chap 3

3 0 0
                                    

O Z I E L

"Hoy, Oziel! Aloy! Bat para kayong nakakita ng multo riyan? alam naman namin na magaganda yung pumasok pero ang oa? may pa nganga effect?" Walang hiyang pukaw ni Echo sa amin ni Aloy na nakatulala rin pala

Napalunok ako at tiningnan ulit ang gawi ni Eagle girl pero imbes na mukha niya ang maaninag ko ay ang pangit na pagmumukha ni Mace ang nasa harapan ko ngayon kaya walang preno ko itong sinampal

Napadaing sa sakit si gaga at sinamaan ako ng tingin.

"Potangina naman Oziel! My fucking face! my pretty angelic face—"

"Beh, Mace, Tanginaka isa ka ring oa" Sinapak pa ito ni Echo sa noo kaya natawa kami

Nagddrama kasi, eh ang hina lang nung sampal ko, kung tinutuo ko yon ay baka kanina pa nakalibing yang pisngi niya sa makapal niyang pagmumukha

"Pero seryoso, the both of you know them?" Aeemon asked at tinitingnan din ang gawi ng sampung babaeng kakarating lang

Yes, sampu rin silang nandito at kasama na ron si Eagle girl

"Nakita ko si Cat lady sa garden Kitten's purr" Sagot ni Aloy at nguso sa babaeng tumatawa ngayon

She's gorgeous, lahat sila, grabeng biyaya yan Lord. Kaya pala ang pangit nitong mga kasama mo kasi don mo binugwas sa sampung dyosa

Nakasuot ng White top, denim mini skirt, black leather blazer, black boots, at black bag ang tinutukoy ni Aloy. Bagay na bagay dito dahil mas lalong kuminang ang rosy skin nito

"I also met her sa Eagle's Nest, hinahanap ang alaga niyang agila" Sagot ko at tiningnan ang babaeng kanina pa bumabagabang sa aking isipan, agad naman nilang tiningnan yung babae

She's smiling, full of elegance and gracefulness. She's wearing a different outfit right now, she's wearing a white top, showing her healthy cleavage. Hindi ko sinilip, dinidescribe ko lang. It's paired with a not so fitted jeans, and a white luxury bag

Kanina black tapos ngayon white, halatang yayamanin. Nangyan nakakahiya naman sa akin na palamunin

Pero ang ganda kahit ang simple lang nung isinuot niya

"Hanep, sana pala sumama ako sainyo kanina" Manghang sabi ni Clegane at huminga ng malalim

Halos lahat kami ay nakatutok sakanila at nakaramdam ata sila kaya sabay sabay silang lumingon sa gawi namin at halos nakalampag ang mesa sa bilis naming paglihis ng tingin

"Tangina wag kayo tumingin!" Bulong na sigaw ni Aloy

"Eh gago di ko mapigilan!" Sagot ni Mace at akmang sisilip pero sinapak ko ulit ang pisngi niya

"Sabing wag ka tumingin don!" Para kaming baliw dito sumisigaw pero pabulong

"Bat ka nananapak?! baliw ka ba?!"

"Wag ka kasi lumingon, Mace! Tangina ka rin eh! teluk mo!" Sabat ni Aeemon at parang na estatwa na siya sa inuupuan niya at eyeballs nalang ang pinapagalaw

"Shhh!! i think they can hear us!" Clegane hushed

"Wag kasi kayo sigaw nang sigaw tangina!" Awat ni Echo pero siya rin sumisigaw na pabulong

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The wings of Aerys - Unalive : series one Where stories live. Discover now