ian-57

7 1 0
                                    

***

Nag luto ako ng fried rice with egg saka nag prito ako ng daing na danggit. Gumawa din ako ng sawsawan suka na may bawang.

"Want coffee?" Tanong ko kay jin na nakaupo na sa dining. "Yes please.  . With sugar " Nakangiting sagot nito.

Nag timpla ako ng dalawang kape saka kumuha din ng kamatis masarap kasi yun kasama ng daing.

"Now lang ako makakakain ng dried fish!" Masiglang pag kukwento ng kaibigan ng maka upo ako.

" Talaga?! . .masarap yan . . .try mo!"Sabi ko dito habang kumukuha ng pagkain nag mamadali na rin kasi ako para maumpisan ko na ang pag luluto.

"Hmmm. . .ang sarap mo talaga mag luto !" Puri nito sa luto ko na nginitian ko lang " hmm. . .anong coffee to!?" Malakas na tanong nito.

"Instant coffee?" Patanong na sagot ko "anong klase?" Anito pa sinabi ko naman ang brand bibili daw sya next time nagustohan siguro nito talaga.

Nag madali na ako saka nag paalam kay jin na tatayo na para ma set up ko yung BBQ griller ko sa may beranda ako mag set up dun sa may labahan ko wala rin naman akong sampay. 

"Okay ako na bahala dito" Anito saka ako tumayo at ginawa na ang dapat gawin uunahin ko kasi mag ihaw. Lahat naman kasi okay na pag luluto na lang nagayat ko na rin mga ingredients na gagamitin ko sa pagluluto kaya ayus na.

Si jin na rin nag hugas ng mga pinagkainan namin mabuti marunong tinuruan daw sya ng yaya nya. Kaya nag focus muna ako sa pag iihaw, Mamaya dadating na mga kaibigan ko.

Habang nilalagay ko sa food warmer ang nalutong ihaw tumunog ang telepono, Si jin na sumagot dahil busy pa ako "Yann!. . . Andyan na daw si father!" Bulalas nito na kinagulat ko ang aga eight pa lang sabi nya before lunch.

Nag mamadaling tumungo ako sa lobby kung saan si Father iniwan ko muna si jin sa unit. "Father Agnos. ." Tawag ko sa Father saka nag Mano dito.

"Ian sorry . .napa aga ako ikaw muna uunahin ko tapos yung kabila may important lang ako gagawin.." Pag papasensya nito " Okay lang ba sayo na gawin na natin?" Dagdag pa nito sino ba ako para tumanggi diba? libre na nga aangal pa ba ako.

"Ayus lang po Father tayo na po.." Yaya ko dito na tinungo na namin ang elevator kasama ang isa nitong sakristan. Nakilala ko pala si Father nung naka tira pa ako sa tiyahin ko tapos nung nag simba ulit ako nakipag kwentohan sa akin si father saka inalok ako na ipa bless ko ang tirahan ko kahit wala daw handa.

Nag doorbell ako wala kasi akong dalang susi nasa loob naman si jin, agad naman binuksan nito saka nag bless kay Father kilala din ito pala ni jin.

Matapos makapasok Di muna pinasara ni father ang pinto sisimulan daw nya ibless ang labas ng pinto ko. Dun nga Kami nag simula habang nasa labas Kami sumilip si althea sa pinto ng mga ito.

Kinawayan ko sya na nginitian naman nya ako saka ko sinabihan ito na dito na mag lunch mamaya tumango ito saka sinabing pupunta sila. Mabilisan lang ang pag bless ni father kasi mag bless din sya ng unit sa baba.

Hindi na rin sya kakain daw kaya ginawa ko pinag balot ko sya ng cupcakes at salad ko may luto na rin naman akong BBQ kaya pinag balot ko na rin. Nag papicture Kami ni jin kay father para may memory daw ang pag bless ng unit ko.

After ni Father pala mag saboy ng Holly water nag hahagis si Jin ng barya utos yun ni Mrs Howard diko alam bakit sinunod ko na lang.

Nag mamadaling umalis na nga sila Father Di na sya nag pahatid kaya naman pinag patuloy ko na ang pag luluto ko baka mamaya nandito na rin ang mga kaibigan ko.

Halos mag alas-onse na ako natapos sa pag luluto buti nga may taga tikim ako na every time na mag titikim ito masarap ang lumalabas sa bibig nito, matapos nga mag pahinga ng ten minutes naligo na ako nag halo-halo na kasi ang amoy ko.

"Jin. . .tama na yan Kain mo. . .mamaya wala kanang gana busog kana" Sabi ko sa kaibigan ko na kumakain ng BBQ na naman,  "I can't help it eh! Masarap talaga sya " Sagot nito naputol lang ang pag uusap namin ng may tumawag sa cellphone nito si Tyler pala nasa baba na sila.

"Ako na ang baba sa lobby " Anito habang tinatapon ang stick ng BBQ,  " Oo baka pag balik ko. .  wala na pagkain" Natatawang biro ko dito na inismiran lang ako saka lumabas na.

Nag taka ako ng wala pang dalawang minuto may nag doorbell na kaya mabilis kung binuksan ang pinto Nakangiting mukha ni althea ang una kung nakita kasama nito ang dalawa pa nitong pinsan.

"Oh kayo pala! Pasok!. . Pasok" masigla kung aya sa tatlo " ang ganda ganda mo ian!" Biglang Saad ni Anne na kinatawa ko nag pasalamat na lang ako kunwari dito. Saka sila niyaya sa sala sabi ko hintayin na namin yung mga kaibigan ko saka Kami mag kainan.
Di nga ako nag kamali nang tumunog muli ang Doorbell nag mamadaling tinungo ko ang pinto saka binuksan ito.

"Yannnnnnaaaaaa!!!" Nakabibinging sigaw ni Wyatt saka niyakap ako na agad kung niyakap din pabalik grabe kala naman nito ilang taon Kami Di nag kita.

Pinapasok ko sila pero katulad ng tatlong nauna nag palit sila ng pang bahay na tsinelas kung naalala nyu si jin ang kumuha ng mga tsinelas at sapatos ko madami syang kinuha pang bahay yung tsinelas pang hotel na kulay puti

Pinakilala ko muna ang tatlo sa mga ito na nag kahiyaan pa bakit? Diko alam wala akong alam.




***

Wyatt 😍Yanna;)

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon