Narration
Dali-dali kong niligpit ang gamit ko pagkaalis ng aming prof. Nakipag-unahan na rin ako sa mga block mates ko sa pagbaba para makapunta na kay Stella.
Sigurado akong inip na inip na ang babaeng 'yon dahil kanina pa siya naghihintay. Ang sabi ko kasi ay 12 ang labasan namin pero lintek lang 'yan, nag-overtime pa kami ng 30 mins kaya mahigit isang oras na siyang naghihintay sa akin.
Naabutan ko siyang nakaupo sa bench habang nakakunot ang noo. Badtrip na nga.
"Woy."
Tumingin naman siya sa akin at mas lalo pang nagsalubong ang kaniyang kilay.
"Mabuti naman at dumating ka pa?"
Natawa ako sa pagiging sarkastiko niya.
"Kasalanan 'yon ng prof. Nag-overtime pa siya, eh." Walang pakialam na sagot ko.
"Tara na nga, gutom na talaga ako. Libre mo ko, ha?" Aba't!
Hindi na lang ako sumagot dahil paniguradong dadaldal lang siya lalo. Masakit sa tainga ang boses niya.
Kinuha ko muna ang cellphone ko sa bulsa at chineck kung may nag-message ba.
Nakita ko namang walang notification kaya ibabalik ko na sana ngunit may punyetang humablot ng cellphone ko.
"Stella, akin na 'yan! Kapag naabutan kita tignan mo!" Tinawanan lang ako ng baliw.
Hinayaan ko na lang siyang magpipindot sa cp ko at nagpatiuna na akong maglakad. Nagugutom na rin ako.
"Ava!" Napahinto ako sa paglalakad nang tawagin niya ako.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh?"
"Nag-uusap kayo ni Theron?" Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya.
Pucha. Bakit ko ba nakalimutan 'yon?!
Paniguradong hindi ako nito titigilan sa pang-aasar. Bago pa siya makapagsalita, kinuha ko sa kaniya ang hawak na cellphone at saka kumaripas ng takbo.
"Hoy!"
YOU ARE READING
Los Unity Series #1: Unasked Questions | √
Non-Fictionan epistolary los unity series#1 | completed