MGIAL (18)

81 10 1
                                    

Hestia/Cleo

We are heading to the camp, well kasama ko ang mahal na prinsepe at syempre si Timo. Kong tinatanong niyo ang nangyari noong nakalipas na araw nakaka inis lang talaga at ayuko ng maalala pa.


Matapos ang isang linggong pag ibig esti ang pagkaka buryo ko sa palasyo ay sa wakas heto na kami sa Camp. Mag tatraining kasi kami ng ibang mga sundalo na sasabak sa digmaan. Naiihi ako kapag kinakabahan hindi kasi ito basta basta training kumbaga you need to act like it was already happening. Ah basta kailangan maging handa.


Kinukulit narin kasi ako ng Major General Bruton na pumunta dito sa camp dahil narin sa training na gagawin at may ipapakilala din daw sa akin na dalawa pang higher ranks. So dahil nga Heneral tayo kailangan ang presence ko. Mabuti na lamang at natapos kona ang ginawa kong mga armas, sa ngayon secret na muna hindi pa naman nasa due date para ibunyag. Kukunin ko pa nga next week ang pinapagawa kong guns ki manong. Pag naiisip ko yan naiexcite na naman ang kalamnan ko.




"Heneral, bumaba na po kayo at kayo na lamang ang hinihintay". Ngising sabi ni Timo. Medyo napakunot naman ang noo ko at tiningnan ang paligid. Tunay ngang naghihintay na sa akin sa labas ang mahal na prinsepe. Napahaba kasi ang pagiisip ko kaya hindi kona namalayan na andirito na pala kami sa camp. Tinaasan ko muna ng kilay ko si Timo at lumabas na. Naiirita din ako sa isang ito eh.. masyadong malisyoso.



Pagkababa ko ng karwahe ay naka linya na sa labas ang ibang higher ranks kasama sympre ang spy. Hindi kona muna siya ibubunyag sa ngayon plus may dalawa ding binata na baguhan sa paningin ko maybe ito ang sinasabi sa sulat ni Major General Bruton na ipapakilala niya.




Hindi ako lumapit ng bahagya sa mahal na prinsepe at baka pagisipan na naman kami ni Timo. Kakaiba pa naman itong isang ito mag isip kikilabutan ka.



"Heneral, mabuti at maayos kayong nakarating". Napataas ang kilay ko sa sinabi nitong si LG magsaysay. O ako lang ba ang nakapansin sa sinabi niyang mala sarcasm at mukhang hindi siya masaya na nakarating kami ng ligtas. Sarap upakan nitong LG.tsskk


"Oo naman Lt.General Magsaysay nakatulog pa nga ako ng ilang minuto sa sobrang tahimik ng byahe namin." Ngiti ko namang sagot sa kaniya.. napansin ata ng ibang higher ranks ang medyo nababalisa ng itsura nitong si LG kaya sumingit na ang corporal.


"Heneral sumunod po kayo sa amin at ang mahal na prinsepe ay naroon na, ikaw na lamang ang wala pa". Napakurap naman ako. Really? Ang bilis naman ng mahal na prinsepe? Hindi ko nga namalayan na anduroon na pala siya. Tskkk mas mabuti narin iyon iwas gulo.

Tinanguan ko narin si Corporal magno at pinauna ng mag lakad, bale pala kasama namin sa paglalakad si LG magsaysay. Grabe din ang effort niya noh? Talagang hinintay niya pa ako tsss.

.

.

.

Nang makapasok na kami sa loob ay halos napuno ang mga upuan, tumingin pa ako sa kaliwa ko at puno narin ang upuan. Saan naman ako neto pupwesto.?

"Heneral dito ka po umupo". Tiningnan ko si Timo sa inoffer niyang upuan ko raw, nananadya ata ang isang ito noh? At dahil ayoko ng makakuha pa ng attensyon kaya umupo na lamang ako sa tabi ng mahal na prinsepe. Yes sa tabi talaga ng mahal na prinsepe, ang sarap ngang kutusan nitong si Timo na nagawa pa akong ngisian. Baliw!


"Magandang araw sa ating lahat at ngayon ngayon lamang tayo nakumpleto ng ganito at masaya ang lahat dahil narin sa makakasama narin natin sa unang pagkakataon ang mahal na prinsepe". Pagkasabi niyan ni Lt.G magsaysay ay nagsi palakpakan naman ang mga taong narito sa loob pagbibigay respeto narin sa mahal na prinsepe.

My General Is a Lady?Where stories live. Discover now