CHAPTER 1 : WELCOMEHOME

10 2 0
                                    


Pagkababa ko ng eroplano ay dumiretso ako sa kuhanan ng mga bagahe para kunin ang mga gamit ko. As expected si Tita Nelly lang ang  sumundo sa akin dito sa Airport. Wala na naman sina Mommy at Daddy ano panga bang aasahan ko sa kanila of course they’re busy, always no time for me.

Sinalubong ako ni Tita with a warm smile and open arms. She hugged me, making me feel welcome. Nang kumalas si Tita sa pagkakayakap niya ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat and there are tears forming in her eyes while looking at me.




“Dalaga kana, kamukang-kamuka mo ang mommy mo” Nakangiting sabi ni Tita.


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi ni Tita. I don’t hate my parents pero dahil sa nakasanayan ko na, na hindi nararamdaman ang presensya nila, parang alam ko nalang na may magulang ako pero hindi nage-exist basta may magulang ako.



“Sigurado akong napagod ka sa biyahe mo, halika na uuwi na tayo” Kinuha ni Tita ang maleta ko at siya na ang humila nito.



Sa backseat ng sasakyan ko napiling umupo dahil matutulog ako. Maliit din akong napangiti dahil naglagay talaga si Tita ng freshener dito sa loob ng sasakyan niya. She knows me really well na ayoko ng sadyang amoy ng sasakyan.



Nagising nalang ako ng marahan akong alugin ni Tita. Nilingon ko ang bintana at nakitang nakarating na kami. I took a deep breath before stepping out of the car. Nang makuha na ni Tita ang ibang gamit ko sa likod ng sasakyan ay naglakad na siya patungo sa pinto ng bahay. Sumunod ako habang pinapasadahan  ng tingin ang paligid.



Tahimik dito, hindi rin ganoon kalalapit ang mga bahay sa isa’t isa may mga puno rin at maraming iba’t ibang halaman kaya hindi ramdam ang matinding init. Pagpasok pa lamang namin sa loob ay kamuntikan na akong matumba nang may batang sumalubong ng yakap sa akin.



“Ate!!!” Is this Levi my younger brother? He looks so happy to see me. Ang laki na niya.



“Levi bumitaw ka muna sa Ate mo pagod siya sa biyahe” Saway ni Tita kay Levi na agad naman niyang sinunod.



“Sige Ate pahinga po ikaw ah” Ngumiti pa ito bago tumungo sa sofa at bumalik sa paglalaro niya.



“Halika Zoe ihatid na kita sa kwarto mo” Bumaling sa akin si Tita at tumango lang ako bilang sagot.


Tita Nelly was my mom’s elder sister. She’s the one who took care of me simula nung isinilang ako sa mundo. Siya na rin ang tumayong parang magulang ko dahil palaging wala sina Mommy at Daddy.



Siya yung palaging kasama ko sa family day, Holidays and even the most special day for me my birthday ayon ito sa mga ilang alaala na natatandaan ko pa.



45 na si Tita but she still look  like she’s in her 20’s. Single but not willing to mingle, 20 years ago when she had her last relationship with a man named Roger. Their relationship was almost perfect, when an unexplainable thing happened and that Roger guy suddenly disappeared, gone, vanished with no proof of existence. That is according to Tita Nelly  at simula noon hindi na siya naghanap pa ng iba. Naniniwala pa rin siya na isang  araw babalik si Roger.



“Oh Zoe iha maiwan na kita rito para makapagpahinga ka na, kung may kailangan ka nasa baba lang ang kwarto ko”



“Sige po, Salamat po” Sagot ko bago tuluyang isinara ang pinto.


Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto. Nararamdaman Kong puno ito ng mga alaala ko. Pumunta ako sa may cabinet kung saan nakalagay ang mga childhood pictures ko na ang karamihan dito ay stolen pictures.

With You From Afar (On Going)Where stories live. Discover now