XLVII. The Smell of Roses

1.6K 99 17
                                    

A/N: Hi! Advance Merry Christmas to you, guys!

~*~

Ramdam ko ang pag-ihip ng malamig na hangin. Walang nagsalita sa amin ng ilang segundo. Nagpapakiramdaman, naguguluhan, at kinakabahan. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito pero isa lang ang nasisiguro ko, lahat kami, ramdam na hindi magiging maayos ang lahat pagkatapos ng gabing ito.

"We could go back through that book? Like how?" Nagawa ko ring itanong sa wakas.

"It works like a gate where we are allowed to pass through."

"Hindi ko maintindihan." Napatingin kaming lahat kay Kyla dahil sa seryosong tono ng boses niya. Diretso lang ang tingin niya kay Savannah. "Paano at bakit mo alam? Wala akong naging tanong nun sa 'yo no'ng bigla ka na lang kumatok sa bahay ko at nagpakilala bilang katulad ko na napadpad sa mundong 'to. I never questioned your identity pero sobra na, Savannah."

I silently agreed with her statement and looked at Savannah as well. She told me that she's not the author. Yet, she knows a lot. Ayoko mang pagdudahan siya pero dahil sa mga nalalaman niya, hindi maalis-alis sa isipan ko ang mga posibilidad tungkol sa katauhan niya.

"Ako, Savannah, kakampi mo ako rito dahil niligtas mo ako," seryoso rin ang itsura ni Ava nang sumali na rin ito sa usapan. Nando'n pa rin ang angas sa pananalita niya pero ramdam kong sa pagkakataong 'to, gusto niya ring masagot ang lahat ng katanungan niya. "Pero hindi ibig sabihin nun, magtatanga-tangahan din ako. Wala akong pagpipilian kundi kumapit sa 'yo dahil bobo ako sa kung anong meron sa mundong 'to. Pero kung may alam ka, dapat lang may alam din kami. Hindi pwedeng ikaw lang ang punyetang nakakaalam kung anong tamang gawing kilos sa mundong 'to."

Napabuntong-hininga ako saka muling hinarap si Savannah. Tutal nagsisilabasan naman na kami ng saloobin, makikisali na rin ako.

"Ilang beses na kitang tinanong at ilang beses mo ring hindi ako binigyan ng eksaktong sagot." Seryoso man siya katulad namin pero kita ko sa mga mata niya na nahihirapan din siya. Wala akong ideya sa pinagdaraanan niya pero baka naiipit nga rin siya sa sitwasyon. Huminga ako ng malalim. "Sa pagkakataong 'to, sige, pagkakatiwalaan kita, pero tangina, kapag ako walang napala, magkanya-kanya na tayo."

Hindi agad umimik si Savannah at isa-isa muna kaming tiningnan. Isang malungkot na ngiti ang ipinakita niya sa amin.

"Mahirap din para sa 'kin na ako lang ang nakakaalam ng buong katotohanan. Hindi niyo alam kung gaano kahirap tanggapin ang totoo at pagdudahan kung tama nga ba na isipin kong totoo ang lahat ng ito."

"Ano nga ba kasing totoo? Sino ka ba? Ba't tayo nandito?" tanong ko.

"I am Savannah Lopez. I am a well-known designer. I died and was reincarnated as Princess Ashea of the Algeria Empire. I am both Savannah and Ashea but at the same time, I was neither."

"Tangina!" pikon na singhal ko sa kanya. "Ang hilig mo talaga sa pasikot-sikot 'no? Bakit ba kasi hindi mo na lang kami diretsahin? Ikaw ba ang author o hindi?!"

"Hindi!" pasigaw na sagot niya. "How many times should I say that I am not her! I will never be her and I don't want to be her! There's a reason why I don't say directly who I am and who you are because if I do, will you be okay?! It took me years before I accepted it, but seeing how desperate you are to know my identity, made me question how will you react when you find out who you really are?!"

Makikita ang galit sa mukha ni Ashea. Mabilis ang paghinga niya ng matapos. Pumikit ito at tila pinapakalma ang sarili. Sa muling pagmulat niya, kalmado siyang muling nagsalita.

"Okay. Let's have this the easiest way possible. Kung gusto niyo ng kasagutan, kayo mismo ang umalam. Lumapit kayo at ilapat ang kanan niyong kamay sa librong 'to."

The Villainess Dying WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon