3

15 3 2
                                    

DATE!?

Date ba 'to!?

How dare him call this night a date?

"Babe? Bakit para ka namang galit na galit sa burger mo?" tanong ni Lukas.

Paggalit ko rin kasing kinakagat at ningunguya ang burger. 

Galit ako. 

Galit na galit.

Sabi kasi date, e hindi naman ito date.

Naiinis ako. Bakit kasama si Sean? I want Lukas all by myself pero bakit kailangang isama si Sean? I dressed well. I put my make up on. Nagperfume pa ako sa lahat ng body parts ko. Tapos, may kasama pala siya? Without even telling me that Sean will be with us? Ano na naman kayang paandar ito? Ano na naman kaya ang gagawin nilang dalawa?

That night during the first challenge, I felt na may kakaiba kaya sinundan ko si Lukas and only to find out na sasali pala talaga siya sa Achilles Guild na yun. Wala akong tiwala sa mga girls na kasali sa guild kasi sa gwapo at tindig ng Lukas ko ay mabibighani talaga sila kaya nararapat lang na bantayan ko siya. And the only way to keep my eyes on Lukas is to join the Achilles GUild as well. Kahit na muntik na akong mamatay sa ranchong baboy nayun. Nang naisip ko ang baboy at yung mga uod, bigla akong nasuka at nailuwa ang kinakain ko na burger.

"Babe?" natataranta naman si Lukas, "Juice o," sabay bigay niya sa akin at agad ko itong ininom. Bottom's up. Naubos ko agad, "Ahhhh!" malakas kong inilapag ang baso sa mesa.

"Babe?" pag-aalala ni Lukas, "Are you okay? Nireregla ka ba ngayon?"

Mas lalo akong nagalit. What kind of question is that!? Sa harap pa talaga ni Sean!?

 Kumunot ang noo ko at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.

"Babe? Gusto mo ba ng avocado shake..?" mahina na niyang tanong kasi alam niyang galit na galit na galit na galit na ako sa kanya. Kahit na hindi pa man ako nakakasagot ay dali-dali siyang tumayo, "Babe, oorder muna ako ha," ambilis rin niyang umiwas sa mga mata ko. Dali-dali isyang pumunta sa counter.

"I'm sorry," sinserong paghingi nang patawad ni Sean sa akin, "Kung alam ko lang na hindi ka nainform ni Lukas na nandito ako, sana di na lang ako pumunta."

Mamula-mula ang pisngi ni Sean. Yung bangs niya ay medyo nakatabon sa mga mata nito. Never ko pang nakita ang buong mukha nito kasi palagi itong nakayuko at yung bangs niya tinatago yung mga mata niya. Makinis ang balat nito at walang pores ang mukha. 

"Bakla ka ba?" deretsahan kong tanong. Di ko naman alam na close sila ni Lukas. Nagulat nga ako kung bakit kasama niya ito ngayon. 

"I'm sorry, pero straight ako."

Tinitigan ko siya nang seryoso. "Alisin mo nga yang bangs mo."

Mas yumuko pa tuloy ito. 

What the heck!?

"Sean," tawag ko sa kanya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tumabi sa kanya. Tapos hinawakan ko yung baba niya at itinaas ito at inalis yung bangs. 

Wow. 

Holy molly.

Oh la la.

Ang pogi rin pala ni Sean pero nangangayayat nga lang at medyo maputla rin ito. 

Nagkatitigan kami saglit, tapos umiwas na siya nang tingin sa akin.

Hindi na rin lang siya pumalag at hinayaan akong icheck yung mukha niya. Left. Right. Taas. Baba. "Okay ka naman. Pogi ka rin pala."

"Babe! Ano ba yan!?" biglang saway sa akin ni Lukas. "Ang bastos mo, babe! Leave him alone!" 

Ngumiwi ako at binitawan si Sean. Nakahinga na rin siya sa wakas. Inayos ni Sean ang bangs niya.

Kinuha ko ang avocado shake at sinipsip yun gamit ang straw habang ang mga mata ko ay palipat-lipat nang tingin kina Sean at Lukas.

"Mag-ex ba kayo?" Malaki ang pagdududa ko.

Nagulat naman silang dalawa.

"Babe, yung bunganga mo, parang kanal na naman," pasimpleng sabi ni Lukas, "Ano ka ba? Nakakahiya ka." Aabutin niya sana ang kamay ko sa mesa pero inalis ko ito bago pa niya ako mahawakan.

Tumigil ako sa pagsipsip sa straw. "So, bakit bigla-bigla na lang naging close kayo?" nakataas ang isa kong kilay. Ano ba ang dapat kong isipin? Threatened ako bigla. Ang gwapo ni Sean. Baka nagkakagusto na si Lukas sa kanya.

"Babe, sorry. Di ko ba naikwento na childhood friend ko si Sean? We're like brothers. Kaso nung naghighshool, iba na kami ng section kaya naging iba na rin ang circle of friends namin. Ngayon, gusto ko lang na ibalik sa dati yung samahan namin."

Nanliit ang mga mata ko. Kadudaduda.

"Totoo ang sinasabi ni, Lukas. We're just friends. We were neighbors back then, tapos lumipat kami ng subdivision  then high school came, kaya nawala yung connection kasi I am well-focused on academics while Lukas is doing his athletics," casual na nagsalit si Sean, "Sorry talaga, Aya kung nainvade ko yung private date niyo sana ni Lukas."

Sinapak ni Lukas ang ulo ni Sean, "Aray!"

"Ba't ka ba nagsosorry? Okay lang naman yan kay babe, di ba babe?" may pacute-cute pang ngiti si Lukas sa akin. Bwesit. Hindi ko mapigilang kiligin.

Lukas Montes is one of the hottest guys in school. Maraming gays and girls na humahanga sa kanya kaya I cannot keep my walls down. Ayokong may kahati. Akin lang si Lukas. Kahit gay pa yan or straight kakalabanin ko yan lahat. Akin lang si Lukas. Kaya kahit na sinabi kong hindi na ako tutuloy sa pagsali sa Achilles Guild ay sasali pa rin ako just as long as sasali pa si Lukas kasi nababahala ako kung anong gawin ng mga babaeng members ng guild kay Lukas.

I cannot bear it.

Andami ko na kayang naririnig about sa mga fraterneties na may ginagawang something... like having sex with the newbies. Virgin pa ang Lukas ko. Pangako namin na after sa kasal namin gagawin yun. Di pwedeng yung mga bruhang members ng guild ang gagawa ng ganun sa Lukas ko. Lukas is mine. 

No matter what, I will do anything and everything just to make sure that Lukas is safe.










Achilles GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon