Sing
I need to be perfect because I'm afraid of failing and I'm afraid of what other people think, lalo na sa iisipin ni mama
That's why I always sabotage myself. I always show the will and do it again to bring myself to a mastery.
"Hindi ka pupunta ng canteen?" akala ko lahat ng kaklase ko ay nakababa na at ako na lang ang tao sa room pero paglingon ko ay nakita ko si Gavin.
Breaktime namin ngayon at hindi ako bababa para pumunta sa canteen dahil wala ako baon, 20 pesos lang ang ibinigay sa akin ni mama, akala ko konti lang ibabawas niya sa baon ko.
"Hindi" sagot ko kay Gavin at binalik ko ang mata ko sa notebook ko dahil mamaya raw ay may recitation kami sa KOMPAN
"Bakit? Wala ka baon?" sinagot ko siya pero hindi ko na tinapunan ng tingin "Ayoko lang bumaba"
"Nagtitipid kana naman, siguro bibili kana naman ng pc ni Jaehyun" at umoo na lang ako para matahimik na siya pero hindi at ang isang upuan na nasa harap ko ay inupuan niya at nagsalita ulit "kung hindi lang kpop idol si Jaehyun baka sinabihan ko na yun na hindi ka kumakain dahil sa kanya" at ngumiti na lang ako sa sinabi niya
"mamaya na yan, tara punta tayo canteen, libre ko na lunch mo" nagulat ako sa sinabi niya at syempre hindi ako tumanggi kasi libre na yun kaya pumayag agad ako at sabay kami bumaba ni Gavin
We passed the ABM room and the next thing we pass is the room of the HUMSS and after we passed there there was no one and it was quiet in their hallway, mukha lahat ay nasa canteen para mag recess
Pagbaba namin ay madadaanan namin ang laboratory namin at sunod naman ay canteen na.
My eyes caught a group with someone strumming the guitar and I looked closely at that group to see if Ced was there at hindi ako nagkakamali at kasama nga sa siya roon.
"Akala ko nakasunod ka sa'kin Ely, tara na" biglang naagaw ang atensyon ko kay Gavin
"Ay sorry, sige tara" at tumuloy na kami sa canteen
Wala ng masyado tao sa canteen dahil malapit na rin pala matapos ang breaktime.
"Pili kana" sabi sa'kin ni Gavin
Bigla ako nahiya magpalibre kay Gavin dahil sa kanin at ulam na sobrang mahal. Dapat sa mga prize ng tinda dito pang student friendly pero hindi, dinaig pa namin ang trabahador na akala mo sa isang sem kami ang sinasahuran na kaya kung maka prize akala mo ginto ang ginamit sa pagluluto.
"80 pesos per one serving? 60 pesos lang 'to sa labas e" hindi ko maiwasan ireklamo sa harapan ng tindera at kay Gavin
I don't care kung marinig nila, prize discrimination kaya 'to ginagawa nila; ginagawa nila 'to dahil alam nila hindi kami makakalabas ng school kaya sa kanila kami bibili kasi sila lang yung available na pwede pagbilhan ng needs namin.
"Bumili ka na lang"
"Biscuit na lang" sabi ko dahil nakakahiya talaga
"Bakit? Mas mabubusog ka sa kanin at ulam, may beef steak, diba favorite mo yan?" Gavin's right pero ayoko pa rin
Biglang naglabas ng 500 si Gavin at inabot ito sa tindera
"Dalawang order ng steak po at isang c2 atsaka dalawang tubig" at agad na binigay ng tindera ang sinabi ni Gavin
"Hala ka, binibigyan mo talaga ako ng utang na loob" naiinis ko sabi at inabot niya na lang ang isang box na may laman steak at c2 pati ang tubig
"Saan mo gusto kumain? Dito o sa room na?"