DREW POV
Ilang araw na simula nang Maka balik ako sa trabaho at hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita si Katrina.
Hindi ko alam kung ano itong aking nararamdaman dahil simula nang mag leave ako ay hindi ko na siya nakita siguro guilty lang ito dahil hindi ko siya sinabihan na mawawala muna ako ng ilang araw.Tapos ko ng asikasuhin ang requirements ko para sa pasokan uli kaya hindi ko masisiguro na magkikita pa nga kami dahil kapag malaman ko na ang sched ko ay ibibigay ko ito sa manager namin tapos siya na ang bahala kong paano niya ikasya ang Oras ko sa trabaho.
"Hi,Drew".napahinto ako sa paglalakad dahil sa boses na iyon kaya napalingon agad ako sa likuran ko kaya hindi ko mapigilan na magulat.
Hindi ko inakala na kahit hindi ko siya na sabihan na mawawala muna ako ay makikita ko nanaman ang itsura niyang palaging may nakapaskil na ngiti na para bang ang Saya niyang tao at para bang wala siyang naging tampo sa akin.
"Hello,kamusta?".parang lutang kong sagot sa kaniya.
"HaHaHa,Umaapaw na ba ang ganda ko Drew?".
Natatawa niyang sabi Kaya na pa "ha?" Ako."Wala,sabi ko asan yung akin?".natatawa niyang sabi.
Dahilan kong bakit napa huh uli ako."Naku,naku wag kang masyadong mainlab sa akin kong ayaw mong malasap ang tamis na taglay ng pagmamahal ko".sabi niya uli kaya parang nahimasmasan ako bigla dahil sa sinabi niya.
"Natulala lang ako pero hindi ako inlab".bawi ko kaya na tahimik siya pero may naka paskil parin nangiti sa labi niya at ngumuso.
"Oo na hindi kana inlab pero yung akin asan na?".tanong niya kaya napakamot ako sa ulo ko dahil hindi ko gets ang sinasabi niyang akin.
"Anong akin?".tanong ko sakanya dahilan kong bakit siya napailing.
"Ako".tawa tawa niyang sagot kaya napa buntong hininga nalang ako ng makita niyang parang wala talaga akong alam sa ibig niyang sabihin ay napatikhim siya.
"Sabi ni Arch may pasalubong ka daw sa akin".
"Ah,Oo".
Sagot ko sakanya kaya napalingon ako sa mga establisyemento na nasa paligid namin dahil hanggang nagyon ay nakatayo parin kami dito sa sidewalk ng kalsada mula ng tinawag niya ako kanina.
At ibinalik ko uli ang tingin sa kanya."Gusto mo bang pumasok?".tanong ko sakanya na ipinapahiwatig ang kapehan sa kabilang panig ng kalsada.
"Ikaw bahala".sagot niya kaya tumango Lang ako at nagsimula ng maglakad patungo doon.
Pagkatapos kong sabihin ang mga Order namin ay naging tahimik ang lamesa namin na para bang tinitimbang ang atmospera na nakapaligid ngayon sa amin.
"Ahm,Pasensya pala ah kasi hindi ko sinabi sayo na mawawala muna ako ng ilang araw" basag ko sakatahimikan dahilan kong bakit napatingin siya sa akin dahil nasa labas ng kapehan ang tingin niya.
"Ah,bakit ka nanghihingi ng Pasensya eh,wala namang tayo" natatawa niyang sabi kaya napakamot ako sa ulo ko.
"Pero,totoo wala kang kailangan ihingi ng pasensiya sa akin Drew kasi hindi mo naman kailangan" seryuso niyang sabi na may ngiti.
"Pero piling ko kasi mali dahil kaibigan kita".sabi ko kaya napailing nalang siya.
"Yeah,kaibigan".kibit balikat niyang sabi na para bang na gets niya ang ibig kong sabihin.
"Here's your order sir,ma'am".basag sa katahimikan na sabi ng server kaya napa angat ako ng tingin dito at tiningnan si Katrina na ngumiti sa server kaya ngumiti din ako sa server bago siya umalis para asikasuhin ang iba pang customer.
"Hmm,ang sarap talaga ng kape dito".aniya kaya napatango din ako dahil tama siya.
"Pumupunta ka dito?".tanong ko
"Oo,minsan".
maikli niyang sagot kaya napatango ako at ilinibot ang tingin sa kabuon ng kapehan,maganda ang istilo at maganda ang theme dahil bumagay sa kulay nito na parang vintage.
"So yung akin asa na nga?".tanong niya bago ilinapag ang kape niya.
"Ahm,nakalimutan Kong dalhin naiwan ko sa locker sa resto."paliwanag ko sa kanya Kaya tumango siya.
"Pero bukas kong may gig ka ibibigay ko sayo."suhestiyon ko sakanya.
"Titingnan ko kong mag gi-gig ako sa resto."aniya kaya tumango ako.
Mukhang inaantok na siya dahil bigla siyang napa hikab kaya napa-sorry siya Kaya ngumiti lang ako bilang sagot na "Ok" lang.
Mag hahating gabi na rin kasi Kaya napag desisyonan kong umuwi na kami.
"Gusto mo bang ihatid kita?."tanong ko sakanya dahilan kong bakit parang nabigla siya.
"Naku,ang ganda sana ng suggestion mo kaso hindi pwede dahil ang layo ng tinitirhan ko malayo sa Ruta ng daan mo Drew,kaya salamat nalang baka sa susunod kong pwede pa haha."mahabang paliwanag niya kaya tumango nalang ako.
Pagkalabas namin sa kapehan ay naghintay kami ng masasakyan niya pauwi at nang makasakay na siya ay
bago pa lang ako pumara ng taxi para makauwi na din dahil wala nang jeep na dumadaan.