Chapter Twenty-Four : Supernatural

1.6K 47 5
                                    

Warning: You might encounter typographical errors, grammatical errors, disturbing scenes, and explicit contents ahead. Brace yourself.



Khalani Ann's Point of View

"Y-You what?"

"I said I really want to-"

Napatigil kami parehas ni Zephyra nang bumukas ang pinto ng comfort room. Napasigaw ang pumasok at ngayon ko lang napansin na si Colleen pala ang pumasok. Yung kaklase namin.

"Zephyra?" Napaatras siya at tinignan ako pataas at baba.

"Ano ito, Khal? B-Bakit dalawa lang kayo rito?" Mapanuri ang kanyang tingin kaya timulak ko papalayo si Zephyra. Nawala ang malaking ngiti sa labi ng babae at tinignan din si Colleen.

"What are you doing here? Wala pa si Ma'am?"

Ngumuso si Colleen at pumasok sa comfort room pero sinigurado niyang sarado ng maigi ang pinto. Sumandal siya sa pinto at nag cross arm habang masuri kaming tinitignan.

"Kayo na?"

Ang tanong niya ay nagpatigil sa'kin, kahit ang paghinga ko ay naging dahan-dahan nalang. Napatingin ako kay Zephyra at napansin ko namang mahigpit ang kapit niya sa palda na uniporme namin.

"W-Well, nope. I'm here to ruin her day by pushing her to the sink, you know? I love bullying new comers." Nautal pa sa unang salita si Zephyra but I know she keep herself acting like a cool queen bee kahit halata na hindi siya makasalita ng maayos. Malamig at may kahinaan ang kanyang boses bago siya napatingin sa dereksyon kong muli.

Ngumisi siya at umaktong sasampalin na sana ako pero si Colleen ay isinangga ang sarili at sinamaan ng tingin si Zephyra.

"Please, stop. Maybe you should go back to class, Professor is looking for you."

Nang magtama ang mga mata namin ni Zephyra ay napalunok muli ako. Sa ganitong paraan ng pagtitig niya, alam kong may mali at may gagawin siyang hindi maganda mamaya. The old Zephyra is back.

Nang umatras si Zephyra ay humarap sa'kin si Colleen at hinawakan ang parehas na balikat ko.

"Ayos ka lang? Sinaktan ka ba niya?"

Napunta ang atensyon ko kay Colleen at nginitian siya pero sakto namang nawala sa paningin ko si Zephyra. Padabog pa niyang isinarado ang pinto kaya nagulat si Colleen at napabuntong-hininga pagkatapos. Nagtungo si Colleen sa kabilang lababo at nagsimulang maghugas ng kanyang mga kamay.

"Kanina ka pa ba sa labas?" Humarap ako sa salamin at inayos ang medjo gusot kong skirt pati na rin ang buhok ko.

Tinignan ako ni Colleen at umiling.

"Narinig ko ang usapan niyo. Kaya pala hindi tinanggap ni Zeph yung regalo para sakanya kasi may Girlfriend na siya." Napahilamos ng mukha si Colleen, walang halong kolorete ang maganda at maaliwalas niyang mukha. Natural lang ang ganda niya, pilipinong-pilipino pero kahit kailan ay hindi ko pa nakikita ang mga magulang niya.

Pero nakuha pa lalo ang atensyon ko sa sagot ni Colleen. Akala ko naman ay kakarating niya lang. Sinasabi na nga ba't may makakarinig sa'min, lagot yung babaitang 'yon sa'kin mamaya. Pero imbes na ipagtanggol ang sarili at magreklamo pa ay natameme ako. Tahimik na nakatitig sa malaking salamin na nakadikit sa ding-ding na kaharap ko. Napansin ko pang sinara ni Colleen ang gripo at narinig ko ang mahinhin niyang tawa.

"Nagseselos ka ba sa bata?" Nang-aasar na tanong ni Colleen at inakbayan pa ako. Kinurot-kurot pa ang braso ko kaya napaadaing ako.

"Hindi kaya tigilan mo ako jan kung hindi ikukulong kita sa isa sa mga cubicle." Inalis ko ang braso niya na nakasabit sa balikat ko at sinamaan siya ng tingin.

Ngumuso naman ang babaeng kaklase.

"Kahit ikulong mo pa ako, darating naman si Brysen at siya ang knight shining in armor ko." Pagmamalaki pa ni Colleen sa boyfriend niya na bihira ko lang din makita. Hindi ko nga alam kung anong itsura ng nobyo niya basta ang alam ko lang ay matangkad ito dahil profile picture ito ni Colleen sa Instagram kaso nakatalikod.

