A/N: Hi! I've been out for so long, I'm sorry! Marami lang akong inaasikaso even before the month started kaya hindi ko matapos-tapos ang chapter na 'to. I tried so hard to review this one but in case you see some errors, forgive me ( ・ั﹏・ั). Enjoy reading!
~*~
I thought that after dying, I will finally wake up from this dream.
But, no.
Right now, here I am inside the sequel.
From where I am standing, I could see the protagonists of the novel. They are riding an open carriage. They are both waving their hands while their faces are exuding happiness. Both of them are in white - yes, this is the event after they got married.
Libo-libong tao ang nakaabang sa magkabilang gilid ng kalsada. Masigabong nagpapalakpakan ang lahat at naghihiyawan. Puno ng galak ang mga mukha nila habang isinisigaw ang pagbati nila sa bagong kasal. Ang susunod na Emperor at Empress ng emperyo.
Nakatanaw lang ako kina Daniah at Lyon hanggang sa tuluyan silang dumaan sa harapan ko at unti-unting mawala sa paningin ko. Hindi ko alam kung bakit pero kusa na namang gumalaw ang katawan ko. Alam kong may kontrol na ako dahil nagagawa kong ibukas-sara ang mga kamay ko pero para bang may sariling isip ang mga paa ko at may nais itong puntahan.
Dinala ako ng mga paa ko sa isang malawak na lupain kung saan may tatlong puntod na nasa harapan ko.
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko para pigilan ang emosyon ko nang mabasa ko ang mga pangalan na nakaukit sa bawat puntod.
In my right, it was Duchess Arsena's tomb, next to her is Kuya Viu's and surprisingly next to him, is Kiandra's.
I smiled bitterly when I noticed that there are wilted flowers on Duchess Arsena's and Kuya Viu's tomb but there was none on Kiandra's.
Nanatili akong nakatingin sa tatlong puntod. I wanted to mourn for them but I'm too confused to be able to organize my emotions.
I don't know why I have to be here. Even if I wanted to leave this place, I couldn't. My feet are stuck on its place, refusing to follow my mind. Wala tuloy akong magawa kundi maghintay sa kung anong mangyayari. Inabala ko na lang ang sarili ko sa paghahanap ng kasagutan kung bakit ko kailangan makita lahat ng 'to.
Hindi ako sigurado pero baka may gusto sa 'king ipahiwatig ang nobela. Para bang may gusto itong ipakita at iparamdam na hindi ko makukuha sa pagbabasa lamang sa nilalaman ng libro. Ano naman kaya iyon?
Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan ang paglapit ng isang babae sa harap ng puntod ni Kiandra. Nagulat na lang ako nang may bigla na lang nagsalita.
"My lady."
Kahit hindi ko siya lingunin, kilalang-kilala ko ang babaeng nagmamay-ari sa tinig na iyon. At hindi nga ako nagkamali nang makita ko ang mukha ni Mina. Namumugto ang nangingitim niyang mata, maputla ang tuyot niyang labi, at halata rin ang grabeng pagbagsak ng kanyang timbang. Gamit ang suot niyang itim na roba, pinunasan niya ang mga luha niyang hindi maawat sa pagdausdos pababa sa humpak niyang mga pisngi.
Mina...
Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod at humawak sa puntod ni Kiandra. Nanginginig ang mga kamay niya.
"H-hindi ko na alam ang gagawin ko, Lady Kiandra. Sobra akong nakokonsensya dahil sa nangyari sa 'yo. Sa kabila ng pagmamalupit mo sa 'kin, sa kabila ng mga sampal at latigo na dumapo sa balat ko, hindi ko magawang matuwa sa sinapit mo. P-patawarin mo ako kung kinailangan kong ipasa sa 'yo ang kasalanang ako ang may gawa. H-hindi ko ginusto pero wala akong mapagpilian."
BINABASA MO ANG
The Villainess Dying Wish
FantasyAndrea Castillo is an orphan who loves to cuss. Everyday is a cussing day for her and she loves it whenever she see how people's faces contorted upon hearing her lovely curses. Aside from cussing, she also loves reading novels. Sa dami ng nabasa ni...