Messages
Tuesday | 6:28 PM
Tita:
Hello, Ava.
How are you?
Ava:
hello po : ((
hindi ko pa rin po matanggap
masiyado pong biglaan
hindi ako handa
hindi ko po alam na may sakit siya
Tita:
I understand your pain, iha
Hindi ko rin talaga alam na mayroong kaibigan si Theron
Kung hindi ko pa nabasa ang diary niya, hindi ko pa malalaman
Ava:
p'wede ko po bang itanong kung anong nangyari ka theron?
Tita:
Of course, anak
Kakauwi lang namin noon galing work ng papa niya nang bigla siyang pumunta sa kwarto namin
Nakahawak siya sa dibdib niya, nahihirapan daw siyang huminga
Dinala agad namin siya sa doctor.
Naging okay naman siya pero pagkatapos ng ilang araw naulit na naman
Nahihirapan daw siyang huminga
Nanghihina na rin daw ang katawan niya
Sobrang sakit na makitang nahihirapan ang anak ko
Meron kasi siyang sakit sa puso.
Arrhythmias ang tawag sa condition niya. Hindi normal ang pagtibok ng puso niya.
Bata pa lang siya nang nalaman namin ang sakit niya.
Kaya rin hindi namin siya pinapalabas ng bahay.
Sobrang delikado ng kalagayan niya kaya kailangang bantayan.
Kaya kung alam mo na wala siyang mga kaibigan kasi hindi naman siya nakakalabas ng bahay.
Wala rin siyang kapatid kaya mag-isa lang talaga siya
Ava:
theron 🥹
mahal ko po ang anak niyo : ((
Tita:
Alam ko, anak
Alam ko rin na mahal ka ni Theron
Nabasa ko lahat sa diary niya
Nakita ko kung gaano siya kasaya noong nakilala ka niya
Kung gaano niya kagustong mabuhay para sa'yo
Pero hindi na talaga kaya ng katawan niya
My poor baby 😭
Alam ko nak na hindi madali ang pinagdadaanan mo
Pero alam ko rin na hindi matutuwa si theron kapag nalaman niyang malungkot ka palagi dahil sa kaniya
Be happy anak
Kahit wala na si theron
YOU ARE READING
Los Unity Series #1: Unasked Questions | √
Non-Fictionan epistolary los unity series#1 | completed