"Edi ikaw na may ganyan. Walang kami ni Saunders kaya itikom mo na yang bunganga mo." Pagpipigil ko sakanya at lumabas na ng girls' restroom.

Tahimik lang akong naglalakad hanggang sa marating ko ang classroom namin na sobrang ingay kahit nasa labas palang ako. Pero napatigil silang lahat nang makita ako sa tapat ng pinto. Napatingin silang lahat sa'kin kaya parang nanliliit ako sa sarili ko. Pero bakit naman kasi nasa akin ang atensyon nilang lahat?

"Kasama mo si Zephyra?"

Maya-maya ay may lumapit at nagtanong sa'kin. Si Jefferson na kilala kong madaldal at mayabang sa klase namin. Umiling at sinamaan siya ng tingin bago pumasok na, masama ang timpla ng mukha ko nang umupo dahil puro na sila tanong kung nasaan si Zephyra.

"Wala nga akong kasama papunta rito. Ako lang mag-isa!" Padabog na sagot ko at pinalo ang mesa ko gamit ang dalawang palad kaya tumigil naman na silang lahat.

Lumipas ang ilang minuto ay nanahimik na sila at bumalik na ulit si Sir. Pinagpapawisan pa ito at palaging sumusulyap sa kaliwang bintana. Napataas naman ang kilay ko habang nakikinig sa discussion niya tungkol sa human resources, malapit na kasi kami sa kalagitnaan ng semester. Ay hindi! Malapit na kami sa katapusan ng semester. Graduation na namin sa susunod na buwan. Kapag graduate ko ay alam ko na aalis ako ng bansa, 'yon kasi ang sabi ni Mommy.

Pero nasa kalagitnaan kami ng discussion ni Sir ay may napatiling babae na kaklase ko kaya sakanya nabaling lahat ng atensyon ng nasa loob ng silid-aralan. Gulat ko pang nakagat ang dulo ng ballpen ko kaya napapikit ako dahil sa inis at pagkabagot.

Pero nawala ang inis ko nang makita ko si Zephyra na nasa kabilang building. Nasa high school building siya at may hawak na malaking papel na pinagtagpi-tagpi, kulay rosas ito at malaki talaga. Katabi nito ang lalaking nakasuot ng salamin at may hawak pang libro ng pang-grade 10. Napatayo na rin ako at nakitingin.

"Anong ginagawa ni Zeph jan?"

"Ano yung nakasulat?"

"Shesh! Basahin niyo yung nakasulat!"

"Nanunuyo si Queen bee!"

"Khal! Hindi ba pangalan mo yung nakasulat sa manila paper?"

Napunta nanaman sa'kin ang atensyon ng mga kaklase ko. Ang mga matang mapanuring nakatitig sa'kin ay nagbibigay ng hiya sa buong sistema ko. Lumapit pa lalo ako sa bintana para tignan at basahin kung ano ang nakasulat sa pinagtagpi-tagping papel.

"Depota! May jowang babae si Queen bee?!"

Nawala ang pagkairita na reaksyon ko at napalitan ng blankong ekspresyon. Napakuyom ang aking mga kamao at tumakbo papalabas ng silid-aralan. Karamihan ng mga nakakakita ay pumapalakpak at suportado sa ginagawa ni Zephyra sa highschool building. May malakas na musika kasi ang naririnig mula sa gawi niya. Ang kanta ni Ariana Grande na supernatural at ito ang lagi kong naririnig na pinapatugtog ni Saunders minsan kapag bumisita si Aunty Khalina kasama ako sa bahay nila.

"Come on, baby! Come to mommy!"

Itinaas ko ang isang kamao ko at umaaktong mananapak na, rinig ko pa ang halaklak ni Zephyra mula sa pangatlong palapag ng punyetang highschool building na 'yan.

Muli akong tumakbo patungo sa hagdan at pumunta sa pangatlong palapag kung nasaan si Zephyra. Nang makarating ako kung nasaan siya ay napatigil ako mismo sa gilid niya, dalawang metro ang layo namin sa isa't isa at humihiway na ang ibang tao.

"I'm really into you, Samuego. Hindi ko type si Jaime dahil ikaw ang gusto ko. Bati na ba tayo, baby ko?"

Ngumiwi ako nang marinig kong inulit niya ang nakasulat sa malaking papel na nakasabit pa kanina.

Ano nanamang pakulo ito, Saunders? Totoo ba o prank mo nanaman?

&.&.

















RVRIECYNO: Na-supernatural yung maldita, AHAHAHAHAHAHAHA!

After Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon