MGIAL ( 10 )

84 7 0
                                    


Hestia/Cleo


"Heneral' papasok na po ang mahal na hari." Dinig kong sabi sa labas ng silid. Aissst bakit kasi ang aga naman nilang mang istorbo. Kakagising ko lang nga mga 5 mins have past..


Kaya tumayo na ako at pinagbuksan ang mga istorbo ng siesta ko ayyy.. may siessta kapang nalalaman. Wala eh, ninanamnam ko lang naman ang buhay lalaki sa panahong ito. Ang sagana pala noh pag lalaki ka, malaya mong magagawa ang nais mo. But in my case medyo dehado tayo sa magagawa ang gusto mo.


"Magandang umaga Mahal na prinsepe." Bigay galang kong bungad sa mahal na prinsepe. Napansin ko rin na medyo umaliwalas na ang mukha niya ng makita niya ako. Ehem.... Nakakailang.

"Good morning Heneral." Bigay tugon din na sabi ng mahal na prinsepe. Teka nga bakit ba ang aga nilang mambulabog?. May ganap ba?.


" Mawalang galang na po mahal na prinsepe ngunit, ano po ba ang sadya niyo?". Napatikhim naman ng marahan ang mahal na prinsepe, at ang kasama netong kawal ay natuug na parang may kasalanan.

"Wala naman, tiningnan ko lang kong naging maayos ba ang iyong pagtulog. Napansin kong nakahanda kana kaya naman samahan muna kami ni Timo na pumaroon sa hapagkainan upang makapag almusal narin." Nabigla pa ako ng bahagya sa mahabang pagsalita ng mahal na prinsepe. Kahit ata itong Timo na kanang kamay niya ay nagulat din.

Medyo akward lang kasi naman sino ba naman ako para dalawin ng mahal na prinsepe at hindi lang dalaw kundi tiningnan niya talaga raw kong naging maayos ang naging tulog ko na siyang nakaka cringe.. kong iba atang babae sa mundo ang sabihan niya baka naglupisaw na iyon sa kilig..

Kaya sino ba naman ako para ibigin siya.. ay este sino ba naman ako diba para tanggihan ang isang royal edi napa aga niyan ang pagpunta ko sa langit...

"Sige po mahal na prinsepe, mauna na po kayo sa paglalakad." Diba ganon naman talaga noh? Kapag Royalty pinapauna talaga iyan. Isang Rules din nila iyan na talaga namang nakakatakot na parusa kapag lumabag ka.







Hindi napansin nina Cleo at ng prinsepe na panay ang sulyap sa kanila ni Timo. Ibang tingin ang pinupukol niya sa dalawa. Napapa sign of the cross pa ng palihim si Timo. Nang mahalata niyang tumitig na sa kaniya ang mahal na prinsepe ay bigla itong namutla. Si Cleo naman ay parang walang alam sa nangyayari...




Habang naglalakad kaming tatlo , nasa unahan namin sympre ang mahal na prinsepe at kami netong si Timo ay sa kada gilid ng mahal na prinsepe. Ohh diba siya na ang may dala dalawang bantay.. echusero..


At ilang lakad pa namin ay narating narin namin ang hapagkainan. Naabutan din namin na mag isang nag hihintay ang mahal na Hari. Mukhang nababagot din ito sa kakahintay sa amin. Nakaka tense naman ang mga maids everywhere. Mala human CCTV ang peg nila kong makatingin sa amin akala mo naman isa kaming gem. May pa naka naka pa silang tingin na animoka  kinikilig.

Kinalibutan naman ako ng bahagya sa mga tingin na pinupukol nila sa amin...


" Mabuti at narito na kayo my Son at saiyo Heneral Cleo, owww umopo ka narin Timo at saluhan kami." Masayang sabi ng mahal na hari na akala mo kanina hindi siya badtrip kaka hintay sa amin. Naku naku ...ang bilis mag shift ng emosyon eh...





"Nga pala Heneral Cleo, nais kong pumunta ka mamaya sa campo ng hukbo at kunin mo ang iyong uniporme kay Ex General Jacinto." Biglang napaisip naman ako sa sinabi ng mahal na hari. Ex general Jacinto talaga? Parang may katunog eh.. diko lang ma pin point..

"Masusunod mahal na hari". Bigay galang kong sabi .

Nakatingin pa sa akin ang mahal na prinsepe parang may gustong sabihin.. makiki singit na naman to sa usapan.

"Isama mo pala Heneral si Timo dahil alam niya kong saan ang Campo, baka ikaw ay maligaw mas mabuti nang may kasama ka." Pahabol pang sabi ng Mahal na Hari. Ang sarap barahin na haler?! Im too old na kaya to handle myself, kaso wag na nga lang baka kong ano ba sabihin niyan sakin.



"Masusunod mahal na hari, salamat po sa tiwala niyo at makakaasa po kayo na pagsisilbihan ko ang Heneral sa makakaya ko." Ay! Ang taray naman ni Timo may pa ganong salita pa. Grabe naman may pa ibubuwis pa ang buhay ah.. feeling naman Hestia.




Hindi narin umimik pa ang mahal na prinsepe na siyang pinagpapasalamat ko. Mas mabuting hindi na siya sumingit pa sa usapan at baka lumala lang..

Hanggang sa natapos kaming mag almusal at agaran kaming nagpaalam sa mahal na hari at prinsepe.

Matiim naman akong tiningnan ng mahal na prinsepe na parang sinasabi niyang bilisan mong bumalik". Ang taray..



.............






"Heneral Cleo, malapit na po tayo sa campo". Basag na sabi ni Timo. Halos sa byahe kasi ay hindi kami nagkikibuan. Aba nakaka ilang din kaya ano yan feeling close lang?. Akala niya bati pa kami. Tsk naalala ko ang pagtutok ng sandata niya sa akin sa forest . Kaloka


"Ahmm Timo , ano po pala ang kailangan kong itawag sa iyo? Nakakahiya naman kong i address lang kita sa first name mo?." Sinubukan kong itanong yan sa kaniya. At ang isang ito naka nganga lang habang tumigil saglit sa paglalakad. Napano to?


"Addrenss? Ano ho Heneral?". Naguguluhan niyang tanong sa akin. Na siyang nagparelize sa akin na medyo lang hindi pala sila updated sa wikang engles.. aissst



"Ahmm ang gusto kong sabihin ay kong Timo lang ba ay maaari nang itawag ko ho saiyo?. Hindi ho ba kabastusan iyon?". Ulit kong sabi sa kaniya.

"Naku Heneral , kayo dapat po ang tinatawag sa estado ng inyong naabot hindi tulad ko . Dapat po ay Heneral ang itawag sa inyo at hindi basta pangaln niyo lang. Lalo na po kong mababa ang magtatawag sa inyo. At Timo lamang po Heneral ang itawag niyo sa akin. " Medyo nalito ako sa sagot ni Timo pero hayaan na nga at baka lumala pa ang usapan .. lalo na at ako lang itong taglish kong magsalita.. cant adopt...





Hindi na ako sumagot pa kay Timo dahil nakatuon na ang mata ko sa isang style kubo siya at may mga barricade na style din na siyang nagbibigay harang sa paligid. Maybe this is the camp.




"Heneral!." Nagulat ako sa mga sundalo na agarang nagbigay pugay sa pagdating ko. Naku nakaka excite naman manatili dito. Mapapaisip pa lamang akong may labanan nabubuhay agad ang dugo ko.



Hindi ko pinansin ang mga sundalo at nagderetso lang kami ni Timo na naglakad hanggang sa makarating kami sa opisina ng Ex general. Nga pala ang mga sundalo na iyon na nakahelera at hindi yan titigil sa kaka saludo sa akin hanggat hindi na nila ako nakikita. Ganon yon sa tingin ko. Ganon din kasi ang patakaran sa past life ko , maybe same here lang noh.




"Heneral, pumasok na po kayo sa loob, at hihintayin na lamang po kita dito sa labas." Bigay galang ni Timo... Hindi parin ako sanay sa  bait baitang si Timo. Kaysa sa una naming pagkikita sa gubat na akala mo ay leon.




...............................






My General Is a Lady?Where stories live. Discover now