Chapter 7

166 15 4
                                    


SHIANN

"Ollie, I met a guy."

Hinintay ko ang sasabihin ni Ollie sa kabilang linya. He chuckled before speaking.

"Another suitor? 'Tapos hindi mo naman sasagutin? My God, Shiann! Isang buwan na lang, graduate na tayo. Mag-jowa ka naman na bago man lang tayo grumaduate!"

Bahagya akong ngumuso at nagbaba ng tingin sa suot kong sapatos.

"I don't know if he's courting me . . ."

"Huh? What do you mean?"

I sighed. I don't know how would I explain it to him. Ilang beses na akong hindi nakakasama kay Ollie sa tuwing nag-aaya siyang lumabas kami or mag-shopping. Ang palagi kong dahilan, busy ako. Pero ang totoo, madalas kong kasama si Felip.

"I think he's interested in me, but you know . . . I don't know. Hindi niya naman sinasabi na gusto niya ako. He's years older than me so baka hindi niya ako type."

"Where did you meet him?"

"Doon sa house party na pinuntahan natin months ago. Kaibigan siya ng kuya n'ong may birthday."

Nag-angat ako ng tingin at awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko na ang sasakyan ni Felip na papalapit.

"I need to go, Ollie. I'll just call you again later."

"But--" Hindi ko na siya nahintay pang sumagot dahil pinutol ko na ang tawag nang huminto sa harap ko ang sasakyan ni Felip.

Tumayo ako mula sa bench na kinauupuan ko dito sa parking lot ng school. Nginitian ko si Felip nang buksan ko ang shotgun seat.

"Hello!" I greeted.

He smiled. Nang pumasok ako sa loob ng sasakyan ay nagbaba siya ng tingin sa suot ko. I have two major subjects on Saturday and we're allowed to wear casual clothes during weekend. Right now, I was wearing a baby pink denim skirt and a square neck fitted white shirt. I matched it with chunky heel white sandals.

"How's your classes for today?" he asked as he started driving.

"We had a short quiz sa isang subject ko. Sa isa naman, nag-discuss lang nang kaunti ang prof."

Tumango siya. Maliit akong napangiti nang muling tumingin sa kaniya. He always does this; asking me how my day went. It really wasn't a big deal, but I appreciate it. I find it sweet and thoughtful. Wala pa sa mga nanligaw sa akin ang nakagawa nito na araw-araw kinakamusta ang naging araw ko.

"Are you sure we'll have dinner in my house? Madaming restaurant na puwede nating kainan," aniya.

"It's only 4 PM. Too early for a dinner kung pupunta agad tayong restaurant. Doon muna tayo sa condo mo hanggang sa mag-dinner."

Tiningnan niya ako. I could notice the smirk he was hiding. Pinaningkitan niya pa ako ng mga mata na para bang may iba akong binabalak.

"Nagpaalam ka ba sa mommy mo?"

I pouted a little and rolled my eyes. "I'm not a kid! Not even a teenager anymore."

He sighed. "Shiann, you're still living with your mom and stepdad. Hangga't nandoon ka, syempre dapat magpapaalam ka pa rin kung saan ka nagpupunta."

"I told her we'll have dinner."

"In my condo?"

Natahimik ako doon. Hindi ko nga naman sinabi na sa condo ako ni Felip pupunta. Ang sabi ko lang, magdi-dinner kami. Ang unang iisipin n'on, dinner sa labas.

Shelter in Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon