Chapter 3

121 58 15
                                    

Alpha

Naging mahirap sa akin ang pakikipaglaban. I was outnumbered by the vigor and briskness of both the gate’s guards and the assassins. Naramdaman ko ang panghihina noong may ginamit silang bagay sa batok ko. Parang balewala lang ang pinaghirapan kong pagsasanay sa pagkakataong iyon.

Hindi na ako nagkaroon ng tiyansang tingnan ang nakaukit sa likod ng liwanag nang piringan nila ang mata ko.

“Patawad, Beta. Subalit nanlaban siya.”

Naramdaman kong may humawak sa braso ko.

Bakit nanghihingi pa ito ng kapatawaran?

I was confused when I didn’t feel the pain at all. Kahit noong pagdating ko rito kanina. Is this a new discovered power?

“I see. This is a tough one. Bring her to the restriction cell.”

I can only see nothing but darkness. The noise of our shoes stepping on the marble floor is the one breaking the silence of the place. Naramdaman ko ang baitang na hinahakbangan pababa.

Hagdanan? Saan nila ako dadalhin?

Hinatid nila ako sa isang kulungan. Hindi ko alam kung sinong nagtanggal ng piring ko sa mata subalit nang magmulat ako ay wala na ito.

Hindi ko pinag-isipan mabuti ang aking naging hakbang. Minaliit ko ang kakayahan ng mga sangay nila na sobrang pinagsisisihan ko.

Nakatingin ako sa aking mga kamay. I can feel that my power is exceeding. Nararamdaman ko rin na kayang-kaya kong sirain ang mga bakal sa aking harapan. I’m confused. Is this because I am in a place where I belong?

Napabuntong-hininga ako at napasandal sa pader.

Tumatakbo sa isip ko ang maaaring mangyari sa akin sa lugar na ito. Either I will be punished or I will live for the rest of my life here. This is not bad after all. Total, sa palagay ko, nandito na ako sa lugar na nais puntahan.

Psst.”

Naalipungatan ako nang marinig ang ingay. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Noong una, akala ko ay guni-guni lang.

Babae! Gumising ka!

Kunot-noong hinahanap ko ang tumawag. Nakita ko ang isang nakangising lalake na katulad ko ay nakakulong sa kabilang selda.

“Ako ba ang kausap mo?” Dahan-dahan akong umupo at maayos siyang hinarap.

Suot ko pa rin ang cloak. Ito ang nagsisilbing pantakip sa kabuuan ng aking wangis. Hindi ko sila pinahintulutan na tanggalin ito na alam kong kaya nilang gawin, subalit hinayaan na lang nila ako.

Parang tuta ito kung tumingin sa akin. Dikit ang mga kilay at dilat ang mga mata. Nakanguso na parang kambing.

“Anong nilabag mo? Bakit parang tagapag-aliw ka sa entablado? Did you break some things during the performance?” sunod-sunod na tanong nito.

Nakasuot ito ng pormal na attire. Maayos ang pagkakaporma ng buhok. Makinis at malinis ang kutis.

“Sino ka?”

Shades of DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon