Alonia's POV
We lived so perfectly. Ang sarap ng buhay kasama siya. Ang gaan ng lahat. Despite sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko, isang uwi lang ng Colonel ay napapawi lahat ng iniisip ko. He was my strength. He was my everything. Pakiramdam ko ang payapa ng buhay ko at ang gaan-gaan ng paggising ko.
Magtatrabaho si Philip sa umaga, maghahanda ako ng breakfast at baon niya tapos ang gagawin ko sa maghapon ay maglilinis ng bahay o grocery na ayaw ni Philip na gawin ko pero hindi ako sanay na walang ginagawa kaya wala akong choice and then sa gabi uuwi siya. We make love before we eat, iyon na ang nakasanayan tuwing umuuwi siya.
Minsan, umuuwi pa 'yan may dalang mga alahas. Ang random niyang binibigay sa akin ang mga Gold or Diamond na jewelry. Hindi ko alam kung bakit pero sabi niya lang ay sa tuwing nakakakita siya ng diyamanteng kumikinang ay naalala niya ako. Kaya ang walk-in closet namin ay kung hindi mamahaling bag at sapatos ang laman ay puro mga gintong alahas. Pakiramdam ko tuloy ay First Lady ako ng Pilipinas.
"Hindi pa rin ako buntis," sabi ko kay Philip nang ipakita ko sakaniya ang pang five times na pregnancy test namin. We've been married for more than a year now, wala pa rin talaga, eh. Pero hindi naman ako pinepressure ni Philip.
"Hindi kita pinakasalan para mabuntis, Alonia. Masaya ako na tayo muna. Kung bibigyan, edi thank you. Kung hindi, okay lang. Hindi naman kawalan sa relasyon natin kung may anak tayo o wala," Mahigpit niya akong niyakap at hinalikan sa noo. "Kung para sa atin, ibibigay iyon ng Diyos, okay?"
I nodded. He never made me feel like something was missing. Aalis siya na masaya, uuwi siyang masaya. Kahit kailan, walang naging boring na araw sa amin. Nag-aaway kami sa maliliit na bagay katulad ng paglilinis ko sa buong bahay, ayaw niya nang sobra akong pagod pero mababaliw ako kapag wala akong ginagawa.
Minsan, ini-invite ako ni Autumn kapag may free time siya na mag coffee or sometimes sinasama niya ako sa check up niya sa kambal nilang anak. Kakapanganak lang niya. Hinahayaan niya rin na tumulong ako sa pag-aalaga. Ang cute ng kambal, iyong lalaki ay kamukhang-kamukha ni Azrael at iyong babae ay si Autumn naman ang kamukha.
"Hello, Tita Alonia!" Bati ni Asia nang umuwi galing school. Buhat ko ang kapatid niyang lalaki na natutulog na sa braso ko.
"Hello, Asia!" Bati ko pabalik.
Lumipas ang mga buwan at isang balita ang nakapagpabago ng buhay ko—buhay namin ni Alas. I'm pregnant. Finally! God's will. Nag leave pa si Alas sa trabaho nang dumating ang pangalawang trimester ko.
Hindi ako 'yong tipo na maraming kine-crave pero gusto ko lang palagi kong nakikita ang picture ng kapatid ko. Minsan ay aburido ako kay Philip dahil sa matapang na mukha niya. Nagdagdag na rin pala siya ng extra security, ewan ko kung bakit. Ang daming security tuwing magpapacheck-up ako.
"Ang bigat na niya," Sabi ko kay Philip nang humiga ako sa kama. 4 weeks na lang...
"Hi, Princess," Philip hugged and kissed my baby bump. "This is Daddy. 'Wag muna pasakitin ang ulo ni Mommy, ha? Don't give Mommy a hard time, please..." Kausap ni Philip sa baby bump. Naramdaman ko ang pagsipa ni Aki.
Kazuki Akim Yamato Ardiente, our only daughter. Sapat na siya sa amin. Si Philip ang unang bumuhat sakaniya. Ang unang nagpatahan at unang nagpatulog. Halos ayaw nang bitawan ni Philip ang anak. Umiyak pa ito habang tinititigan ang anak namin.
"Iba sa feeling, hano?" Sabi ko at niyakap si Philip mula sa likod. Pinapaarawan niya si Aki. "Iyong akala mo noon kontento ka na pero iba 'yong feeling."
YOU ARE READING
ALAS
Romantizm"This afternoon at 5:40 p.m., there was an ambush on Roxas Boulevard targeting the family of Colonel Alastair Ardiente of the Philippine Air Force. Tragically, Alonia Yamato-Ardiente, his wife, and their daughter, Kazuki Akim Ardiente, were killed i...