Amanda

8.4K 197 80
                                        

New Beginnings: Between the Memories

"ADA"





"Papa, remember me... Though I have to say goodbye... Remember me..."

Paulit-ulit kong pinapakinggan ang video ni Aki habang kinakantahan ako noong minsan na nagkasakit ako. Hinahaplos niya ang ulo ko. Ang asawa ko ay nasa tabi namin at masayang pinapanood kami.

"Don't let it make you cry. For even if I'm far away, I hold you in my heart..."

Patuloy lang ang pagtulo ng luha ko. At habang tumatagal ang kanta, palakas rin nang palakas ang hikbi ko.

"Remember me, Papa."

Aki... I miss you more than words can say. Papa never forgets you—not for a second. Araw-araw kang nasa puso at isip ni Papa.

Wala akong magawa, tanging pag-iyak lang. Paulit-ulit kong tinitignan ang mukha ng asawa at anak ko dahil natatakot ako na baka sa tagal ay makalimutan ko na ang mukha nila... Natatakot akong makalimutan ko sila.




_____________________________________________________________________________

AMANDA "ADA" HIDALGO



"Dra, ang itim na naman ng tae noong isang pasyente!" Bungad sa akin ni Theresa nang pumasok ako. RMT siya at siya ang pinaka-close ko dito sa hospital. Simula nang malipat ako dito sa Nueva Ecija, kabilaan na ang problema na nangyari sa akin.

I'm Dra. Amanda Hidalgo, RMT. Licensed Neurosurgeon.

Ang daming nangyari sa buhay ko bago ko makuha iyang mga titulo na iyan. Ilang beses akong nadapa. Naiyak. Nasugatan. Nabugbog. Pero hanggang ngayon parang hindi pa rin napapahinga ang katawan ko sa sakit.

I had a scandal that led me to transfer schools, causing me to delay my college education by two years. During my first attempt at the MTLE, I failed. Many medical schools rejected my application due to my background. However, I never gave up. I eventually enrolled in medical school in Baguio, took the MTLE again, and this time I passed. I completed medical school and graduated successfully. After passing the board exam, I became a licensed doctor and started my neurosurgery residency at UST Hospital. I got engaged at the age of 28 and married at 29. Got pregnant at 30. Divorce at 35.

And now, I'm a single mother of my 10-year-old son.

At the age of 40, I still felt like new. Parang walang nagbago sa buhay ko. Parang pariwara pa rin ako. Iyong buhay na walang patutunguhan.

Nagkanda-leche-leche ang buhay ko noong nalaman kong nakabuntis ng ibang babae ang asawa ko. Nawala ako sa sarili ko at parang tumigil ang mundo ko. Kaya kami nandito ng anak ko sa Nueva Ecija kasi gusto ko nang magbagong buhay.



"Hindi ka pa rin ba menopause?" Tanong ni Theresa. Inirapan ko siya. "Puwede ka pang mag-asawa at bumuo ng pamilya. Bakit ba kasi ayaw mo na?"

"May anak naman na ako," Sagot ko. Hindi ko na need ng panibagong lalaki na sisira sa buhay ko. Matanda na ako para mag-relapse.

"Asan iyong anak mo? Malayo ang loob sa'yo? Bakit kasi hindi mo hanapan ng Tatay, baka doon mo makasundo," Sabi niya na lalo kong ikina-irap. Akala mo naman palaging lalaki ang solusyon sa mga problema.

ALASMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon