Alas' POV
The concept of love seems vague and unfathomable, merely another fleeting emotion humans experience. Even under the darkest circumstances, people claim to be "in love," which made me question its authenticity.
In love pa ba iyon kahit nakaka-putang ina na? Masiyadong nauulol sa pagmamahal na kahit hindi na tama kinakahumalingan pa rin. Parang ang kapatid ko na si Azrael. Inubos ang lahat sa pagmamahal kaya noong hindi pinili ay walang natira sakaniya.
But part of me was curious. I wanted to know what differentiates love from other emotions and how it persists even when everything else seems to fall apart. Parang laro-laro lang naman ang lahat.
"Lilipad na ba?" Tanong ko kay Alonzo. Ang kasamahan ko sa airforce. Matagal kong hinintay ito. Ang makalipad kami papunta sa Japan kasama ang Presidente. Sabi nila, kakaiba raw ang mga bar sa Japan at talagang mag-eenjoy kami. Isa rin iyon kung bakit ko gustong pumunta. Malaki kasi ang prebilehiyo namin.
"Colonel, saan tayo pagkatapos kay President? Hindi ba tayo puwedeng tumakas?" Tanong ni Captain Olivares.
"Ako bahala," Ngumiti ako nang mapanlarong ngiti kay Olivares. Alam na niya ang ibig-sabihin no'n.
Sa buhay hindi puwedeng trabaho lang nang trabaho. Kailangan magpaka-sarap din kaya naman matapos naming samahan sa tatlong araw ni President dito sa Osaka, Japan sa pang-apat na araw ay nakagawa ako ng paraan para makatakas. Mag a-alas siyete na ng gabi. Ang flight namin ay alas otso ng umaga, bukas.
"H'wag magpapaka-lasing." Paalala ko sa dalawang airforce na kasama ko.
"Yes, Colonel!" Sabay na sabi nila.
Alonia's POV
"Aomi, Shinki no okyakusama mo irasshaimasu. Motto hayaku! Ima sugu karera o tasuketekudasai!" (There are new customers. Faster! Assist them now!) The head of the bar said. I immediately nodded and went to the table 32. The newcomers.
"Kon'nichiwa, go chūmon wa dekimasu ka? (Hello, can I take your order?)" I greeted and asked the man who was looking at the dancefloor.
I was stopped when I saw their faces. Hindi sila mukhang Japanese, more of Asian pa rin pero hindi ko mafigure kung anong country. Filipino kaya? Ang hirap kasing idistinguish ng mga Filipino ngayon, most of them looks western or something.
"Order na," Sabi ng lalaking nasa isang gilid. Tumingin ako sa mukha ng lalaki at doon ko nakumpirmang Filipino nga.
Nagtama ang mata namin ng lalaki. Hindi pangkaraniwan ang mukha niya sa akin. His skin color was medium, not so dark but not so light. Maganda ang hubog ng mukha. Medyo makapal ang kilay, at matangos ang ilong. Madilim sa gawi nila kaya hindi ko gaanong makita ang kulay ng mata. Pero sure akong hindi siya iyong tipo ng tao na mukhang mabait.
He looked like a typical Filipino playboy or should I say... fuckboy? I maybe judging him too early pero iyong hubog palang ng katawan niya at kung paano siya bumuga ng sigarilyo habang nakatingin sa akin ay alam ko na agad na wala siyang pinagkaiba sa mga OFW na lalaki na naka-base dito sa Japan.
"Sorry, we don't speak Japanese," Sabi ng isang lalaki gamit ang matigas na ingles nito.
I nodded and smiled. "I can understand English, Sir,"
"Ayos!" Halakhak ng isa pang lalaki. "Colonel, ano'ng sa'yo? Ayaw mo atang alisin ang mata mo kay Miss" Panunukso ng isa saka sila nagtawanan.
Colonel? Are they... Wait, kaya ba ganiyan ang hubog ng katawan nila kasi mga sundalo or pulis ang mga ito sa Pilipinas?
YOU ARE READING
ALAS
Romantizm"This afternoon at 5:40 p.m., there was an ambush on Roxas Boulevard targeting the family of Colonel Alastair Ardiente of the Philippine Air Force. Tragically, Alonia Yamato-Ardiente, his wife, and their daughter, Kazuki Akim Ardiente, were killed i...