Chapter 4

89 40 9
                                    

 Shadow Protector

Bumungad sa akin ang maliwanag na chandelier paglabas namin sa kulungan. I was right. The dungeon, or restriction cell, is located underground in the palace. Tama nga iyong hula ko na hagdanan ang nadaan ko noong unang pagtapak ko sa lugar na ito. Isang mahabang hagdanan pababa. 
 

Nasa malaking parte na kami ng palasyo na kung saan makikita ang iba’t-ibang ubra ng paintings. There’s an abstract, and some were contemporary and classical arts which is located above the light ceramic electroplated gold vases which contains chrysanthemums.
 

Nakita ko rin ang isang mahabang hagdanan pataas. Marami paintings na nakasabit doon—matatanda, bata, at gayun din ang lalaking nasa harap ko ngayon. Napansin ko na ang iba sa mga obra ay tila pinaglumaan na ng panahon, siguro larawan ito ng mga ninuno nila.
 

Ka-ano-ano niya kaya ang Alpha? Sa pagkakaalam ko, rito siya sa palasyo namamalagi.
 

The staircase has long red carpet and a gold marble floor, while there are golden linings on each end of its durable stainless glass handrails. This family is very rich. Not richer than Goryon, I guess.
 

“Ano pala ang iyong pangalan?” Tanong ko rito.

I even forgot to ask his name because I still can’t believe that I’m currently in this kind of situation.
 

Maraming maids ang naglilinis sa mga muwebles at plorera na nadadaanan namin. Tanaw ko rin mula rito sa baba ang mga silid mula ika-lawa tungo sa ika-apat na palapag. Malawak ang plasyong ito, nakatitiyak ako na kasya rito ang isang daan ka-tao o higit pa.
 

Patuloy lamang akong nakasunod sa lalaking nasa harap.
 

I saw the dining area a meter from where we are standing, and they are currently preparing foods. Those are a lot of it. Bakit kaya may handaan? Sa dami ng pagkaing hinanda nila ay tila mayroong piging na gaganapin.
 

Napabalik ang atensyon ko sa harapan. Ngayon ko lang namalayan na papunta pala kami sa hagdanang kanina ko pa napapansin. 
 

“I’m Achilles,” he simply said, tilting his head enough to acknowledge my question.
 

May nakasalubong kaming nakasuot ng black na polo with black plants. Nang makita kung sino ang kasama ko ay bigla itong yumuko. “Ener, sabihin mo kay Matthias na siya muna ang bahala sa pagpupulong.”

Achilles stopped walking and faced the man that just arrived.
 

Nakayuko pa rin ang tinawag niyang Ener. “Masusunod, Alpha. Maaari daw na isang revenante ang nagtangka sa Mistress.”

I peek curiously from behind.

Alpha? Ito iyong Alpha?!
 

The Alpha sighed, frustratedly clicking his tongue.

“The Moroi is on their move. They are gambling with those f*ggots.”  Nakahawak ito sa matigas niyang panga na tila ay mayroong malalim na iniisip.
 

May pinag-usapan pa silang ibang bagay. But I only heard a faint echo of their conversation because I was preoccupied with one thing.

Shades of DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon