Kabanata 15

32 5 1
                                    

Kabanata 15: Scared

Ilang oras kaming naka-focus sa ginagawa namin at halos 'di na kami mag-usap-usap. I painted a bleeding ballerina that is dancing in a dark room while there is someone on the door, waiting for her to step outside and reach her. It gives a melancholia vibes.

"Tapos na ako!" Masiglang sambit ni Therese. Tumakbo ito papalapit sa amin. Sumandal ito kay Reece. "Tyrese, halika na rito! Ipakita mo na rin ang gawa mo!" Sigaw pa nito.

Tanaw namin ang pagkamot ng ulo ni Tyrese na tila wala na naman itong magagawa kung hindi ang sumunod sa kakambal. Payak itong naglakad palapit sa amin habang nakatalikod ang canvas na hawak-hawak niya. Tahimik itong umupo sa tabi ko. Niyakap lang nito ang kaniyang gawa.

"Tapos na po ba ang inyo?" Baling sa amin ni Therese.

"Malapit na," sagot naman ni Reece. Napakunot ako ng noo nang tumingin ito sa akin at tinitigan ako ng ilang segundo. "Saglit na lang ito, may idadagdag lang ako." Ngumiti ito sa akin bago tinuloy ang ginagawa niya.

"Mukhang magluluto muna ako ng tanghalian natin," biro ko kay Reece na halatang nagmamadali sa ginagawa. "No pressure, Reece. Take your time." Mahina akong natawa dahil nangunot ang noo nito habang nagpipinta.

"Please," she sounded like a baby that is almost crying.

Napatitig na lang ako sa kaniya. May mga butil ng pawis na dumadaloy sa kaniyang pababa sa gilid ng pisngi niya. May mga nahuhulog din na buhok sa mukha niya. Nakakunot na ang noo nito habang nakatuon ang buong atensyon nito sa ginagawa.

Her countenance, possesses an exquisite and appealing visual quality. Her face was a masterpiece, each feature a delicate brush stroke in the portrait of her beauty. Her intrinsic beauty is further accentuated by the delicate balance of features, contributing to an overall charming and attractive appearance in observance.

"Matunaw," may halong panunukso na bulong ni Tyrese kaya napabalik ako sa wisyo. Hindi ko namalayan na masyado na pa lang halata ang pagtitig ko kay Reece. "Hindi naman halatang nagagandahan ka kay ate," dagdag pa nito bago sumilay ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi.

Ramdam ko ang pag-init ng aking mukha dahil sa sinabi niya. "H-hindi ah!" Pagtanggi ko.

"Hindi mo na kailangang tumanggi. Kitang-kita ko ang malagkit mong titig kay ate." Patuloy lang ito sa pang-aasar sa akin. "Hindi lang naman ikaw ang mahilig tumitig. Ilang beses ko na siyang nahuling nakatitig sa 'yo at kulang na lang ay ngumiti siya nang pagkalapad-lapad." Agad kong tinakpan ang bunganga nito nang humalakhak ito.

"Huwag kang maingay!" Pabulong kong suway sa kaniya. "Oo na! Nakatitig na ako sa kapatid mo." Pag-amin ko sa kaniya. Lumawak ang ngiti sa kaniyang labi nang pakawalan ko 'yon. "Sino ba namang hindi mapapatitig sa kaniya?"

I even rolled my eyes.

"Ano bang meron sa inyo?" Bigla niyang tanong. Nanlaki ang mga mata ko at halos lumabas na ang kaluluwa ko dahil sa kaba. Napatingin na rin ang dalawa sa pwesto namin ni Tyrese. Tinignan ko lang ang katabi ko at parang naghihintay pa ito ng isasagot ko. "Magkaibigan? Magkapatid?" Tanong pa nito.

"W-wala..." kinakabahang sagot ko.

Naningkit ang mga mata nitong tumingin sa akin. "Hindi ako naniniwala," sagot nito. "Sa paraan pa lang ng pagtitig niyo sa isa't isa ay iba na. Masaya rin kayo kapag magkasama na tila kayong dalawa lang ang nasa mundo. Iba rin ang pag-aalala niya noong naiwan mo kaming dalawa ni Therese. Naging iba rin ang timpla ng mukha ni ate noong nahuli niya kayong magkayakap nung anak ng nakatataas. Noong nagalit si ate, ikaw ang naging dahilan para kumalma siya. Kanina, kitang-kita ko kung paano siya mamangha sa 'yo." Pagsasalaysay nito na para bang pinagmamasdan niya ng husto ang galaw namin ng kapatid niya.

Lost in La TrevelinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon