DREW POV
Sa dalawang taon kong paninirahan sa syudad ay masasabi ko na sobrang miss ko na ang mamuhay dito sa aming probinsya.at sa dalawang taon na Yun masasabi Kung nabibilang ko pa ang pag-uwi dito dahil kadalasan ang mga magulang ko ang bumibisita sa akin.
Sumakay ako ng tricycle papunta sa bahay namin mga sampung minuto Lang ay mararating mo na ang bahay namin pagkatapos Kong ibigay ang pamasahe ko sa driver ay bumaba na ako at tinanaw ang Kabuuan ng bahay namin hindi ko alam Kung ano ang nararamdaman ko pero ng makita ko si mama ay parang nawala Yung pagod sa pag byahe ko.
"Ma".tawag ko sa kanya pagkapasok ko sa bahay bakas ang pagkagulat sa itsura niya ng makabawi ay agad siyang tumakbo sa pwesto ko at yinakap."Anak".parang umiiyak niyang sabi."Wag po kayong umiyak Ma,dahil pumapangit kayo".biro Kung sabi sa kanya bago kumalas sa pag akap sa akin habang maluha-luhang tiningnan ako.
"Mabuti at umuwi ka anak dahil sobrang miss kana namin ng lola mo".aniya."Ma,Yung reaction niyo po parang ilang taon tayong hindi nagkita eh,noong unang buwan Ay binisita ninyo ako sa syudad".natatawa Kung sabi sa kanya."Hay naku anak wag ka ngang kj nag eemote ako eh tapos sinira mo".natatawa niyang ani Kaya napatawa na rin ako.
"Asan si lola ma?".tanong ko sakanya habang hinuhubad ang sapatos ko."Nandon sa manggahan,uuwi na rin Yun dahil kaninang Umaga pa Yun sa bukid".sagot niya habang nagtitimpla ng kape sa kusina.
"Kape ka na muna,Para maibsan Yung pagod mo dahil sa byahe".alok niya sa akin bago ilinagay sa lamesita na nasa harapan ko."naku,magugulat talaga ang lola mo ngayon pag nakita ka niya".Nakangiti niyang sabi bago umupo sa katapat Kung sofa at hinigop ang kape niya.
Bago paman niya malapag ang kape niya ay may narinig kaming sasakyan na huminto sa labas ng gate.
"Mukhang andiyan na sila".ani ni mama bago marinig ang sigaw na utos ni lola sa labas."Jolina!maghanda ka nang kape at tinapay dahil andito ang mga trabahante natin Sa manggahan".sigaw ni lola sa labas dahilan Para mapatingin si mama sa akin at tumayo,tiningnan muna ni mama Kung Ilang tao ang nasa labas bago sumagot Kay lola."Opo,Ma".pumunta si mama sa kusina Kaya tumayo ako sa pag-kakaupo at lumabas sa bahay Para gulatin si lola.
"Bago kayo umuwi magkape muna tayo".sabi ni lola habang tiningnan ang mga trabahador na dinidiskarga ang mga mangga sa sasakyan na kinargahan Nila.
"Ang busy naman ng lola ko".sabi ko sa kanya dahilan Para mapalingon siya sa akin. kita ko Kung paano sumilay ang Saya sa mukha niya ng mapatingin siya sa akin Kaya linapitan ko siya at yinakap.
"Ikaw na bata ka bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka?".tanong niya sa akin bago kumalas sa yakapan namin."Syempre,gusto ko kayong gulatin".sabi ko sakanya na natatawa dahilan Kung bakit niya kinurot ang tagiliran ko Kaya napa aray ako."la naman".daing Kong sabi sakanya.
"Drew,tulungan mo akong ipamigay ang mga kape!".tawag ni mama sa akin habang may bitbit na tray ng kape."Opo ma".sagot ko sakanya bago pumasok sa bahay at pumunta sa kusina Para kunin ang isa pang tray ng kape at lumabas at Para ipamigay ang mga kape.
"Naku Celia, Binata na Pala itong apo mo".sabi ng ma ma ng binigyan ko nang kape at nagpasalamat.
"Ay,Oo nga Mario eh hindi na talaga natin namamalayan ang panahon at ang Dali nang lumaki ng mga bata ngayon".rinig Kung sagot ni lola sa Ma Ma na si Mang Mario Pala ang pangalan.Kaya napangiti ako bago lumapit Kay mama na kakatapos Lang ipamigay ang mga tinapay.