CHAPTER 28

43 6 0
                                    



"baby!" tawag saakin ni calix mula sa taas.

"bakit?" takang tanong ko rito habang nag luluto ako ng pag kain naming dadalhin sa pag campaign.

"ayaw mag bihis ni cairo" sumbong nito saakin.

Talagang dalawang ito laging mag kaaway si cairo nag susumbong saakin na inaway siya nang dada niya at si calix nag susumbong saakin na hindi nakkinig sakanya si cairo at lagi nag babangayan itong dalawa.

"cairo anak! Mag bihis kana aalis na tayo mamaya" sabi ko rito mula sa kusina.

"okeh poh momma" sabi ni cairo at alam ko ng nag sisimangot na si calix ngayun tila nag tatampo ito.

"ako lang pwede mag pa-baby sa momma mo" rinig kong sabi nito sa anak niya.

"nyehh!" rinig kong asar ni cairo sa ama niya kaya napa tawa nalamang ako sa sa kusina.

Naririnig ko sila Ewan ko kung saan sila naka pwesto baka nasa hagdan lang silang dalawa.

"mag bihis kana mag isa mo mag papa-baby ako sa momma mo, blee" asar na sabi ni calix at naramdaman ko nalamang na may mabibigat na yapak ang parating sa kusina at naramdaman ko nalamang na may maugat at mabigat na presensya ang nakayakap saakin.

"baby, si cairo inaaway na naman ako" sumbong nito saakin.

"calix tandahan mo bata iyong nag aaway sayo at anak natin" sabi ko rito na pinipigilang tumawa.

Bwesit kasi calix bat ang cute mo!!!

"kahit na inaaway parin niya ako" naramdaman ko ang pag nguso nito mula sa leegan ko.

"sige na ayusin mo na mga dadalhin natin para sa family trip natin" sabi ko rito.

"saglit lang" hindi parin Ito humiwalay at sinubsob pa nito ang kanyang mukha sa leegan ko.

"okay." hinawakan ko ang buhok niya mula sa leegan ko at binalik ko na ang tingin sa inaayus kong pag kain namin para sa family trip.

Naramdaman ko na rin na humiwalay ang mukha ni calix at ang kanyang mga braso naka pulupot saakin bewang.

"kung hindi lang natin family trip siguro hindi na ako hihiwalay sayo mula sa pag kakasubsob dibali ng magutom basta naka yakap ako sayo " Sabi nito at iniwan ako sa kitchen at pumunta sa taas para kunin ang mga hinanda kong gamit namin para sa family trip.

Maraming bakanteng kwarto rito siguro magagamit nalamang iyon pag dumating na ang isa pa naming magiging anak. . .

Malaki kasi itong tinitirhan namin sabi ko yung saktohan lang sabi naman ni calix okay nayan para may kwarto na ang mga dosinang magiging anak namin.

Grabe talaga siya may balak na talaga akong patayin eh.

NANDITO NA NGA KAMI SA pwesto namin na pag stayan naming ng dalawang araw at sigurado akong mag enjoy ang baby cairo ko rito at sabi pa nila may malapit raw na dagat dito kaya lalakarin namin iyon para mag Beach kami.

Inayus nga namin ni calix ang malaking pag tatayuhan ng camp namin wala kaming kasama rito siguro nirentahan ito ni calix or binili.

Pero sabi niya siguradong may tao na sa beach pag pumunta kami roon at para maligo.

Kumain nga mona kaming tatlo bago kami pumunta sa beach para hindi kami magutom habang nag swimming.

Pag katapos naming kumain nag si bihis na sila calix at cairo ngayun bati na sila kasi nga tila nag enjoy silang mag ama at siguro mag kaka sundo lang sila pag ganito ang ganapan.

Inayus ko mona ang pinag kainan namin at bago pumasok sa malaking camp namin.

Nakita kong naka bihis na sila at ako nalang ang hinihintay nila.

Buti nga natapos kami ka agad ni calix na ayusin ang camp namin at tsaka maganda ang pwesto namin maganda pa ang simoy ng hangin.

Kinuha kona ang swimsuit ko na bikinis na may parang trayanggle sa ibaba niya kasi panty na iyong ibaba niya na mag ka dikit na iyon at babagay naman saakin at sinuot kona rin ang shorts na babagay rito na maiksi lang pero hindi naman sa sobrang eksi yung saktohan na babagay sa suot ko na bikinis at kulay black nga ito at red naman ang bikini ko.

Nakita kong naka tingin saakin si calix tilay naka kunot ito sa suot ko.

"bakit ganyan suot mo?" tanong nito saakin.

"may shorts naman at calix mag swimming tayo sa dagat hindi manonood lang"

"kahit na paano kung may mag bastos sayo at paano nalang kung wala ako sa tabi mo at may lumapit sayo at hinawakan ka at nakita ang kutis mo." kunot noo nitong saabi.

"calix naman. . .eh titignan lang naman ikaw naman makaka tikim tsaka kasal na tayo at may anak at hanggang ngayun nag seselos ka parin."

"gusto ako lang nakaka kita sa maganda mong katawan"

"wala kang magagawa "

nandito na nga kami sa Beach nag lalakad may naka tingin saamin na babae at lalaki rin tila yung babae pinag mamasdan si calix at yung lalaki saakin naman naka tingin.

"baby tinitignan nila ako at tinitignan ka nila" sabi nito tila na iinip na siya sa mga mata naka tingin saknaya at naka tingin saakin.

"wag mona silang pansinin "

Tumuloy nalang kami sa pag lalakad at si cairo naman nag laro ka agad sa tubig at si calix naka bantay sarado ito saakin tina hinaharangan niya ako para walang maka kita saakin.

Nasa likorad ko ito at naka yakap sa bewang kona matatakpan ang kutis ko roon.

"suotin mo tong damit ko" sabi hakmang tatanggalin niya na iyong damit niya humarap ka agad ako sakanya.

"wag makikita nila matipuno mong katawan lalo na iyong 8 packs mo" sabi ko sakanya.

"pero baby ang seselos na ako" umintig ang kanyang panga tila di na maka tiis.

"ligo nalamang tayo" sabi ko rito hinila ko na siya palapit sa kinakaroonan ni cairo.

Walang nagawa si calix ng niyaya ko itong maligo kami.

At palubog na ang araw kaya nandito nalang kami sa lupa habang naka upo at si calix nakayakap saakin habang naka upo ako sa kandungan niya si cairo naman nag lalaro pa habang pinag mamasdan namin ito.

May nakita akong nag titinda nang ice cream kaya sinabihan ko si calix na bumili siya nang ice cream at sumama naman si cairo sakanyang ama at ako nalamang na iwan rito habang pinag mamasdan sila at naka upo sa lupa.

WILD CEO X Innocent Secretary #series1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon