Good Mood
"Why are you sad, baby girl?"
"Ha?" Tanong ko pabalik kay Cedric na bigla na lang sumusulpot sa harapan ko
"Ang sabi ko, bakit ka malungkot?" Ulit niya
"Ah, family problem" sagot ko at umalis na ako sa harapan niya pero nakakailang hakbang palang ako ay tinawag niya ako
"Saan ka pupunta?" Tanong niya ulit
"Kay Gavin" sagot ko saka agad na pinuntahan si Gavin. Hindi pwede malaman ni Cedric na hindi ako marunong sa math! Malaking kahihiyan para sa'kin yun. Ang pinakagusto pa naman niya ay magaling din sa math na katulad niya kaya nga nagkatuluyan sila ni Leanne e kasi magaling sa math tapos lagi pa nanalo sa mga math quiz bee at lahat ng gusto ni Cedric na kay Leanne na
"Gavin, good morning"
"This is new, ang aga mo ngayon" nagulat si Gavin atsaka tumayo sa bench na kinauupuan niya
"Bakit lagi ba siya late?" Nagulat ako nang bigla nagtanong si Cedric na nasa likod ko
Pucha, akala ko hindi na 'ko susundan nito.
"Oo par, laging late yan" sagot naman ni Gavin. Hayop 'to! Pinapahiya ako sa crush 'ko
"Bakit ka pala nandito?" Humarap sa akin si Gavin
"Ah ano" na co-concious ako sabihin kay Gavin ang kailangan ko sa kanya dahil nandito si Cedric
"Ay alam ko na bakit ka nandito, papaturo ka nga pala sa Pre Cal natin" Tanginamo, Gavin
"Ano lesson niyo sa Pre Cal?"
"Parabola par" sagot ni Gavin
"Ah, madali lang" malamang madali talaga sayo Ced kasi magaling ka pero sa'kin na may short term memory at ayaw ng math, parusa 'to sa'kin
"Alam mo yun par? 'di ba HUMSS students ka" Tanong ni Gavin
"May pinsan kasi ako STEM student din, nahihirapan din yun sa math kaya kapag wala siya maintindihan sa lesson niya, ako ang nagtuturo" lalo ako namangha kay Cedric at lalo pa nadagdagan ang paghanga ko sa kanya.
Nakakaturn on talaga yung mga lalaki marunong sa math like luluhuran
"Marunong ka pala, pwede ikaw na lang magturo kay Elysia ng lesson namin kahapon? May training pa kasi ako e" napanganga ako sa sinabi ni Gavin. Ramdam ko ang pagiging supportive ni Gavin sa'kin kaso lalo 'ko hindi maintindihan ang lesson kung si Cedric ang magtuturo sa akin dahil baka buong pagtuturo niya nakatingin lang ako sa kanya at hindi mismo sa tinuturo niya
"Sure, why not" sagot ni Cedric at nakita ko palihim na kumindat si Gavin sa'kin
Thank you, siguro
"Let's go sa library" tumango ako at sinundan siya.
Hindi ko siya sinabayan maglakad dahil alam ko maraming mata kay Cedric, siya yung artista na lagi may paparazzi kahit saan siya magpunta at lahat ng makakasama niya ay gagawan ng dating rumors
Ayoko na ma-issue sa kanya dahil ayokong lumayo siya sa'kin at mawalan kami ng interaction sa isa't isa. Saka na nila ako bigyan ng issue kapag naging boyfriend ko na 'to.
Nang makarating kami sa library ay konti palang ang mga tao. I saw my classmate, Calli na tahimik nagbabasa. Running for validictorian din ito.
"Pwede doon tayo?" Turo ko doon sa malapit sa may sulok
"Bakit doon?"
"Maingay kasi dito sa bandang gitna" pero syempre hindi totoo iyon, ayoko lang talaga makita ako ng mga fangirls niya

YOU ARE READING
Write Your Feelings
FanfictionFEELINGS SERIES #1 Rhys Cedric Arellano has been Elysia's dream man for a long time. Elysia silently admires Cedric at saksi ang kuwaderno ni Elysia kung gaano niya kagusto ang binata. Cedric never met her, but Elysia knew him very well, and when sh...