03

5 0 0
                                    

Highlights

Maaga kami pinauwi dahil wala ang teacher namin sa UCSP kaya nang-aasar na ang mga kaklase ko sa mga ABM nung madaanan namin ang hallway nila.

"Elysia, ingat ka!" Paalala sa akin ng mga iba ko kaklase bago kami maghiwalay sa main gate ng school namin

"Ingat rin kayo" sabi ko

Pagkatapos ko magpaalam sa mga kaklase ko ay saka ko kinuha ang cellphone ko at tinignan ang oras at saktong ala sais palang kaya naisipan ko pumunta muna sa SM north dahil sa totoo lang ay ayaw ko pa umuwi.

"Elysia Fortaleza" maglalakad na sana ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin pangalan

"Ano na naman Gavin?" tanong ko sabay irap

"Uuwi ka na? Sabay na tayo"

"Wag na, may pupuntahan ako" pang rereject ko

"Saan?"

"Sm north"

"Ano gagawin mo 'ron?"

"May bibilhin" sagot ko at tinalikuran siya nang muli na naman siya magtanong

"Ano?"

"Pwede ba wag ka na magtanong kasi nauubos na oras ko, baka ma traffic ako. Rush pa naman sa c5 ng ganito oras" sabi ko na may pagkairita

Ang akala ko ay hindi na siya susunod pero sumunod pa rin at sinabayan ako sa paglalakad. Hindi ko na siya pinansin, inisip ko nakamute siya kapag sa t'wing ibubuka niya na naman ang bibig niya

Ang akala ko ay hihiwalay na siya sa akin sa terminal ng FX pero hindi dahil nagbayad din siya ng pamasahe pagkatapos ko magbayad at pinigilan pa ako umupo sa gilid ng driver!

"Ako dyan sa pwesto mo" sabi ko nang makalipat ako sa likod at siya naman ay umalis sa pagkakasandal sa bintana

Tuloy pa rin sa pagdaldal si Gavin sa akin at hindi ko naman ito pinapansin pero may ilan sa kwento niya ay natatawa ako at hindi maiwasan bigyan iyon ng atensyon

Tumingin ako sa bintana at sinandal doon ang ulo ko, inaantok na ako

Maya-maya pa ay huminto na ang FX sa tapat ng SM north at saka ako bumaba.

Ang pakay ko lang talaga dito ay bumili ng stationary at kung may makita ako bago libro, bibili na rin ako

"May bibilhin ka rin ba dito?" Tanong ko kay Gavin

"Wala" sagot niya

"E bakit nandito ka?" Tanong ko

"Ayaw ko pa umuwi" sagot niya, parehas pala kami

Pagpasok namin sa sa NBS ay nakita agad ng mata ko ang mga ballpen at stabilo at agad ko ito tinungo

Gusto ko bilhin ang tig-iisa sa kanilang lahat pero wala ako pera sa ngayon kaya gagalingan ko na lang sa pagpili ng magandang ballpen at stabilo. Tinignan ko and pitaka ko kung natitira pa ba ako pera at nakita ko limang daan na lang at iniisip ko pa ang mga ambagan na meron kami sa paparating na activities.

Nakapili na ko ng 3 ballpen na nagustuhan ko at dalawa stabilo at mukhang aabot na ito sa 150. Kukunin ko na sana ang isang sticky notes kaso aabot na ito sa 200 kaya binalik ko na lang ang sticky notes sa kinalalagyan niya.

"Kulang ba pera mo? Ako na bibili niyan" rinig ko saad ni Gavin

"Wag na, nahihiya na ko. Kanina mo pa ko nililibre" sagot ko

"Hindi, okay lang" kinuha ni Gavin ang sticky notes na binitawan ko

"May bibilhin ka pa ba?" Tanong niya at naalala ko titingin din pala ako ng bago libro

Write Your FeelingsWhere stories live. Discover now