

Chio: Mag break na tayo, wala ka namang kwenta

Me: Chio, Babe wag naman ganto alam mo naman na nag rereview ako para sa exams ko wag mo naman sabayan

Chio: Mas inuuna mo naman yan kesa saakin. Kaya mag-iinom nalang ako

Me: Ayusin mo naman pananalita mo saakin Chio, girlfriend mo ako hindi mo ako yaya

Chio: nagpaka jowa kaba saakin? 

Me: Sa gantong posisyon natin hindi paba ako nagpaka jowa sayo? 

Chio: Hindi, wala ka ngang time saakin simula nung nagkaroon kayo ng bakasyon mo, hindi ka man lang makauwi dito

Me: Chio, i already explained everything why i can't go back okay? 

Chio: Mag hiwalay nalang tayo para matapos na ito 

Me: wag naman chio, wag mo namang sabayan. Gusto kong matiwasay ang isipan ko habang nag e-exam oh

Para akong tangang nakatulala sa mga papel na nasa harapan ko. Napahilamos nalang ako. Panatag loob ko na baka galit lang yon saakin.

Hapon na at nag chat ako kay Mama na pupunta nalang ako dahil bukas hindi ako sigurado kung makakapunta ako dahil deretso akong magbabasa bukas. 

Habang papunta ako sa work ni mama ay nag chachat parin ako kay Chio pero wala ako ni isang reply na natatanggap pero delivered lahat ng chats ko kaya mas lalo akong nanlulumo baka totohanin niya ang sinasabi niya saakin. 

Nandito na ako kung nasan nag wowork ang Mama ko, agad naman akong nakilala nang security guard kaya pinapasok agad ako sa loob. 

" Ma " tawag ko nang makita ko siyang palapit saakin

" Hindi mo talaga ako matitiis na mag-tampo sayo " natawa nalang ako sa sinabi niya which is true naman na hindi ko siya matiis parehas sila ni papa. 

" Tara dito " sinunod ko naman kung saan kami at nakita kong papunta kami sa office nang Boss niya kaya naman inayos ko ang damit, ilang beses ko na itong namemeet ang Boss niya pero hanggang ngayon ay nahihiya parin ako sakanya. 

" Boss she's here " sabi ni mama at narinig ko naman na pinapapasok kaming dalawa

" Hola " bati ko dito, napatingin ako sa isang lalake na nakahawak ng wine na nakatingin din saakin pero hindi ko ito binati. 

" Es mi sobrino Elara " pagpapakilala niya sa lalaki na tinignan ko kanina.

" Hola " bati ko dito para naman hindi ako sabihan na napaka sungit ko

" You can leave your daughter here for a few moments " utos ng Boss ni mama sakanya at tinignan naman ako ni mama at tumango ako sakanya. Umalis na ito at tinignan niya ulit ako at tumango naman ako sakanya para masigurado niya na okay lang ako. 

" Que tal hija? " tanong saakin " Sientate al lado de Alejandro " at sinunod ko naman ito pero malaki lang ang distansiya ang ginawa ko.

" Estoy bien pero tengo muchos trabajos para hacer " at tumawa naman ito saakin

" Bueno, es normal porque eres estudiante y estas estudiando " natawa naman ako dito 

" What do you want? Milk, Coffee? " umiling naman ako 

" Nothing sir " pero nag utos parin siya sa secretary niya na kuhanan ako ng coffee at makakain

" Sigues siendo tímida hasta ahora "

" Si Sir pero bueno " napatawa nalang ako dahil totoo naman ilang beses na kaming nag me meet pero hanggang ngayon ay nahihiya parin ako sakanya. 

" Alejandro hablar con ella, tengo reunion ahorra, Elara hablamos luego despues my reunion con mis socios entonces " tumango naman ako at ngumiti.

Para akong nanlamig nun kaming dalawa nalang at hinihintay ko siyang magsalita pero wala namang nagsubok na mag salita kaya naman nilabas ko nalang ang phone ko at nagkalikot doon. 

CHAT:

Me: Babe, Chio please talk to me 

Me: Chio

Me: Babe

Me: Please talk to me, i don't want us to end up

Me: Chio, i know that you're online right now

Me: Chi

Chio: ang ingay mo puta 

Me: Chio, i miss you

Chio: Nag eenjoy yung tao, ang ingay ingay mo!!!

Me: Chio, nasasaktan mo ako sa mga sinasabi mo 

Chio: Wala akong pakealam, hindi naman kita jowa para hinhinan ko tanga kaba

Me: Chio wag naman ganito please

Chio: Tantanan mo na ako, i already find someone else

Me: Chio, wag naman oh

Nabigla ako nang punasan ng katabi ko ang luha na tumutulo sa pisngi ko

" Por que estas llorando? Que pasa hermosa ? " bigla ko naman nilayo ang mukha ko sakanya at kumuha ng tissue sa bag ko

" Nada " sagot ko naman 

Sinara ko ang cellphone ko at tumingala ako para matigil ang pag-iyak ko pero hindi ito gumana.

" Why are you crying, don't be shy tell me why? pangungulit niya saakin

" Nothing " at tumayo na ako at umalis na doon. Nang makasakay ako ay nag paalam na ako kay mama at sinabi ko kay mama na emergency kaya uuwi na ako. 

Napatawa nalang ako, sympre babaero nanaman naging jowa ko, palagi nalang. Binaba ko standard ko dahil akala ko walang ganon lalaki at maraming lalake lang ang hindi maka kamit ng standard ko. 

Habang inaalala ko ang sinabi ng ex ko noon na huwag na hiwag kong ibaba ang Standard ko when it comes to relationship dahil merong isang lalake na willing tapatan ang Standard mo, totoo nga iyon pero hindi ko lang sinunod. 

Malapit na ako sa bahay kaya naman pinunasan ko na ang luha ko dahil mukha ang tanga na lalabas ng sasakyan na umiiyak baka sabihing merong ginawa yung driver saakin.


A Billionaire Boyfriend become my HusbandWhere stories live. Discover now