Chapter 1

140 66 65
                                    

Mistaken


Tahimik ang paligid. Tanging kaluskos ng mga hayop, huni ng ibon at pagaspas ng mga dahon ang namamayani sa buong kalupain ng inuupoan kong putol na puno. Nasira lamang ang nilalasap kong katahimikan nang nagmamadaling tumakbo si Lola patungo sa akin.

Dusa, halika rito at kailangan na nating mangabilang bayan.

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan akong kinarga. Kuryosong tingin lamang ang iginawad ko kay lola.

Limang taong gulang ako noong palipat-lipat kami ng bahay o hindi kaya ay bayan. Lingid sa kaalaman ko ang nangyayari noon.

Kapag dumating ang araw na magkamalay ka at nasa malayong lugar na ako, sana mahanap mo ang tamang daan patungo sa kapalaran mo.

Hinagkan ako ni Lola Maria noong gabing iyon-kahit hindi ko man lubusang naintindihan ang kanyang sinabi ay hinagkan ko rin siya pabalik.

Pinagpag ko ang aking suot na bestida nang makitang padilim na ang araw. Kasalukuyan kaming nakatira ni Lola Maria sa gubat dito sa bayan ng Lapu-lapu. Ito na ang pinakamatagal naming pamamalagi sa isang lugar. Marami na ring kakaibang nangyayari sa akin-katulad na lamang ng pagbilis ko sa takbo at pagkakaroon ng kakayahang makarinig at makakita ng ilang milya.

Dusa, ang papa mo ay isang Moroi at ang mama mo ay isang Dhampir,” saad ni lola simula no'ng unti-unti nang nagpapakita ang mga kakayahan ko.

Ang iyong ina ay isang kalahating bampira at kalahating mortal—ang iyong ama naman ay buong bampira,” aniya.

Isang araw nai-kuwento ni lola ang tungkol sa aking mga magulang. Alam kong nangungulila pa rin siya sa kanila, gayun din naman ako sapagkat hindi ko rin sila nasilayan man lang.

Nakikita ko sa kanyang mga mata ang labis-labis na lungkot at pagsisisi. Hindi niya naman kasalanan ang nangyari. Kasalanan ito ng mga taong makikitid ang utak at sarado ang isip.

Nalaman kong ipinagbabawal na pagmamahalan ang namagitan sa mga magulang ko at mayroong matinding kaparusahan na ipinataw sa kanila. Namulat ako nang wala sila kaya hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Lungkot, pagkadismaya o hindi kaya ay galit? Para kanino?

I tapped my head after reminiscing the past. Tumayo ako at lumabas sa tinitirhan kong kubo. Tumama sa akin ang sinag ng araw pagbukas ko ng pinto.

When I finally turned 17, I was able to hunt animals into the woods. Hunting brings joy to my well-being. It feels like a part of me that I couldn’t resist. I went back after awhile holding a slaughtered deer.

Smiling giddily, I walked straight to the house, ready to share it with my lola.

...Only to find her lifeless body on the bed.

Lola...”

I rushed on her side and checked her pulse.

There was nothing.

No...no! Lola, you can’t leave yet please...” Umiling ako.

Unti-unti at patuloy na dumadagsa ang mga luha sa aking mata.

Shades of DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon